Matapos maputol ang tawag ni Lyric sa kanya mabilis niyang pinahid ang sarili niyang mga luha saka agad siyang tumayo mula sa kanyang desk. Mabilis at galit at sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon ay wala siyang pakialam kung sino ang masasaktan ngayon. Agad siyang lumabas sa office niya at inutusan ang assistant na i-cancel ang mga meeting niya. Pagdating sa bahay, diretso siyang nagtungo sa silid na pansamantalang ginagamit ni Cristy sa mansion. Hindi na siya kumatok. Diretso niyang binuksan ang pinto. Nagulantang naman si Cristy at ang nurse na naroon maging ang tatlong tao na nag lilinis ng kuko nito sa paa at kamay habang ang isa ay nag mamasahe ng ulo nito. Isang bagay na hindi niya nakitang ginawa ni Lyric sa loob ng dalawang tao. Never niyang nakita nagkaroon ng kul

