Mali. Alam iyon ni Lyric. Araw-araw. Gabi-gabi. Sa tuwing nagigising siya sa condo ni Nyxie. Sa tuwing nakikita niya ang wedding ring na hindi pa rin niya maalis sa daliri. Sa tuwing naaalala niyang kasal pa rin siya kay Isaac. Sa tuwing makikita niya ang mga markang iniiwan ni Harry sa katawan niya alam niyang mali. Ngunit may mga sugat na hindi kayang pagalingin ng tama at maling desisyon. May mga sugat na naghahanap lamang ng paraan para makahinga at para kay Lyric... Naging si Harry ang paraan na iyon. Sa umpisa, simpleng pag-uusap lamang. Mga mensahe, mga tawag, mga pagkakataong kailangan niya ng taong makikinig. Isang taong hindi siya huhusgahan, isang taong hindi magsasabi na nag-o-overreact siya, isang taong hindi pipili ng ibang tao kaysa sa kanya. At habang tumatagal... Unti-un

