Breakfast

1611 Words
Tahimik na dumating si Isaac sa kanilang bahay bandang madaling araw na walang ilaw, walang ingay. Tanging katahimikan ng isang mansion na dapat ay puno ng buhay pero ngayon ay parang walang laman. Dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan at sa bawat hakbang niya... may bigat sa dibdib niyang hindi niya maipaliwanag. Pagpasok niya sa master bedroom, agad niyang nakita si Lyric. Nakahiga ito sa kama. Nakatalikod sa kanya, mahimbing ang tulog. Pero hindi iyon ang agad niyang napansin. Kundi ang bahagyang pamumugto ng mata nito. May bakas pa ng luha sa gilid ng pisngi. Parang umiiyak ito bago tuluyang nakatulog. Natigilan si Isaac lalo siyang kinurot ng konsensya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Gusto niyang hawakan ito, gusto niyang gisingin, gusto niyang sabihing— “I’m here.” Pero hindi niya nagawa. Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon... baka itulak lang siya nito ulit. Kaya sa halip... tumalikod siya at pumasok sa banyo. Matagal siyang naligo parang sinusubukang hugasan ang lahat ng nangyari. Ang kasalanan niyang ginagawa, ang kaguluhan dinudulot niya at ang guilt na hindi niya maamin kahit sa sarili niya. Pagbalik niya sa kwarto, nakapahiga pa rin si Lyric hindi nabago ang puwesto. Napaka sexy talaga nito basta nakapang tulog kaya ayaw niya minsan talaga umuwi, talagang gumagawa siya ng alibi at sinasadya niyang mag sinungaling dahil kapag araw-araw siyang umuwi at ang asawa niya ang makakatabi niya pag-tulog mahirap gumawa ng tulog. Maingat na siyang sumampa sa kama at dahan-dahan siyang sumiksik sa tabi nito. Hindi niya ito ginising hahayaan muna niya itong matulog at magtitiis nalang muna siya, hindi naman niya ikamamatay ang tinitigasan habang natutulog. Hindi niya ito hinawakan nang agresibo. Sa halip, maingat niyang idinantay ang braso niya sa baywang nito. Parang natatakot na baka mawala ito anumang oras. At bago siya tuluyang pumikit... isinubsob niya ang mukha sa buhok nito. Huminga siya nang malalim. At gustong-gusto talaga niyang ang natural scent nito at amoy ng ordinary shampoo na gamit nito. At sa unang pagkakataon ngayong gabi... bahagyang kumalma ang puso niya. Kinabukasan. Maagang nagising si Isaac, mas maaga pa kaysa karaniwan. May kung anong gusto siyang gawin, isang bagay na hindi niya alam kung bakit niya ginagawa. Pumunta siya sa kusina, personal niyang inayos ang breakfast table. Nilabas ang mga plato. Nagprito ng itlog, bacon, hotdog, nag-toast ng tinapay. Gumawa ng hot choco na iniinom ng asawa tuwing umaga. Hindi siya sanay na gawin yun kaya kahit ang mga katulong nagtaka din pero nanahimik at walang naki-alam sumusunod lang sa bawat utos ni Isaac. Hindi rin niya alam sa sarili niya bakit bigla gusto niyang gawin iyon para kay Lyric, siguro dahil 1st time itong umiyak at wedding anniversary pa nila kahapon kaya sobrang kinakain ng konsensya niya sarili niya. Habang inaayos niya ang huling plato... may narinig siyang tawanan mula sa likuran. Natigilan siya, kumunot ang noo niya lalo na at narinig niya ang familiar na boses ng lalaki na nag sasalita na nag papatawa ng malakas kay Lyric. Nilingon niya ang pinto ng kusina. At doon... parang huminto ang mundo niya. Si Lionel. Ang kuya niyang walang disiplina sa pagdating at pag-alis. Basta ito aalis ng walang paalam sa parents nila at uuwi din ng walang pasabi at ngayon nasa mismong bahay pa niya at nakasuot ng T-shirt niya at pajama din niya. Kasama si Lyric at nag tatawanan pa ang mga ito, totoong tawa. Hindi pilit, hindi controlled na palagi niyang nakikita kay Lyric. Yung tawang hindi niya halos nakikita sa asawa niya kapag siya ang kasama. "Good morning, Brother." masayang bati ni Lionel habang umuupo. "Mmm, this breakfast is delicious, Isaac. Looks like you really missed me." Napakunot ang noo niya na sumimangot sa kapatid bago tumingon kay Lyric. "Why the hell is he here?" Natigilan si Lyric sa gaspang ng pananalita ni Isaac sa kuya nito na parang hindi kapatid ang nasa harapan nito. "Isaac—" saway sana niya rito pero hindi siya pinatapos magsalita. "Bakit nandito siya sa bahay natin?" Tumingin siya kay Lionel. Na parang walang problema sa mundo at walang paki-alam kung nag-aaway silang mag-asawa dahil dito. Kumakain pa ng itlog na siya ang nagluto na parang deadma lang kung galit siya. "Si Kuya Lionel kasi ang—" "Doesn’t matter," putol niya agad. Lumapit siya nang bahagya at mas lumalim ang boses niya. "You don’t just bring people here without telling me." Natigilan si Lyric. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkagulat. Parang kanina lang ay may konting saya pa ito. Pero ngayon... nawala iyon ng tuluyan. Unti-unting bumagsak ang balikat nito at saka siya tumingin kay Lionel. Si Lionel naman ay kumamot lang sa ulo. "Relax, bro. Buhay pa naman ako, so far." Ngumisi pa ito pero hindi natawa si Isaac. Hindi siya natuwa. Hindi gumaan ang pakiramdam niya sa halip lalo siyang nainis. Lalo na nang makita niya ang suot ng Kuya Lionel niya ang damit niya. Ayaw niya sa lahat pinahihiram ang personal na gamit niya at alam yun ng buong pamilya niya. "Seriously?" malamig niyang sabi rito. "Yan ang suot mo?" "Oo. Wala akong damit, eh. Wag kang madamot." Ani Lionel. "Why are you acting like this is normal?" Inis na tanong ni Isaac sa kapatid habang tahimik lang si Lyric. Nakatingin lang sa kanya parang hinihintay kung kakalma ba siya o mas lalong magagalit. Ngunit imbis na kumalma... lalo siyang nainis lalo pa at na nanahimik lang nanaman si Lyric gaya ng dati. Samantalang kanina ang lakas ng tawa nito at hindi niya alam kung kelan pa naging close ang dalawa na ito. "Lyric." Lumapit siya rito at hinawakan sa braso ang asawa. "Just because he’s my brother doesn’t mean you can bring a man here without telling me." Napatigil si Lyric. Dahan-dahan itong tumango na napakagat labi pa na parang damang-dama niya ang impact ng ibig sabihin ni Isaac. "Sorry. Nalimutan ko na wala nga pala akong karapatan sa bahay na to, don't next time it won't happened again." ani Lyric na ikinatahimik naman ni Isaac parang bigla pinag sisihan ang lahat ng sinabi niya. "Lyc, I didn't mean —." "Sorry." nag yuko pa ng ulo si Lyric at doon siya lalong nainis. Dahil hindi iyon ang reaksyong gusto niya. Gusto niyang mag-react ito. Gusto niyang magtanong ito, gusto niyang magalit ito at ipamukha sa kanya na sumosobra na siya pero hindi. Umiwas lang ito ng tingin. Parang sanay na parang wala nang lakas. Biglang nawala ang gana ni Lyric sa pagkain. "Kuya Lio, mauna na ako sa'yo. Sa gallery nalang ako mag-breakfast, pasensya na ulit kagabi." paalam pa niya sa kuya ni Isaac na tumango lang habang tuloy ang kain habang si Isaac nag taka sa sinabi ni Lyric. "Lyric wait—" Pero hindi na ito lumingon o huminto dire-diretso itong lumabas. Mabilis naman sumunod si Isaac at pilit na tinatawag pa rin ang asawa. "Lyric! Stop... Don't turn your back on me when I'm talking to you." Ngunit paglabas niya... huli na. Nakasakay na ito sa ibang sasakyan na pag-aari niya na pinag taka pa ni Isaac. Hindi ang kotse na ibinigay niya rito ang ginamit nito na madalas nitong gamitin. Napakunot ang noo niya, lumapit siya sa driveway at pilit na kinatakot ang binata ng kotse ni Lyric pero hindi talaga siya pinansin ng asawa. Kaya napamura nalang siya sabay napalingon sa kotse nitong naka park din naman sa garahe at doon niya nakita ang harap ng kotse ni Lyric. Wasak. May malaki dent, basag ang dalawang head light at may gasgas ang unahan na wala ng bumber parang galing sa banggaan. "What the hell? Lyric." sigaw niya. Ngunit umalis na ang sasakyan. Hindi na siya nakapag tanong kung anong nangyari, ibig sabihin kagabi pa iyon kaya siguro ito hindi nasagot sa kanya at nakakareply sa kanya kagabi nasa hospital ito at habang siya kasama si Cristy at kumakain ng dinner. Natigilan siya na napamura na napasabunot ng buhok, saka nag mamadaling bumalik sa loob. Mas mabigat ang pakiramdam niya ngayon. Pagpasok niya sa dining area... nakita niya ang kuya Lionel niya, nakaupo, kalmado. Kumakain pa rin parang walang nangyari at nasa sarili nitong pamamahay. "Kuya." Hindi sumagot si Lionel. "Explain." Sa wakas, tumingin ito sa kanya at ngumiti noon lang napansin ni Isaac ang gauze na nasa may noo nito. "Your wife ran me over." Natigilan si Isaac. "Excuse me?" "She run over me. And the impact really hit me hard," dagdag pa ni Lionel habang kumukuha ng kape. "And now it appears my heart isn’t the only thing at risk for falling—your marriage is as well." Sandaling katahimikan. At pagkatapos noon... umusok ang ilong ni Isaac ng ma process niya ang ibig sabihin ng kapatid na panganay. "Shut up." Tumayo si Lionel. "Relax. Wala kang karapatan na magalit. At walang masama kung magustuhan ko ang asawa mo." Ngunit hindi na nakapagpigil si Isaac sa huling sinabi ng Kuya niya at binigyan ito ng isang suntok. Diretso sa panga ng kuya niya. Napaupo si Lionel sa sahig. Humawak sa panga at saka tumawa. "Nice hit, Baby Bro. Mas lalo kung gustong kunin si Lyric at sirain ang marriage n'yo." Natigilan si Isaac. Huminga nang mabigat. "Don’t joke about my wife." Ngunit si Lionel... tuloy lang sa pagtawa. Parang walang sakit na naramdaman parang sanay na at habang nakatingin si Isaac sa kanya... may kakaibang pakiramdam siyang hindi niya maipaliwanag. Hindi lang galit. Kundi... isang bagay na mas nakakainis. Parang may nalalapit na katotohanan na hindi pa niya handang harapin at sa unang pagkakataon... hindi si Cristy ang unang pumasok sa isip niya. Kundi si Lyric at ang katahimikan nito. Na mas masakit kaysa kahit anong sigaw na gusto niyang marinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD