Mula nang magising siya nang madaling-araw, pakiramdam ni Isaac ay sampung taon ang idinagdag sa edad niya. At ang dahilan? Dalawang maliit na bata. Parehong umiiyak, parehong nakatayo sa gilid ng kama, parehong nakatingin sa kanya na parang sila pa ang biktima. "God damn it! Do you even know what time it is?" inis na tanong ni Isaac na tumayo na mula sa pagkakahiga sa kama. Ngunit ng makita ang kama saka lang niya na realize kung anong iniiyakan ng dalawang bata. Nanlalaki ang mga mata ni Isaac habang nakatitig sa basang kama. Unti-unti niyang ibinaba ang tingin, basang-basa ang bedsheet, basang-basa ang kumot pati punda ng unan kita ang marka ng basa. "What the f*ck!" Tahimik lang siya. Hanggang sa... Napalakas ang sigaw niya. "ANO 'TO?! ANONG GINAWA N'YO?" Napatalon sa takot ang dal

