Pagkapasok ni Thara sa silid, kaagad siyang naghanap ng tuwalya. Ramdam niya ang bigat at alikabok ng buong araw na nakadikit sa kanyang balat, kaya nanaisin niya ang linisin ang sarili. Nang matagpuan ang isang malinis na tuwalya sa loob ng cabinet, dumiretso siya sa banyo. Habang naliligo, bahagya siyang napatigil nang marinig ang mahinang pagkalansing ng pinto sa labas. Napalunok siya at mabilis na pumasok sa isip ang katauhan ni Rozein. Mukhang nakauwi na yata ito. Sandali pa ay kumatok ang isang kamay sa pinto ng banyo. “Ano po ba ang gusto niyong isuot, Ma’am? Ihahanda ko po para sa inyo,” wika ng isang boses babae. Nakaramdam ng kaunting ginhawa si Thara nang makilala ang tinig. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at humarap sa dalagang may ngiting nakatanaw sa kanya. “Kailang

