Prologue

960 Words
Hindi pa man nakakalayo si Thara ay marahas na hinawakan ni Rozein ang kanyang braso dahilan kaya siya napatigil sa paglalakad. "You're not going anywhere until you tell me everything that I want to know," mariing sambit ng lalaki. Huminga nang malalim si Thara bago siya humarap dito. "Ano bang gusto mong malaman?" maingat niyang tanong. "Ang galing mong magbait-baitan sa harapan ng Senyora. Ang totoo, isa kang kriminal!" asik ni Rozein. Bahagya siyang napaatras nang biglang tumaas ang boses nito. "That's not true," mariing depensa niya. Mapang-uyam na titig ang ipinukol ni Rozein sa kanya. "Paano mo patutunayan? Plinano mo 'to lahat," dagdag pa ng lalaki. Kumuyom ng kamao si Thara. "Kailan man ay hindi ko binalak na mangyayari 'to," sagot niya, pigil ang galit. Alam niyang kinasusuklaman siya ni Rozein. Naiintindihan niya, ngunit tama ba na tawagin siyang kriminal? Wala siyang kasalanan sa pagkamatay ni Hera, aksidente ang lahat ng iyon. "Sinong nagsabi sa ’yo na pwede mong pakialam ang pagmamay-ari ni Hera?!" muling galit na tanong ni Rozein. "Ang Senyora ang naglipat ng pangalan ko para pangasiwaan ang resto," kalmadong sagot ni Thara. "At nasiyahan ka naman dahil do'n? Alam mo, hanga din ako sa ’yo. Hindi ka na nakuntento pati mahalagang bagay ng taong dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay ka pa ay dinadamay mo sa pagiging uhaw sa kayamanan!" insulto ni Rozein, dahilan para lalo pang kumuyom ang kamao ng dalaga. Pinilit ni Thara na pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang makipagtalo pa kaya bago pa man uminit ang ulo niya ay tinalikuran niya ito. Huwag ako ang sisihin niya, bulong ni Thara sa sarili. Hindi niya hinangad na mapasakanya ang resto'ng iyon. Kagustuhan ng Senyora, paulit-ulit na niyang sinabi sa matanda na hindi magugustuhan nito ang desisyon ng Senyora, pero itinuloy pa rin ang paglilipat ng pangalan. Kaya ngayon, mas lalo lamang nadagdagan ang galit ng lalaki sa kanya. Kahit kailan, hindi sumagi sa isip ni Thara na agawin ang mga bagay na dapat ay kay Hera. Alam niyang kay Hera iyon unang ibinigay ng Senyora, ipinasa lamang sa kanya dahil wala nang magma-manage. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang reaksyon ni Rozein nang malamang sa kanya nakapangalan ang bahay at lupa. Sapagkat lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Hera ay iniingatan nito higit pa sa sariling buhay. At ngayong nalaman nitong ipinasa ang mga iyon sa babaeng pinaka-kinamumuhian nito. "Huwag na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!" sigaw ni Rozein. Nagulat si Thara nang muling hatakin nito ang kanyang braso pabalik. "Bakit parang lumalaki yata ang ulo mo? Sino bang pinagmamalaki mo? Naging kakampi mo lang ang lola, umakto ka nang parang sino." Napangiwi si Thara sa higpit ng hawak nito na halos bumaon na ang kuko sa kanyang balat. "Kung nagagalit ka dahil do'n, wala namang problema sa akin kung babawiin mo. Wala naman akong balak angkinin 'yun. Kaya naman sana h'wag mo ng palakihin ang gulo," aniya, pilit na kumakawala. "Lumalaki ang gulo dahil sa’yo! Masyado kang pakialamera. Anong karapatan mo para pakialaman ang mga bagay na hindi naman karapat-dapat sa’yo?! You know what, I wonder, why I marry a curse thing like you," malamig na sagot ni Rozein habang pinagmamasdan siya nang may matinding pagkasuklam. Tila isa siyang nilalang na nakakadiri sa mga mata ng lalaki. "Bakit pa ba ako nagpapakahirap na pakisamahan ka, samantalang pwede naman kitang kitilan ng buhay na walang kahirap-hirap, kapalit ng buhay ng inosenteng taong dinamay mo!" nanlilisik ang mga mata ni Rozein sa galit. Napalunok si Thara. Biglang nanikip ang kanyang lalamunan, at anumang sandali ay baka tuluyan na siyang mapahikbi. Napaigtad siya nang marahas siyang itulak ng lalaki, halos matumba siya. "Kung ganoon pala, bakit hindi mo na lang ako patayin! Total ’yon naman pala ang gusto mo. Maghiganti ka para kay Hera, sige, patayin mo ako! Kung ’yon ang ikakasaya mo!" matapang niyang hamon, kahit nanginginig ang kanyang tuhod. Wala na siyang pakialam kung nanganganib ang buhay niya. Kung iyon lang ang paraan para maibsan ang galit ni Rozein, handa siyang tanggapin. Alam niya naman mula’t sapul na paghihiganti lamang ang dahilan ng lalaki kaya siya nito pinakasalan. At dahil wala rin siyang pagpipilian noon, napilitan siyang pumayag. "I'm not like you. Hindi ko dudumihan ang kamay ko para lang sa walang kwentang babae. But remember this, Thara. Hangga't nabubuhay ako, araw-araw kong ipapaalala sa ’yo na wala kang karapatang maging masaya," malamig na sumpa ng lalaki na nagpatindig ng balahibo ni Thara. Hindi niya namalayang nasa gilid na pala siya ng pool. Paulit-ulit siyang umaatras hanggang sa wala na siyang malapitan. Napalunok siya nang mapagtantong kaunti na lang ay mahuhulog na siya sa tubig. May balak ba itong ihulog siya? Hindi siya marunong lumangoy. May kalaliman pa naman ang pool. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita ang mapanuyang ngisi ni Rozein. "R-Rozein, please. Hindi ko alam kung paano lumangoy," nagmamakaawa niyang pakiusap. "Malas ka, Thara." Mariin siyang itinulak ni Rozein sa balikat kaya diretso siyang bumagsak sa tubig. "Rozein!" sigaw ni Thara, pilit inabot ang lalaki ngunit lalo lamang siyang nalulunod. Hanggang sa naramdaman niyang unti-unti nang lumulubog ang kanyang katawan. Pilit siyang umaahon, sumusubok humingi ng tulong, ngunit binabalewala lamang siya ni Rozein. Para lamang itong nanonood ng pelikula habang pinagmamasdan ang kanyang paghihirap. "Ngayon mararanasan mo ang pakiramdam ng unti-unting namamatay na walang tumutulong," malamig na sambit nito bago siya talikuran. No… Napaluha si Thara habang nakatitig sa papalayong bulto ng walang awang lalaki. Ito na ba ang katapusan niya? Mamatay na lang ba siyang hindi naipagtatanggol ang sarili laban sa mapanghusgang tao? Pumikit siya nang maramdaman ang patuloy na paglubog ng kanyang katawan. Nauubusan na siya ng hangin at lakas. Sabagay, ito naman ang gusto nito, ’di ba? Masaya itong makitang mamatay siya ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD