⚠️ SPG WARNING!!! This story contains mature content, strong language, and s****l themes that are not suitable for readers below 18 years old. Please read at your own discretion. . . . Mag-aalas-otso na ng gabi, ngunit naroon pa rin si Thara sa opisina ni Rozein. Iniwan siya rito nang magpaalam itong may pupuntahang emergency. Ang sabi ng lalaki, hindi ito magtatagal. Ngunit hapon pa lamang nang umalis ito, at ngayon, mahigit apat na oras na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik. Hindi mapakali si Thara. Halos lahat ng empleyado sa kompanya ay nagsiuwian na, maging si Zaire. Napapitlag siya nang bumukas ang glass door. “Easy, man, you’re too heavy,” ani Jai, nakaalalay sa isang braso ni Rozein, habang ang isa pang kasama nila ay nasa kabilang gilid. Kumunot ang noo

