TEASER

410 Words
Nanginig ang kanyang kalamnan nang mapag-sino ang lalaking nakaupo sa harapan niya. Ilang taon na rin ba simula noong huli niyang makita ang mukha na iyon? Tatlo? Hindi niya na sigurado. Ngunit iisa lang ang alam ni Ariadne. Ang balagsik sa mukha ng kaharap niya ngayon, ay siya ang may dulot. “Ikaw ang...” “We met again, Ariadne.” Ngumisi ito. “What are you waiting for? Start serving me now.” Bahagya siyang napa-atras. “No... I... There must be a mistake...” Pagak na tumawa ang lalaki. Nangalumbaba. “Mistake? What kind of mistake, Ariadne? Na baka hindi ako ang bumili sa’yo? Na baka hindi si Damon Cassius Lockhart, ang dati mong boyfriend, ang nagbayad ng malaking halaga para lang makuha ka sa stepfather mo? What kind of mistake are you thinking, my dear Ariadne?” “Bakit mo ginawa ‘yon? Bakit ka nagbayad ng malaki kay Tito Jim para lang makuha ako?” Pagak itong tumawa. “Does it matter? Strip now, dear. Stop making me wait.” “No. Sasabihan ko ang stepfather ko na ibalik ang pera--” Ang tunog ng nabasag na kopita ng wine na inihagis ni Damon ang dahilan para matigilan ang dalaga. Nag-aalab ang mga mata nito nang lapitan siya. He grabbed her. His grip on her wrists were tight, as his stares were piercing through her soul. “Do you hate me that much, huh, Ariadne? Gan’yan ba ang pagkamuhi mo sa akin na pagkatapos mo akong iwan ng walang dahilan, tatlong taon na ang nakakalipas, ngayon naman e ayaw mong makita ang pagmumukha ko?” “Damon, nasasaktan ako--” “Dapat lang!” gigil na saad nito. “Dapat lang na masaktan ka, Ariadne! Nang maramdaman mo kung anong naramdaman ko no’ng iniwan mo ako ng walang dahilan!” Hinawakan siya nito sa panga. Ang mararahas na halik ni Damon ang dahilan ng unti-unting panghihina ng kanyang mga tuhod. Mga halik na ilang taon niya ring pinigilan na hnap-hanapin. Mga halik na... “Oh, and you’re asking me why I did this, Ariadne? Gusto mong malaman? Puwes, sasabihin ko sa’yo! Binili kita, para kuhanin lahat sa’yo. Buhay mo, pagkatao mo, dangal mo, lahat! Lahat-lahat. At wala akong ititira. Wala akong ititira hanggang sa maramdaman mo kung ano ang pakiramdam ng magago! Hanggang sa maramdaman mo kung anong ginawa mo sa akin noon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD