IX

1300 Words
Since last night, Ariadne avoided him. Inaasahan na ni Damon iyon. Sa lahat ba naman ng mga binitawan niyang salita kagabi, sa dahas ng kanyang mga hawak, imposibleng hindi ito matakot sa kanya. He was a beast last night. He had no control and that he ended up hurting her and creating a larger boundary between the two of them. Nauna itong umalis sa kanya kanina. Hindi niya na rin inusisa ang dalaga kung bakit nang makarating siya sa opisina. Hindi ito sumabay sa pagkain ng agahan at nag-iwan na lang ng baon para sa kanya. He was supposed to like that. But now, he dreaded the stillness and the distance between them. Shut it, Damon! Maigi na na lumayo siya sa’yo, paalala niya sa sarili. Napabuntong-hininga na lamang siya at inayos ang mga papel sa desk niya. Hindi siya makapag-focus sa mga binabasa niyang dokumento at mas lalong wala siya sa mood na lumabas at makipag-inuman. Pierre was still on his investigation and he had no other thing to do. Napadiretso siya ng upo nang pumasok si Ariadne sa loob ng opisina nila. He almost forgot that the two of them shares the same room in the office. Nang mapansin ng dalaga na nakatingin siya ay kagad itong nag-iwas ng tingin at naupo sa lamesa nito bago inayos ang mga files na bitbit nito. Damon cleared his throat. But no matter how hard he tried to hide it, he was lying when he told her that he could not bear to touch and kiss her. Damon was aching last night when he slammed his lips on her skin, when he tore her blouse and bra. He was aching so bad that he knew he would regret it later on that was why he shoved her away. And resisted the temptation. “May... ipapagawa ka po ba, Sir?” Napalunok siya at tumingin sa mga folders na hawak. “Wala. You can have your lunch now, Miss Cabaya,” mahinahon niyang saad. Bahagya lamang na napatango ang dalaga at lumabas na ng silid. Naisandal niya na lang ang ulo niya sa swivel chair at nagpaikot-ikot habang nakasakay doon. If there was one thing he wanted at that moment, that was to get rid of her from his mind and forget what happened last night. Mabilis na lumipas ang oras kay Damon. Mainly because he was bored and could not focus. Nang mga bandang alas singko ay nagpaalam na si Ariadne sa kanya. Bago pa man siya makapag-offer na isabay na ito sa pag-uwi ay naunahan na siya ng dalaga. “Uhm, Sir, may pupuntahan lang po ako,” saad nito. Tatanungin niya sana ang dalaga kung saan pero isinara na lamang niya ang kanyang bibig at nanahimik. Wala siyang dapat na pakialam sa kung saan man nito gustong pumunta. Tumango na lamang siya. “Be home before 10 PM, Miss Cabaya. Kung ayaw mo na ipahanap kita sa lahat ng tauhan ko.” Napalunok ito at tumango. He watched her as she organized her desk and gathered all of her things before leaving the office. Natutukso man na sundan ang dati niyang nobya ay hindi niya magawa. Wala siyang karapatan dahil wala namang sila, at isa pa, amo lang naman siya nito. Hanggang doon lang ang ugnayan nila. Mayamaya ay umuwi na rin siya. He has no other thing to do, anyway. Magbababad na lamang siya sa bathtub sa villa at iinom ng alak para ma-relax ang sarili niya. Para mawaglit sa isipan niya ang kanyang mga inaalala. He quickly went down and get in his Mustang before driving home, absent-minded and spacing out. Binati siya ng kanyang mga katulong katulad ng dati, ngunit dahil sa pagkalutang ay hindi niya pinansin ang mga ito at nagdire-diretso sa banyo at binuksan ang gripo ng bathtub bago naghubad ng damit. Damon’s worn out body glistened under the chandelier. Hindi niya maiwasan ang pagkakatulala. Siguro nga ay talagang kailangan niyang mag-relax at huwag munang isipin ang kung anong mayroon sila ni Ariadne at kung paano siya maghihiganti rito. His revenge plan have been bugging the hell out of him ever since she came. He was so pumped that he did not even know where to start on making her regret leaving him. Pero ngayon na nakikita niya na matindi pa rin ang epekto ng dalaga sa kanya, hindi maiwasan ni Damon na mag-isip kung tama ba na tinulungan niya ito at nagpadalus-dalos sa mga pinaggagagawa niya. Dahil imbes na ito ang mahirapan, e mukhang siya ang naghihirap ngayon. Both of his d*ck and heart was aching whenever she was near and he hated it. He absolutely hated it. Nang magmulat ulit siya ng mga mata ay napabalikwas siya. Madilim na sa labas ng bintana. He glanced at his watch and it was quarter to nine in the evening. Nakatulog siya sa bathtub sa sobrang kapaguran. Kaagad siyang umalis mula sa pagkakababad at tinuyo ang sarili bago bumaba at pinauwi na ang mga katulong na hinihintay siya na magising. After having a meal and pouring himself some beer, he went to the living area and waited for her. “Nine thirty na, a. Why the hell is she not yet at home?” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kanyang smartphone. Walang iniwan na mensahe ang dalaga roon. Sa pagkainip ay sinubukan niyang tawagan ito ngunit nakapatay naman ang telepono nito. Unti-unting bumangon ang kaba sa dibdib ni Damon. Was she alright? Bakit nakapatay ang smartphone niya? She should be home by now, did she met an accident along the way? Ilang ulit niya pang tinawagan ang dalaga ngunit walang sumasagot sa telepono. Naubos niya na ang limang mug ng beer na pabaik-balik niyang kinuha habang hinihintay ang dalaga ngunit hindi pa rin ito sumasagot sa mga tawag niya o sa mga texts niya. “Jeez, Ariadne, pick up,” mahinang bulong niya habang idina-dial ang numero ng dalaga. Alas-onse na ng gabi pero wala pa rin ito sa villa. Akmang lalabas na sana siya upang hanapin sana ang dalaga nang bumukas ang main door at pumasok mula roon ang hapong-hapo na sekretarya niya. “Where have you been? Alas onse na, a,” saad niya habang pinagmamasdan ito. She nonchalantly shrugged and removed her shoes. “Nakipagkita ako kina Tere at Dara. Medyo napasarap ang kuwentuhan namin kaya--” Nagpantig ang tainga niya. Nag-alala lang ba siya para sa wala? “’Di ba sabi ko, dapat alas diyes ng gabi, nandito ka na?” “Hinatid naman nila ako, huwag kang mag-alala.” “And why weren’t you picking up my calls? Answering my messages? Did you know that I was a second away from leaving the villa and turning X upside down just to look for you? Alam mo ba na akala ko, napa’no ka na sa daan? And now you’re telling me to calm the f*ck down and stop worrying?” pagtataas ng tinig niya. Nag-iwas ito ng tingin. “Lowbat ang phone ko, wala akong dala na powerbank. Nandito naman na ako kaya wala nang dapat na pag-usapan pa,” saad nito bago siya nilampasan at dire-diretsong umakyat ng hagdan. Sa galit ay sinundan niya ito. “I’m not yet done talking to you, young lady,” saad niya na may halong pagbabanta sa tinig niya. “Pagod ako, Sir. Puwede bang bukas na lang tayo mag-usap?” Bago pa man ito makapasok sa loob ng silid nito ay nahablot niya na ang pulso nito at hinila papasok ng sarili niyang silid. Hindi niya malaman kung bakit pero alam niya na tuluyan na siyang nilamon ng galit at ng pag-aalala na hindi niya na napigilan pa ang sarili nang hagkan niya ito nang mariin sa labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD