PAGE 37 To work ******** NAGULAT AKO ng biglang sumulpot sa harap ko si Henry. Nasa mababaw na bahagi kami ng dagat. Hanggang sa ilalim ng dibdib ko iyong tubig samantalang hanggang sa may ibabaw ng tiyan naman ni Henry iyong lalim ng tubig. Maliwanag naman iyong paligid dahil sa mga light posts sa malayong gilid ng villa tapos half moon pa at sadyang napakaliwanag. "Hi baby girl?" Ngumisi siya sa akin na parang wala sa sarili. Napasinghap ako ng maamoy ang alak na nainom niya. Humalo iyon sa natural na niyang amoy at sa dagat. "Oh?" Minasdan ko siyang maige. Namumula siya ng sobra at namumungay ang mga mata sa kalasingan. Alam ko na dapat akong lumayo kapag ganitong mga sitwasyon pero kaibigan ko si Henry. Nahalata ko agad na may kung anong bagay na bumabagabag sa kanya. "Okay ka l

