PAGE 23 Kape ****** SANDALI. Baka pwedeng umatras. Bakit naman ako isinama ni Sir Marcus e, may imi-meet pala siya na important friend. At girl na friend pa. Sobrang importante ba nito para pagmadaliin ako? Napahinga ako nang malalim. Nakita ko si Sir na deretso nang pumasok sa mat entrance ng boutique. Tumingin muna ako sa itaas kung saan iyong malaking karatula ng shop. Fashion H Pamilyar sa akin iyon. Tumingin ako sa paligid. Mangilan ngilan lang naman ang tao sa area pero maraming nakapark na sasakyan at sa tingin ko ay hindi basta basta ang area na ito. Huminto muna ako sa may tapat ng malaking glass display window ng boutique. Bahadyang napaawang ang labi ko sa pagkahanga. Isang magandang wedding dress ang nakadisplay doon. At ano naman ang business ni Sir Marcus sa isang b

