PAGE 35 The feeling sucks ****************** TAHIMIK LANG ako habang nakasunod sa kanila. Nasa Isla Catalina na kami at totoong kagandahan ang bumungad sa akin pagdating doon. Kaya lang hindi ko maapreciate ng husto dahil sa nangyari kanina. Sumakit ang binti ko sa ginawa kong pagtakbo pero mabuti na lang nagagawa ko pa rin makahakbang. Nagkatipon kami sa may lobby ng Catalina Resort habang sina Sir Marcus at isa pa sa pinsan nito ay may kinakausap na isang staff. Tinabihan ako ni Henry pero kahit sa kanya ay hindi ko magawang tumingin ng deretso. "Okay ka lang ba Bethel?" Ilang beses na iyong tinanong ni Henry pero hindi ako sumasagot. Huminga ako ng malalim at mahinang umiling. "Don't worry about Kuya Marcus. Nagulat lang yun kanina kaya ganun ang reaksyon." Makailang beses na ri

