Masyadong tahimik ang opisina kapag hapon. Ang golden hour na tumatama sa glass walls ng Salvador Tower ay dapat nakakarelax, pero para sa akin, hudyat ito na kailangan ko nang mag-ingat. Ito ang oras kung saan bumababa ang depensa ng mga tao. Ito ang oras kung saan nagiging madulas ang dila at lumalabas ang tunay na motibo. Nasa temporary office ako na ibinigay nila sa akin sa executive floor. Nakatutok ako sa laptop, sinusuri ang mga invoices ng semento at bakal para sa resort. Kitang-kita ko ang mga discrepancy. Ang presyo ng bakal na declared nila ay triple sa market price. Ninanakawan talaga ni Margaret ang sarili niyang kumpanya para sa offshore accounts niya. Bumukas ang pinto bago pa ako makasagot. Si Devon. Wala na siyang suot na coat. Nakatupi ang sleeves ng kanyang white pol

