UNANG YUGTO

1905 Words
“Fera gising na kung sa kabataan ka namin hindi pu-pwedi yan!” “Fera,patayin mo ang ilaw nagsasayang ka ng kuryente kaya pala sobrang laki ng bayaran” “Fera,hindi ka parin kumikilos abay akala ko aalis kayo mamaya maya a!” “Sobrang kalat sa kwarto mo,hanggang ngayon ba naman bagra ka pa rin?” Ito ang paulit-ulit na sigaw tuwing umaga sa akin ng mudra specified kay mother.May ilang buwan ko na ngang huling narinig ang bibig nitong parang granada kung pumutak.Nasa Aborlan kami ni Mela pinsan ko na dito rin pumapasok.Hindi ko alam kung bakit narito na naman si mudra?Siguro gusto e check kung papasa ba ako o dekaya ga-graduate sa susunod na dalawang buwan kasi ay Graduation na sa Eskwelahan. Hinarap ko na ito sa pinto,pagnarito talaga ito halos kumintab ang boarding house dahil sa linis. Hindi naman ako bagra gaya ng paulit-ulit nitong pinuputak(self defense)pero kasi alam nyo naman ang buhay estudyanti diba especially kung pa graduate ka na wala ka ng time sa lahat lahat dahil baka mag Octobirian ka o di kaya naman ay next year kapa gumraduate ayoko namang maging ganon kaya masyado kung tinututukan ang pagaaral ko mabubuhay naman ako kahit makalat ang kwarto ko. “Sinong kasama nyon...” Humarap na ito sa aking nakataas ang kaliwang kilay kasama ng mga damit namin ni Mela na hawak hawak na nito at tiyak kong sa ropero ang bagsak nito,speaking of Mela wala lang naman siyang paki kung umabot sa kabilang kwarto ang bibig ni nanay. “Hanggang ngayon BAGRA ka parin,bakit mo tinatanong kong may kasama ako?Wag mong sabihing may tinatago ka Tru Reafelra Santa Maria.Fera mag ayos ka tandaan mo dalawang buwan nalang ga graduate ka na wag mong sabihing ....” Kasabay non ang pagtingin sa puson ko. My gosh ano bang iniisip nila? Na naglalandi ako dito?Kung may isa na talagang marumi ang utak yon ay walang iba kung hindi ang nanay ko. “Aunte,asa ka pang may kumana dyan sa pinsan ko kulang nalang pumutok yang mukha nya dahil sa lalaki ng pimples.Tsaka remember malandi nalang ang may jowa” Walang hiyang pinsan to,hindi ko alam kung tulong ba yon o ano.Pinasadahan ko nalang sila ng isang iling. “Siguraduhin mo lang Fera na inaayos mo yang pag aaral mo o baka naman gusto mong bumalik sa Wasay!” Tumango nalang ako ng matigil na to,hindi ko alam kung saan ba ito kumukuha ng mga haka haka na wala namang katutuhanan.Hindi rin kasi talaga maiwasang magchismisan ang mga kapitbhay namin,kisyo maraming nabubuntisan,kisyo may nagbibigti o kung ano ano pa pag nasa college kuno. Kahit ano pang sabihin nila wala silang magagawa gusto namin mag aral at look me now dalawang buwan nalang at graduate na ako. MAY COVID MAN O WALA “Couz,tara na kailangan nating matapos ng maaga ang Narrative,pagnatapos na to Thanks God na tayo!” Nagpaalam na muna kami kay mudra,feeling ko forever nalang maninirmon yon sa akin. “Couz siguraduhin mo lang na ayos tayo huh?baka gusto mong bumalik na sa El Nido forever!” “Syempre hindi no!Ako kaya si Fera,pangit sa paningin ng iba pero pag nakapagtapos na magpapareband at magpapaganda!” Kung saan road to my dream na saka pa ako susuko?Patutunayan ko sa mga chismusa naming kapitbahay na hindi porke maraming pimple hindi na pweding kumuha ng HM.Yeah HM kinuha ko malamang malakas yon sa Elnido. “Tru Reafelra Santa Maria?” Napataas ako ng kamay ng marinig ang maganda kung pangalan be confident dapat sa name na binigay sayo. Narito kami sa WPU sa main ng Palawan which is Aborlan. WPU stands for Western Philippines University here sa southern part ng palawan. Pumasok na ako sa library,malaki ito pero tahimik. Malamang tahimik talaga self kasi nga library diba? Pumunta na ako sa mga shelves ng libro saka iginala ang paningin sa librong maayos na naka salansan. 2001-2002 2002-2003 2003-2004 2004-2005 2005-2006 2006-2007 2007-2008 2009-2010 2010-2011 2011-2012 2012-2013 2013-2014 2014-2015 2015-2016 2016-2017 2017-2018 Year level ng mga batch na nakasalansan na ang mga librong ginawa. Astig lang dito kasi sa library idini display lahat ng mga paper works,thesis at mga narrative report na ginawa ng mga istudyante every batch at ang mga sumusunod like us ito ang nagiging basis namin once na gagawa na kami kaya napaka thankful din ako na may ganitong mga libro. As student,alam naman nating walang libro walang graduate, walang research asa ka kung ga graduate ka. Napahinto ako sa shelves na puro kulay yellow orange ang naroon,kumuha ako ng isang aklat dito ito nalang siguro ang magiging basis ko. Kumuha ako ng isang aklat saka naupo sa tabi ni Mela na nag e scan na ng napili nyang aklat. “Fera couz daming papabols” “Fera tingnan mo yong wait diba crush mo yon!?” Napalingon ako sa lalaking tinutukoy nito.The guy wearing his plain white shirt,a black vivid pants a casual one.Military cut nitong buhok na masasabi kung nagpapa appeal sa kaniya. But the hell I care! “Okay!” Wika ko sa bored na boses,wala akong planong mang hunting ng boys ngayon. “Diba patay na patay ka sa Engineer na yan?” Pabulong nitong wika ng makitang dumaan sa harap namin ang tinutukoy nito. “Hindi na ngayon ang lakas ng apog sa sarili” wika ko ng pagka disgusto ko,totoo naman a sobrang lakas ng hangin ng taong yan. Pag nakikita ko ang pagmumukha niya naaalala ko lang ang nangyari sa back gate ng school. “Bro chicks o!” Medyo hapon na nauna na si Mela sa boarding house kaya mag isa nalang akong naglalakad.Hindi naman siguro nila nahalatang namumula na ang mukha ko diba?Yumuko lang ako at nagpapanggap na hindi sila naririnig.Nasa mangga sila ng mga barkada nito at feeling ko katatapos din lang ng mga klase nito. “Oo nga bro,niluko ka ni Elaine ngayon na ang chance mong mag move on” Hindi ko sure kung ako ba ang pinag uusapan nila pero feeling ko ako dahil sa deriksyon ko sila nakatingin using my Peripheral eyeview. “Di bale nalang kung puro pimples at oilyface lang naman nya baka nga pagtawan pa ako ni Elaine,anong sasabihin non 'papalit ka na nga lang ang sama pa!'” “Grabe naman bro,wag ganiyan ang harsh mo HRM panaman” Ngayon alam ko na ako na ang pinaguusapan nila binilisan ko pa ang paglalakad ng hindi marinig ang pinaguusapan nila. “Talaga?Hindi halata baka gusto mo ikaw nalang bro mas bagay kayo!” Nagtawanan ang iba pa nitong kasama,yumuko nalang ako ng hindi gaanong mahalata ang pamumula ng mata ko. Powtik ang sakit kaya marinig ang mga salitang yan sa taong crush na crush mo. Palibhasa oily face at pimplesin pangit na?Hindi ko namalayan kung gaano na kalayo ang tinakbo ko ng time na yon. Hindi ko narin kinuwento pa kay Mela para ano maawa na naman sya?. “Hoy natulala ka na dyan?” Tiningnan ko lang siya saka binuklat na uli ang librong hawak ko. “Alam mo minsan naisip ko na kahit gaano ka pala katalino o kahit gaano ka pa ka gwapo!Wait gwapo ba sya self sa mukahng yon?Sa piklat nyang galing sa pagiging kaskasero sa paggamit ng bulok nyang motor?” Napahinto lang ako ako sakakaisip,hindi ko namalayang nabibigkas na pala ng matabil.kung bibig ang sama ng loob ko sa engineer na yon. “Hoy ano bang binubulong mo dyan?Anong bulok?Anong motor?”Wika nito saka ang pagsipat sa binabasa ko sa halip na sagutin itinoon ko nalamang uli ang oaningin at atensyon sa binabasa,pero sa halip na tumigil nalaatog na ito sa akin.Napabuntong hininga nalang ako sala nagsalita. “Wala,para sa sarili kung baliw na asumera pa,akin na nga ibabalik ko na!” Kunot noo itong nakatingin sa akin halatang walang na gets. Nilakbay ko na ang isang shelve saka isisingit na sana ang librong hawak ko ng mapansin kong may nakasingit din dito. Ibang cover? Iba ang cover maging ang kulay nito kumpra sa narrative na nakasalansan.Kinuha ko muna ang libro saka isiningit kapalit non ang narative na binasa ko. LIBRO? Sinipat ko nalang ang kabuohan nito.Mukha syang libro na tinahi gamit ang parang sinulid na iba iba ang kulay.Makapal ang cover nito maging ang mga page nito,maalikabok na pero ang design na narito ay halatang pinasadya. “Ang tagal mo naman Fera,halika na!Tika ano yan?”Nangunot din ang noo nitong napatingin sa librong hawak ko. “Aray naman Fera, bakit mo hinapas sa akin ang librong yan?” Napataas ang kilay ko sa sinagot nito,alam naman pala nitong libro magtatanong pa. Hmmp. “Alam mo naman palang libro magtatanong ka pa?sige bubuhan mo pa!” Feeling ko itinago na naman to dito ng mga estudyante o may nakaiwan na naman dito. Pinasadagan ko nalang ng tingin ang libro na kakukuha ko lang sa shelves. Wala naman sigurong masama kung makikichismis ako minsan diba? Hindi naman na tumutol itong katabi ko parang mas curios pa nga siya kisa sa akin. “Malay mo love letter o di kaya diary diba? tapos lalaki ang may diary Besh pagkakataon mo na” Hindi ko na ito pinansin sa halip binuklat ko na ang page nito. Nagulat nalang ako ng talikin ako nito sa kamay dahilan para matabig ito at muntikan ng magulog. “Wow couz sino sya?” “Tingin mo kilala ko?” “Bakit nakatalikod sa litrato?” “Malay ko” “A baka model yan ng buhok nong mga 1900s im sure ang ganda ng pagkaka curle ng mahaba nitong buhok!” Puri nito sa babaing nakatalikod ang weird nga picture then nakatalikod?Black in white ang kulay kaya alam kung matagal na to pero bakit nasa Narrative?Dapat nasa History side to ng library. “Name nya?”Wika ng katabi ko ng mapansing naka sulat doon ang isang pangan? MARIA FELICIA MENERVA RECLATE “Ay ang haba Couz huh?Hoy balik mo na yan mapagalitan tayo” Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi nito, mas lumala ang kagustuhan kung buklatin.Sa huli nagawa kong buklatin muli ang isa pang page nito. “Enero 10 1880?” Basa ko sa libro “Couz,Fera tara na,iwan pero bat parang nanayo ang balahibo ko rito?” Wika nito,akala ko ako lang nakakaramdam siya rin pala. Ibabalik ko na sana ng malaglag ang isang liham?Yeah college na ako kaya alam kong liham to base pagkakatupi at napaka formal masyado.Napahinto ako ng maamoy ang mabangong amoy na galing dito.Amoy rose? Te Amo Irlando mi maldición ENERO 10,1880? Te Amo?Te amo?spanish!dahil sa curiosidad binuklat ko ang liham na narito saka binasa. ENERO 10,1880 ¡Nunca creo esas acusaciones para ti! Mi palabra dice mucho lo mucho que te amo. Si la maldición puede salvarte, entonces estoy dispuesto a aceptarla y si es real, ¿puedes sentir que soy libre? del viento que flota en mi habitación y la luna llena de esta noche a donde va esta carta. Espero que alguien me salve de esta infinita perplejidad mía. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari,basta ang alam ko lang parang may naghihiwalay sa aking katawang lupa. Para na akong nahihilo na nasusuka.Umiikot ang paigid. Ano bang nangyayari sa akin? “Couzzz..couz?” Iwan pero maging ang mukha ni Mela ay hindi ko na maaninag pa. “Couzzz??”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD