TC2: LAST WILL(Harold POV)

1506 Words
Limang taong gulang lang noon si Carol. Wala pang muwang. Minsan ay nag-uwi si Mommy ng napakagandang batang babae sa bahay. Para siyang manika at mala labanos ang puti. “Tita Ariane oh, inaaway ako ni Kuya Harold. Ayaw daw niya akong kapatid.” sumbong ni Carol kay Mommy. Nakakainis, wala naman akong ginagawa sa kanya, gusto ko lang naman maglaro ng robot toys ko. Ilang araw pa lang dito si Carol sa bahay namin magaling ng magsinungaling. “Harold, simula ngayon ang itawag mo kay Carol ay Tita. At ikaw naman Carol, hindi mo Kuya si Harold okay? Pamangkin mo siya kaya Tita ka niya.” seryosong paliwanag sa min ni Mommy. Hindi ko alam kung saan galing ang bata. “Yes, Ate Ariane. Hi, Harold.” Masayang sagot ni Carol kay Mommy. “Oh, Harold. Ikaw? Ano ang isasagot mo?” untag ni Mommy sa akin. “Hi T-Tita Carol.” wala akong nagawa. Sigurado akong magagalit si Mommy kapag hindi ko sinunod ang utos niya. Mabilis lumipas ang panahon. Nakasanayan ko na rin ang pagtawag sa kanya ng Tita Carol. Naging komportable na rin kami sa isa't isa kalaunan. Minsan sa school ay nag tuksuhan kaming mag kaklase. Dahil sa isang private school kami nag-aaral ni Tita Carol, madalas kaming magkasabay pumasok at umuwi. “Harold, ang ganda ng kapatid mo, pwede ko ba siyang ligawan paglaki?” turo ni Brian sa kapatid kong naglalaro. Nueve anyos lang na si Tita Carol pero matangkad ito, dalaginding ng tingnan. “Tita ko siya. Anak siya nina Lolo at Lola, menopausal baby sabi Mommy kaya malayo ang agwat ng edad nila.”paliwanag ko sa mga kaibigan ko. “Wow, pwede pa pala talaga 'yon?” sabat naman ni Oscar. “Oo naman, sabi ni teacher 'di ba? Hangga't nireregla ang isang babae ay pwede pa ring magbuntis kahit na may edad na.” paliwanag ni Briane sa amin. “Wow, nakikinig ka pala sa klase, kala ko bobo ka, Briane.” biro ni Oscar, hinayaan ko lang sila. Busy ang mga mata ko sa pagtanaw kay Tita Carol. Maging ako ay na-a-amaze dahil mas matanda pa ako kay Tita Carol. “Pero ang libog lang din. Sa ganoong edad nakuha pa rin talaga nilang magsex? Masarap–" hindi na natuloy ni Brian ang sasabihin dahil dinagukan na siya ni Oscar. “Wala ka rin talagang respeto ano. Magulang ng Mommy ni Harold ang binabastos mo. Saka isa pa, normal sa tao ang sex.” singhal nito kay Brian. Sex? Hinayaan kong magbangayan ang dalawa, hindi ako interesado sa topic nila. “O, Harold, saan ka na pupunta?” habol ni Oscar sa akin. “Uuwi na kami ni Tital Carol.” simpleng sagot ko saka ako kumaway. “Carol! Tara na! Uwi na tayo!” tawag ko kay Carol. Masaya akong sinalubong ni Tita Carol. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at magkahawak kamay kaming pumunta sa gate kung saan naghihintay na ang driver namin. Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko pagkauwi sa bahay. Pagkaligo ay hinarap ko ang computer. Nag-review ako ng ilang subjects dahil may quiz kami kinabukasan. Maya-maya ay nakarinig ako ng katok, si Tita Carol. “Harold, kakain na sabi ni Ate Ariane.” sigaw niya sa likod ng pinto. “Lalabas na!’ sigaw kong sagot. Narinig ko ang mga hakbang niya sa hagdan pababa. May pagka-madaldal si Tita Carol, maraming kwento tungkol sa klase, mga napag-aralan nila at tungkol sa mga kalaro niya. Aliw na aliw naman sa kanya si Mommy. “Harold, pakipunasan nga ang bibig ni Carol. Dadalhin ko lang sa kusina ang ibang pinggan.” utos sa akin ni Mommy. “Yes, Mommy.” maikli kong sagot. Parang kapatid ko si Carol dahil sa agwat ng edad namin pero ang tratuhan namin ay mag-Tita. Samantala si Mommy ay parang anak niya kaming dalawa. Pero sa mata ng lahat at sa nakakakilala sa amin, kami ay mag-tiyahin talaga. Maging sa school ay alam ng lahat na tita ko si Carol. Binitawan ni Tita Carol ang hawak na tinidor saka inayos ang buhok. Humarap siya sa akin saka ko naman pinunasan ang spaghetti sauce na kumalat sa baba niya. Napakaamo ng mukha ni Tita Carol. Pantay-pantay ang ngipin, makipot at mapulang labi, mabilog ang mga mata, malago ang mahahaba niyang pilik, kulot ang brown at mahabang buhok. Makinis at maputi si Tita Carol. Napalunok ako saglit habang titig na titg sa mukha ni Carol. “Thank you, Harold.” Masayang tugon niya nang malinis ko ang baba at sulok ng labi niya. “You're welcome.” maikli kong sagot saka ko siya nginitian. Nang matapos mag dinner, nanood kami ng palabas sa living room hanggang sa antukin na si Carol. “Harold, ihatid mo na sa kwarto niya si Carol.” siko sa akin ni Mommy nang makitang lango na sa antok si Carol. “Ask her to brush her teeth na rin, baka mabulok ang ngipin.” dagdag pa ni Mommy. Binuhat ko si Carol, agad namang yumakap sa akin upang hindi mahulog. Kahit pipikit- pikit na ang mata ay pinilit ko siyang magsipilyo. “Hey, baby. Brush your teeth, just a quick one is alright. Hindi ka pwedeng matulog ng hindi nagsisipilyo.” tinapik-tapik ko ang pisngi niya. Tumango-tango lang si Carol pero hindi nito kinuha ang toothbrush sa kamay ko. Para matapos na kami, ako na ang nag-toothbrush sa kanya. “There! Hmmm!” inamoy ko ang mabango niyang hininga, nakanganga pa ang bibig pero nakapikit na ang mga mata. Sanay na ako kay Carol. May pagkatamad kasi ang bata at antukin din, matakaw sa tulog kaya mabilis din lumaki. Dumating si Mommy sa kwarto at siya na ang nagpatuloy mag ayos ng kama ni Carol, siya na ang tuluyang nagpatulog. Ako naman ay lumipat na sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Habang nagpapa-antok ay bigla kong naalala ang sinabi ni Brian. Sex? Ano ba ang itsura ng nagse-s*x? Napabalikwas ako sa higaan. Dinampot ko ang cellphone ko at nag-search ako tungkol sa s*x. May mga lumabas na ibat ibang posisyon at videos. Binuksan ko ang isang video at pinanood iyon. Namalayan ko na lang na tumitigas ang aking p*********i. Hindi ko maunawaan ang aking sarili pero ang kamay ko ay tila may sariling isip na pumasok sa aking underwear habang pinapanood ang mahalay na video. Simula noon, kapag may pagkakataon, nakagawian ko na ang magmasturbate. After a year, pinag-aral ako ni Mommy sa abroad, ayon daw ang gusto ni Lolo. Kapag si Lolo ang nag desisyon, parang batas ito na hindi pwedeng suwayin. Darating ang araw, I will take the position in our business. Pagbalik ko sa bansa, wala na sa bahay si Tita Carol. Sa America siya pinag aral ni Mommy. Nagsimula akong magtrabaho sa sarili naming kompanya. Naging busy hanggang sa nabalitaan ko na lang na aksidente sina Lolo at Lola. Patungo sila sa isang business meeting at a-attend sana sa graduation ni Tita Carol. Si Mommy ay may sakit nung araw na iyon at dinala ko sa ospital. Umuwi mag-isa si Tita Carol. Iyak siya ng iyak. Sinisisi ang sarili dahil ang akala niya siya lang ang pakay nina Lola. Isang linggo na ang nakalipas pero wala pa ring gana si Tita Carol. Madalas lamang siya sa kwarto niya. Si Mommy naman ay magaling na at nasa kwarto lang din niya. After a year, nakarecover na kami sa mga nangyari sa family ngunit isa na namang dagok ang sumalubong sa amin. “Tita Carol, si Mommy.” halos mangiyak-ngiyak ako dahil sa nalaman kong kondisyon ni Mommy. “Si Ate Ariane?” humahangos na salubong ko kay Tita Carol. Vice-President ako at si Mommy ang humaliling President/CEO ng aming business. Nagtatrabaho si Tita Carol bilang secretary ko sa office. Madalas siyang maunang pumasok, kami naman ni Mommy ay sabay. Nakita ko na lang si Mommy sa living room, nakahiga sa sahig at wala ng malay kaya sinugod ko siya sa ospital. “Stage 4, may breast cancer si Mommy.” nanlulumo kong balita sa kanya. “Harold…” napayakap sa akin si Tita Carol saka ito humagulhol sa balikat ko. Palitan kami ni Tita Carol sa pag-aasikaso kay Mommy. Alam namin na ilang buwan na lang ang itatagal ni Mommy kaya binubuhos namin ang panahon para sa kanya. But finally, she passed away. Kami na lang ni Tita Carol ang natira at magpapatakbo ng business. “Mr. Montes, here is the last will from your grandparents and your mom.” inabot sa akin ng family at company Lawyer namin ang brown envelope. Binuksan ko ang nakabukod na papel, mga detalye iyon ng mga birth certificates at kung ano ano pang legal na documents. Tumaas ang kilay ko at napaangat sa upuan. Tumingin ako sa aking Lawyer. “Mr. Salvador, totoo 'to?” turo ko sa nakasulat na apelyido sa birth certificate ni Tita Carol. “Yes, Mr. Montes. Kaya nga I decided na sa'yo ko muna ipabasa ang mga papeles upang maunawaan mo.” makahulugang saad niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD