Diaper 3

4622 Words
"Kurda kurda chikchak momoko ere ere scuba dobi dobi do." Paulit ulit na sambit ng mga lalaking nakacostume ng parang rain coat na kulay itim kahit hindi naman umuulan. Sira ulo lang? Adik adik?! Iyong may kasamang hood, iyong parang pang kulto talaga. Nandito na ako ngayon sa isang malapad na parang lamesa. Oo lahat ngayon ng nangyayari sakin may salitang parang mare. Nakagapos na ang mga kamay at paa ko habang nakahiga. Ito na siguro ang araw ng ritual nila. Kanina ko pa sinubukang makawala ngunit hindi ko magawa. Patuloy lang ako sa pag iyak habang pilit na nagpupumiglas. Kakatapos lang ng kasal namin kahapon at dinala niya ako sa bahay niya dahil daw dito na kami titira. Pagsapit naman ng gabi ay bigla niya akong kinaladkad papunta dito sa underground ng bahay niya at sinalubong kami ng mga taong balot na balot at naka itim. Para silang mga ninja na parang iwan. Hindi nga ako nagkamali ng hinala ko. Siyempre isa akong genius no! "It's time to kill this woman. Give me the dagger." Pormal na sambit ng asawa kong half kulto at half tikbalang. "Hoy, parang awa mo na!! Ayoko pang mamatay, please." Pagmamakaawa ko habang nakatingin sa kanya na naka hawak ng dagger at nakatingin sakin ng matalim. Syempre naman mare alangang sa sahig ako tumingin diba? Napahagulhul na ako ng iyak dahil sa sobrang takot baka isipin mong dahil sa tuwa huh. Jusko naman, mamatay na yata ako nito eh. "Shut up! Any last word for me before I slit your neck?" Nakangising tanong nito sakin. "P-Parang awa mo na please!! Asawa mo na ako k-kaya huwag mo akong patayin." Takot na takot kong usal. Nanginginig na din ang buong katawan ko. Hindi dahil sa lamig kundi dahil sa takot. Actually ang init init dito. Wala man lang electric fan. Nakakabuwesit, mamatay na yata talaga ako ngayon huhu. Mare, natatakot ako! Ano ba?! "Youre my wife in the paper but the truth is that, I don't like you. I don't love you and I won't." Matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko na lang ang matulis na punyal sa leeg ko at kasabay niyon ang pag agos ng mainit kong dugo mula saking leeg!! "WAAAHHHHHH!!!" Sigaw ko at napabalikwas ng bangon. Napahawak ako kaagad sa leeg ko. Wala itong sugat! Panaginip lang pala huhu! Napahagulhul ako ng iyak. Nakakatakot sobra, kailangan kong makaalis dito sa lalong madaling panahon. Baka dito na ako mamatay! Ayoko ng ganoon mare! Nakakatakot kaya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki doon na hingal na hingal. Naapatras naman ako at napasandal sa headboard ng kama ng naglakad ito papalapit sakin. Hindi ko pa rin mapigilang maiyak at manginig. Eh sa natatakot talaga ako. Akala niyo ba kapag genius hindi na natatakot huh? Tao pa rin ako no! "What happen to you?" Tanong nito sakin at umupo sa dulo ng kama kaya mas lalo akong nagsusumiksik sa headboard. "H-huwag mo akong patayin please. Ayoko pang mamatay." Nagsalubong naman ang kilay nito at tumingin sakin. Syempre alangan namang sa kisame siya tumingin diba? Mare naman eh! "I'm not a killer brat. Tell me, why is it that you look so scared?" Hindi ko puwedeng sabihin sa kanya dahil baka maisipan niyang ituloy ang ritual. Kailangan kong makausap sina lolo at lola. Namimiss ko na sila at alam kong sila lang ang makakatulong sakin. Kahapon matapos ng kasal namin ay dumiretso na kami sa mala palasyong bahay niya. Napag alaman kong nasa kotse niya na pala ang mga damit ko dahil nga dinala na ito ng mga magulang ko. Nalulungkot ako kasi nga nahipnotismo sila kaya nila nagawa to. Namimiss ko na nga si Francisco eh. Tumingin ako sa kanya at nagpahid ng luha. Siyempre hindi umiiyak ng matagal ang mga genius no. "Puwede mo ba akong samahan papunta kina lola at lolo. Please, promise magpapakabait ako pagkatapos." Napabuntong hininga naman ako dahil sa kaplastikan ko sa kanya. Oo na! Plastik ako, ano happy ka na mare? Kainis naman itong imaginary friend ko eh! "In one condition." "Ano iyon?" "I will go to the hospital today. My sister is there, please be good to her. She's sick and uhmm..Don't tell her that were only married in papers. Don't tell her that we don't love each other." Tumango naman ako. Syempre alangan namang umiling diba? Paano na ako makakapunta kay na lola at lolo kapag ginawa ko iyon. So may kapatid pala siya. Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kanya. Kung sino ang mga magulang niya at nasaan sila. Kung ilan silang magkakapatid at bakit ang laki laki ng bahay nila pero walang ni isang katulong. Oh diba, hindi lang ako plastic. May pagkachismosa din ako no! Napatingin naman ako sa kanya. Naka shorts lang ito at naka grey shirt. Ang guwapo niya sana kaso isang siyang half tikbalang at half kulto. Sayang talaga, naka jackpot na sana ako ng guwapo eh. Tumingin naman ito sa relo niya at tumingin din sakin. Uulitin ko, alangan namang sa kisame siya titingin no. "It's 3:00 pm. We will go first in the hospital and after that we will visit your grandparents." Wait lang mare, may chismis ako sayo! Alam mo ba na hindi kami nag honeymoon kagabi. Hindi naman sa sinasabi kong gusto ko huh. Tsaka sa kabilang kuwarto ako natulog at siya naman ay sa kabila. Mas mabuti ng ganoon para walang kababalaghan na mangyari no. Baka kasi mabuntis ako ng wala sa oras. Tsaka malapit na ang pasukan ulit. Mag fofourth year college na ako this year. Kung alam mo lang mare, kagabi ako pa talaga ang nagluto ng pagkain namin at piniritong isda pa iyon huh. Kada lagay ko sa kawali tumatakbo ako. Katakot kaya ang mantika no! Pero iyon na nga successful naman. Kumain din naman siya. Next time nga puwede ko na siyang lasonin eh. Nakalimutan ko nga lang lagyan ng lason. Nakapaligo na din ako kaninang umaga at nakatulog ako ulit ng tanghali. Nakakainis, naiistress ako dito. Ako ba naman ang magluto, maglinis at maghugas ng mga plato! Abay feeling senyorito din ang hinayupak na to eh! Kung sa bahay nga naming eh nag K-Kdaram lang ako tapos dito papahirapan niya ako kakatrabaho. Wait lang mare, sa susunod ulit ako magkukuwento. Lumabas na kasi siya sa kuwarto ko kaya sumunod ako sa kanya. Alangan namang hindi ako sumunod diba? Nagtataka talaga ako kung bakit walang katulong ang lalaking to. Baka nag resign lahat dahil natakot ng malaman nila ang tunay niyang pagkatao. May girlfriend din kaya siya? Bakit niya ako pinakasalan? Eh hindi naman niya ako kilala at madami namang mga babae diyan sa tabi tabi eh. Ang dami ko talagang gustong itanong sa kanya pero hindi naman kami close eh. Tsaka ano kayang sakit ng kapatid niya? Bakit mukhang malungkot siya kanina ng sinabi niya iyon? Napabuntong hininga na lang ako dahil sa dami ng katanungan sa isip ko. "Brixcen!" Tawag ko sa pangalan niya at kinalabit ang likuran niya habang pababa kami ng hagdan. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. Napalunok naman ako ng sariling laway at hindi coke kasi walang ganito dito ngayon. Ang guwapo niya talaga pero hindi ko siya type huh. Gusto ko kasi sa lalaki ay iyong mga normal. Ayoko sa mga immortal no! "What?" Nakapamulsahan nitong tanong sakin. Amfeeling naman nito! Hindi naman siyang nagmumukhang cool sa paningin ko! "Ahh, bakit w-wala kang katulong dito eh mayaman ka naman diba? Tsaka ang laki laki ng bahay mo. Wala kang kasama dito? Nasaan na ang mga magulang mo? Hindi ka ba nalulungkot at nahihirapan kasi mag isa ka lang dito?" Tumalikod naman sakin ito at nagpatuloy sa paglalakad. Aba'y bastos nito huh. Batukan ko kaya to! "My parents died 8 years ago because of a plane crash. Yes, I'm alone here." Nalungkot naman ako para sa kanya ng malaman kong wala na pala siyang mga magulang. Syempre may konsensiya pa naman ako no! Baka isipin niyo namang isa lang akong hamak na plastic, chismosa at laitera no. Nakakalungkot naman, ang laki ng bahay niya pero wala naman siyang kasama. Mas pipiliin ko pa ang bahay naming luma na basta't magkasama lang kami nina nanay. "Ah ganoon ba.Pero bakit hindi ka kumukuha ng katulong? Mas mabuting may kasama ka dito sa bahay mo para hindi ka mag isa." Ito na mga mare, lumalabas na ang pagiging madaldal ko sa lalaking to. Bahala na, gusto ko lang masagot ang mga katanungan sa isip ko. "I don't need maids and besides, I have you. I'm not alone anymore, your my maid here. Can't you see it?" Saglit naman akong napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi niya! Teka lang mare, napipikon ako sa kanya. Sandali lang talaga, kailangan ko ng self control, baka hindi ako makapunta kay na lola at lolo nito. "Why did you stop walking?" Tanong nito sakin na mas lalong nagpainit sa ulo ko. Nagiging mabait na nga ako sa kanya tapos ito igaganti niya sakin. Tsaka paano niya nalamang tumigil ako sa paglalakad eh nakatalikod naman siya tsaka hindi naman ako naka takong no. Baka nga may mata siya sa likod. Kung sa bagay, may kapangyarihan naman siya eh. "Ahh hahahah. Wala, huwag mo akong pansinin tara na." Plastik kong sambit sa kanya. Naikuyom ko naman ang kamao ko ng marinig ko ang mahina nitong pagtawa. Hindi ko na lang pinansin siyempre baka kung ano pang masabi at magawa ko sa kanya eh. Isa pa gustong gusto ko na talagang makita sina lola at lolo. ____ Nang makarating kami sa hospital ay kaagad kaming pumasok. Syempre naman mare, paano namin makikita ang kapatid niya kapag sa mall kami pumasok diba? Eh sa nasa hospital kasi. Oo na mare, may pinaglalaban ako kaya kung puwede lang hayaan mo na lang ako at manahimik ka na lang. Hindi naman nagtagal ay pumasok kami sa Room 342. Nang makarating kami sa loob ay bumungad samin ang maputing bata na naka dextrose at oxygen na putlang putla na. Maganda din ang batang ito, sobra. Kawawa naman ito, ano kayang sakit niya? Siguro cancer kasi balot na ng tela ang ulo niya eh tsaka parang nalalagas ang mga buhok niya. Kumirot naman ang puso ko sa nakita. Siyempre kahit na masama ang ugali ko eh may puso pa rin ako. Lahat naman kasi tayong mga tao ay may good sides at bad sides diba? Mas lamang nga lang ang bad sides sakin. Tumingin samin ang bata habang nakangiti. Ngumiti din ako alangan namang pandilatan ko siya ng mata at taasan ng kilay. Baka matakot siya sakin ng wala sa oras at mapalayas ako dito ng Brixcen na to. Lumapit naman ito sa kapatid niya at hinalikan ang nuo. Hinaplos pa nito ang ulo ng kapatid niya. "Khu..ya, is she your girl..friend?" Hirap na tanong nito kaya nalungkot ako bigla. "No baby, she's my wife." Ramdam ko ang lungkot sa boses ng lalaking half kulto at tikbalang. Kawawa naman siya. Pero kung may kapangyarihan siya, bakit hindi niya man lang kayang pagalingin ang kapatid niya? Baka hindi kaya ng powers nila iyon at may limit. Kaya siguro, napaka genius ko talaga kahit kailan. Tumingin sakin ang bata at ngumiti kaya kumirot ang puso ko dahil mukhang hirap na hirap na ito sa kalagayan niya ngayon. Sinenyasan naman ako ng Brix kaya lumapit ako sa kanila. "A..te, please take care of ku..ya." Nanghihinang saad nito sakin at hindi ko namalayang napaluha na pala ako. Ano ba iyan? Bakit ako naiiyak? Bakit? "Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya eh sa nacucurious ako no. "Bren..da." Parang kinakapos pa ito sa hininga. Nakakaawa siya, kung ako siguro ang nasa kalagayan ni Brix baka umiyak na lang ako ng umiyak. Nakakalungkot naman kasing makita na nasa ganitong kalagayn ang mahal mo sa buhay at kahit anong oras ay puwede na silang kunin sayo. Kapag nagkataon nga nama'y magiging mag isa na lang talaga siya sa buhay niya. Ang sakit at lungkot kaya ng mawalan ng mga magulang at kapatid. Kung ako siguro, hindi ko kakayanin iyon. Hindi naman sa kaplastikan huh, pero humahanga ako sa kultong tikbalang an ito dahil nga ang tapang niya. Kinakaya niya lahat ng sakit at kung ako siguro ang nasa sitwasyon niya ay nabaliw na ako ng tuluyan. "Huwag kang mag alala Brenda. Hindi ko pababayaan ang kuya mo." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Ate, pl..ease don't leave hi..m alone." Pinunsan ko naman ang pisnge ko gamit ang mga palad ko dahil sa sinabi nito. Para kasing inihahabilin niya na ang kuya niya sakin. Wala namang ganyanan Brenda ohh. "Oo naman, hindi ko iiwan ang kuya mo." "Pro..mise?" "Promise." Ngumiti naman ako sa kanya. "Baby, please be strong for kuya, okay? You'll be fine." Ngiti naman ang na isukli ni Brenda sa kuya niya. Heto ako ngayon sa isang gilid, naka upo at umiiyak habang pinagmamasdan sila. Ramdam ko kasi ang sakit eh, nanunuod pa nga lang ako eh kumikirot na ang puso ko. Paano pa kaya kapag ako ang nasa posisyon niya ngayon? Diba? "Why are y..ou crying ate?" Napatingin naman sakin iyong Brix at nakikita ko ang lungkot sa mukha niya. Lungkot na siyang nagpapakirot sa puso ko. Nakakaawa naman siya, nasasaktan din ako para sa kanya. O baka hinipnotismo niya lang ako. Ang ikli lang ng buhay ng tao, kahit genius ako hindi ko alam kung ilang inches o meters ka ikli okay. Pero ang bata bata pa nitong si Brenda para pagdaanan niya to. Grabe, naman ang buhay ng lalaking to. Puno ng kalungkutan, pati tuloy ako nadadamay. Ano to damay damay? "Stop crying love." Parang biglang umurong ang luha ko ng marinig ko ang pagtawag niya sakin love. Pansin ko ding nagwala ang puso ko sa loob. Parang gusto nitong kumawala sa katawan ko kaya napahawak ako kaagad dito. Anong klaseng kapangyarihan ba ang ginagawa niya sakin at ganito ang nararamdaman ko ngayon. "Love?" Natauhan naman ako ng tinawag niya ako ulit. Sheyyttzzz, bakit ang sarap sa ears ng love mare? Hindi ko natikman pero masarap talaga siya. Nagulat naman ako ng biglang lumapit sakin si Brixcen. Bigla nitong hinila ang kamay ko patungo sa bangkong inuupan niya na nakalagay sa gilid ng kama ng Brenda. Umupo siya doon at tumingin sakin. He tapped his legs kaya nanlaki ang mga mata ko. Napapa English ako mare kasi nga nagugulat ako. "Sit here love." "Ahh, hahahha. Huwag na l-love kasi mabigat ako tsaka nakakahiya kay Brenda ooh."Hinampas hampas ko pa ang matitigas niyang balikat habang tumatawa ng peke. "Its O..kay ate." "H-huh?" Nauutal na tanong ko. Maryusep Brenda, ayokong dumikit sa kuya mong tikbalang na kulto. Nagulat naman ako ng hinila nito ang bewang ko kaya napaupo ako sa kandungan niya. Parang naparalisa ang katawan ko ng naramdaman ko sa likod ko ang matitigas na dibdib nito. Naamoy ko din ang pabango niya. Sarap din sa nose mare. Tsaka ang hininga niya sa batok ko mare. Jusmiyoo por santo! Ang hot nito, tengene nemen. Sarap din sa skin. Bakit lahat na lang sa kanya masarap? Bahala na, nalulunod na ako sa hipnotismo niya! "I love you love." Malambing na bulong nito sa tainga ko kaya kinilabutan ako. Pakiramdam ko'y nag sitayuan lahat ng buhok ko sa katawan mare. Oo! Tama ang iniisip mo! Pati ang mga pubic hairs ko nagsisitayuan at parang nagsasayawan sila kahit walang music. Bigla namang naramdaman ko ang palad niya na humaplos sa tiyan ko kaya napalunok ako. Niyakap ako nito mula sa likuran. What the kulangot mare!! Nagwawala ang puso, the pakin sheytt! Napaigtad naman ako ng kinurot niya ang tagiliran ko. Napaka Pakyu talaga ng lalaking to! "I love you love." Ulit niya kaya para tulo'y akong kinilig? Ewww, hindi puwede no! "I-I love y-you to love." Hoo!! Ang hirap! Ang anghang, parang kumain ako ng pancit canton sili labuyo! Mapapa hoo! ka talaga sa anghang!! Dapat kasi ako ang kinukuha nila para sa advertise eh. Tsk. Ang hirap palang sabihin kapag hindi mo mahal ang isang tao no? "I'm ha..ppy for y..ou kuya." Nakangiting sambit ni Brenda kaya napangiti din ako. Ipinatong naman nito ang ulo niya sa balikat ko habang nakangiti sa kapatid niya. "What's your na..me ate?" "Joy." Nakangiting sambit ko. Ang bantot naman ng pangalan ko. Kasalanan yata to ni Bitoy sa advertise eh. Tsaka sino ba ang nagpangalan sa joy diswashing liquid na iyan eh sa tuwing ginagamit ko iyan kapag naghuhugas ako ng pinggan eh hindi naman ako masaya. Baka diyan kinuha ni nanay ang pangalan ko! "Ku..ya. Please don't hurt a..te Joy. P..lease take care of her too." "I will baby." "I have a joke for you Brenda." Excited na sabi ko. "What is it?" Nakangiting tanong nito gamit ang nanghihinang boses. "Anong sabi ng isang bubuyog sa kapwa niya bubuyog?" "What?" Tanong ng Brixcen sakin. "Edi, Bee happy! HAHAHAHAHHAH!!" Nakakatawa diba? Parang sira ulong sambit ko at tumatawang mag isa. "Okay, another one. Uhmm...Knock knock?" Umaksiyon pa ako na tila'y kumakatok. Hindi ko na pinansin ang posiyon namin ng tikbalang na kulto dahil nga gusto kong maging havey na to this time! "Whos there?" Tanong nila pareho sakin. "Joy." "Joy who?" Tanong nila ulit sakin. "Joy!! Pinoy ako, buo aking loob may agimat ang dugo ko..Woaahhhh!!" Parang kitikiting sayaw ko habang kumakanta at nakakandong kay Mr. Kulangot na half kulto at half tikbalang. Tumawa naman ito at pati si Brenda dahil alam ko namang nagmukha akong sira ulo sa knock knock ko. Okay lang iyan, napatawa naman kasi sila. "Ate is Fu..nny." Nakangiting sabi nito "Yes she is baby, that's why I fall in love with her." Napatikhim naman ako kasi naman mare, ang husky voice ng lalaking kulangot na to ay sexy. Tapos sa tainga ko pa siya bumulong na pereng terentede. Sapakin ko kaya to! Nakakahiya naman, hindi pa ako nakapaglinis ng tainga ko mahigit isang buwan na. Nakakalimutan ko kasi palaging bumili ng cotton buds. "Alam mo ba baby girl, patay na patay sakin ang kuya mo. Alam mo bang---." Napaigtad naman ako ng kinagat nito ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Tinaasan niya naman ako ng kilay pero hindi naman umabot sa kisame. "Talaga ku..ya?" "Uhmm yes baby hahaha." Tumawa pa ito ng peke at tinignan ako ng masama. So iyon na nga, naglandian lang kami ng kaunti sa harap ni Brenda. Masaya daw siya para sa kuya niya sabi niya sakin. Tuwang tuwa naman si Brenda sa mga knock knocks ko kaya kahit na nagmukha akong sira ulo ay okay lang. Oh ano mare? Makikiusisa ka pa ba sa knock knocks ko? Huwag na, baka laitin mo lang eh! Nakatulog na din si ito kaya niyaya na ako ni kulangot na umalis na sa hospital. As usual, naka poker face na ito kasi tapos na ang palabas namin. O diba, feeling ko galing sa taping ako ngayon. Syempre huwag ka ng umangal mare. Feeling ko lang naman kasi nga feeler din ako! Pagkarating namin kotse niya ay kaagad ko na ibinigay sa kanya ang address na isinulat ko sa papel. Address iyon ng bahay kung nasaan nakatira sina lolo at lola. Tinanggap niya naman ito at binasa. Alangan namang kainin niya ang papel eh hindi naman pagkain iyon eh. Tahimik lang kami buong biyahe habang nagpapatugtog siya ng mga kantang slow rock. Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho. Blangko lang ang mukha nito syempre wala namang nakasulat kaya blangko mare. Kung titigan mo siya sa mata'y mukhang ang hirap ng mga pinagdadaanan niya sa buhay. Nakakaawa naman siya. Aanhin niya naman ang kapangyarihan niya bilang half tikbalang at half kulto kung hindi naman siya masaya. Tsaka para saan niya ba gagamitin ang dugo ko? Isang birheng babae lang ba ang kailangan niya? Mukhang hindi naman na siya naghahanap eh. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka mahuli niya ako. Napatingin naman ako sa bintana at makalipas ng ilang minuto ay nadaanan namin ang daan kung saan kami unang nagkita. Dito ko siya binato ng diaper noong October 23 na araw ng kaarawan ko. Isa iyon sa pinakamalas na raw sa buong buhay ko. Kung hindi ko sana birthday eh hindi ako nakapunta kina lola so hindi kami nagkita. Kung hindi kami nagkita baka nasa bahay lang ako ngayon nanunuod ng K-drama mag isa sa kuwarto ko. Napangiti ako ng makita ko na ang gate nina lola na kinakalawang na dahil sa kalumaan. Sa katunayan nga'y mukhang haunted house na ang bahay nina lola at lolo pero malinis naman siya sa loob. Haka haka din dito sa purok nila na isa daw mangkukulam si lola kahit hindi naman totoo. Hindi ko naman nakitang may manika dito at never namang sumakay si lola sa walis na lumilipad eh. Hindi nagtagal ay ihininto na ni Brixcen ang sasakyan sa harap ng bahay nina lola. Alangan naman sa harap ng bahay ng kapitbahay nina lola dito no. Dali dali naman akong bumaba dahil baka ito na talaga ang magiging solusyon sa probblema ko ngayon. "Lolo! Lola!"Tawag ko sa kanila habang kinakalampang ang gate ng malakas para madinig nila ako. Medyo bingi na din kasi sila eh. Ilang oars na akong tumatawag pero hindi pa din nila nadidinig siguro kaya sumigaw na ako na parang nasa bingit na ako ng kamatayan at humihingi ng tulong. "Loooollllllaaaaaa!!!! Loooollllloooooo!!!!"Sigaw ko at halos pumutok ang ugat sa leeg ko kahit hindi naman. Pinagsisipa ko pa ang gate kaya mas lalong lumakas ang ingay. Napansin ko naman na dali daling nagsilabasan ang mga kapitbahay nila lolo sa kani kanilang bahay na animoy gulat na gulat. Ang iba naman'y nagbukas ng mga bintana nila para tignan kung anong ganap sa labas. Sus, ako lang naman to! Ang biritirang apo nina lolo at lola. "Stop that, nakakahiya sa mga grandparents mo." Reklamo ni Brixcen sakin habang kinakalampag ko ng malakas ang gate nina lolo at lola. "Medyo bingi na kasi sila at baka nanunuod sila ngayon ng TV kung kaya't kailangan kong gawin to." Hindi na kasi ako makapaghintay eh. Desperada na akong malaman kung papano ko mapapatumba ang isang katulad niya. Nakaisip naman ako ng matinong paraan para makapasok sa loob ng walang nililikhang ingay. Dali dali kong inakyat ang gate at hindi pa ako nakakalahati ay may biglang humawak sa bewang ko. "What the f*ck are you doing? Bumaba ka diyan, kapag nahulog ka hindi kita dadalhin sa hospital." Masungit an reklamo nito sakin kaya napasimangot ako. Hospital agad? Hindi ba puwedeng sa manghihilot lang na albularyo? Mayaman talaga oh! Hindi niya ba alam na may lahing unggoy din sa genes naming kaya magaling akong umakyat sa mga puno. Pero mare naman, baka isipin mong mukha akong unggoy. Hindi kaya! Kung alam lang ng lalaking to na nahulog na ako ng ilang beses dati sa puno ng manga, star apple at iba pa. Kaso mababa lang naman. "Bitawan mo ang bewang ko! Kaya kong umakyat kaya puwede ba? Member ako dati ng akyat bahay gang kaya sisiw lang sakin to." Nagpupumiglas pa ako pero hindi siya bumitaw. "I said go down. Don't be silly little brat." Inis na sabi nito sakin. "Ayoko ng kasi eh! Bitawan mo na ako, tigas din ng ulo mo eh. Magtiwala ka kasi sa skills ko Brixcen." "If you won't go down, we will go home right away." Napabuntong hininga naman ako at akmang baba na ng biglang nasabit ang tela ng shorts ko sa putol na bakal sa gate nina lola. "Sandali lang, ang shorts ko nasabit. Bitawan mo muna ako, tatanggalin ko lang." Nakakainit naman ng ulo to. Nakapanty lang ako eh, kapag napunit ang shorts ko edi makikita niya ang panty ko! No way! "I won't, don't fool me." Naiinip na reklamo nito sakin. "Sabing biti--. WAAAHHHHHHHHH!!!!!" 'Screettttcccchhhhhhhh!!' Nahulog ako sa gate at shets, napunit ang shorts ko at niwan doon. Takte naman! Si lola kasi lumabas sa bahay na may kulay itim na naka tapal sa mukha at nakangisi kaya ang mata at ngipin niya lang na nagyeyelow ang nakita ko. Jusmiyo por santo naman itong si lola ooh.. Pati tuloy ang shorts ko napunti. "Joyjoy!! Boyfriend mo na ba iyan?" Bigla naman akong natigilan ng mapagtanto kong buhat buhat ako ni Brixcen. Tinampal ko naman ang balikan niya kaya ibinaba niya ako. Lumapit naman ako kay lola at bumulong para hindi niya marinig. "Lola kailangan ko ng tulong niyo. Sa loob na tayo mag usap at huwag ka na munang magtanong please." Ngumisi naman sakin si lola kaya napatitig ako sa ngipin niya. Mukhang mas nanilaw ito kaysa sa nakaraan. "Tara, pasok muna kayo." Nagpigil hininga naman ako ng maamoy ko ang mabahong hininga ni lola na animo'y parang patay na daga. Hooo!! Grabe naman si lola eh, asin kasi ang ginagawa niyang toothpaste mahigit isang taon na kaya ganoon na lang siguro ang amoy. Pumasok na si lola sa loob kaya nilingon ko si Brixcen at nakita kong nakatitig ito sa puwetan ko. "Hoy Brixcen!! Napakamanyak mo huh, sa puwet ko pa talaga ikaw nakatitig. Hmmpp." "May butas ang panty mo at mukhang basahan na. Just tell me if you want to buy a new one. I can give you money." Agad naman akong napatingin sa shorts ko. Wala na palang tela sa puwet banda dahil naiwan sa gate. Tsaka suot ko pa ang panty ni nanay ng dalaga pa siya. Nakakainis! Nakakahiya! Nakita niya mare. Pero pakialam niya naman diba? Pero tengene nemen eh. Nakita niya ang puwet ko kasi nga butas butas na ang panty na to. Tuwing gabi kasi mas komportable akong magsuot ng mga butas butas na panty para naman hindi masayang at tsaka para fresh diba. Alam mo na iyan mare! Naku! Pero hindi ko mapigilang mahiya kahit na sabihin pa nating kulto siya. Kasalanan niya to eh! Kung hindi niya sana ako pinigilan edi sana naka akyat ako ng maayos at nakababa ng maayos. "Here." Hinubad naman nito ang jacket na sinuot niya kanina sa kotse. Tinanggap ko na lang iyon kahit na labag sa kalooban ko. Magkakautang na loob pa yata ako sa lalaking to eh. Pero infairness, mabait din pala siya ng kaunti. Kaunti lang naman eh. "Tara na." Yaya ko sa kanya at nagulat naman ako ng bigla nitong ipinulupot ang mga braso niya sa kamay ko at dumikit sakin na mukhang natatakot. Duwag din pala ang isang to eh. "Bitiwan mo nga ako." Pilit kong tinatanggal ang braso ko at lumalayo sa kanya ngunit para siyang tuko na malakas ang kapit kaya hindi ko matanggal. "Is there a ghosts here?" Bakas sa boses nito ang takot kaya nakaisip ako ng kalokohan. "Ayon! may white lady ohh!!" "F*CK!!" Sigaw nito at yumakap sakin kaya napahalakhak ako. Nang mapagtanto niyang pinagloloko ko lang siya ay binigyan niya ako ng death glare pero hindi naman ako namatay. "Stop that sh*ts! That's not a good joke." Kung alam niyang joke lang bakit mukhang takot pa rin siya. Nakakturn off ang mga lalaking ganito. Ang duwag! "Alam mo ang duwag mo din no! Naghihintay na sina lola doon. Tara na." "Just say whatever you want to, but I really hate Sadako since I was a kid." Nang binaggit niya ang salitang sadako ay mas lalong humigpit pa ang kapit niya sa braso ko. Kulang na nga lang ay yakapin niya ako eh. BWAHAHAHHAH!! MARE! ALAM KO NA ANG KAHINAAN NIYA!! HUMANDA SIYA SAKIN!! ^_^ A/N : Brixcen Montereal! Confirmed, takot kay sadako : ( Joy Jimenez! Confirmed, over genius! Daig pa si Eisnstein : (
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD