Prologue

2241 Words
Warning! This story is made for fun only. Don't expect too much. Puro kalokohan lamang ito. Don't take it seriously. If you're not an open-minded reader, don't read it. Save yourself from stress. Nakakainis naman eh! Bakit kasi nagka-arthritis pa si Lola? Si Lolo nama'y ang bagal ng maglakad! Ito tuloy ako, naglalakad sa daan dala-dala ang mga tupperwear sa supot na naglalaman ng mga handa ko. Birthday ko lang naman ngayon pero na s-stress ako kakalakad. Paano ba naman eh ang kuripot ng nanay ko. Ayaw pa akong bigyan ng pamasahe kahit bente lang naman, tsk. Habang naglalakad ako'y may humarang sa'kin na lalaking naka sando at pansin ko ang black forest niya sa kilikili. As in napaka attractive ng buhok niya sa kilikili, grabe! Ang dami dami talaga. Siguro'y maliligaw ang langgam kapag napunta doon. Ngumingisi ito sa'kin at sumisinghot singhot pa kahit walang sipon. Adik Lang? May mga tuyo rin itong kulangot sa ilong. Tinignan ko siya ng maigi at parang isa akong detective sa ginawa ko. I scanned every corner of his body. Iyon na nga, ang gilagid niya ay kulay itim at lumuluwa tuwing ngumingisi siya. Mayroon din siyang tattoo na doraemon sa dibdib. Napaisip ako bigla na parang genius. Ano ba ang trip nang lalaking ito sa buhay niya? Syempre iyon lang ang naisip ko 'no. Tapos iyong buhok niya kulay berde. Baka nga kapag nasa gubat ito'y mapagkamalang damo ng mga hayop 'to. Kumindat muna siya sa'kin at may kinuhang cellphone sa bulsa niya. Feeling close talaga ang hayop na 'to. Hambalusin ko kaya 'to ng dala ko. Kaso huwag na, baka pagalitan ako ng mother dragon sa bahay mamaya. Nanay ko Kasi bumubuga nang apoy kapag galit. "Pahinging number mo. Tapos jojowain na lang kita . Kamukha mo kasi ang ex ko eh. Hehehe. Pareho kayong may mata at ilong 'tsaka, uhmm...Tama! Pareho talaga kayong mukhang tao." Napahigpit ang kapit ko sa dala kong supot dahil sa sinabi nito. Tarantado to eh, lahat naman tayo may mata at ilong! Napaka ano talaga nito, sarap gupitan nang itlog. Anong akala niya sa'kin, basta-basta na lang papatol sa kanya? Eh mukhang sira ulo yata ang isang 'to. Sipain ko kaya ang pagmumukha nito. Baka pinagtitripan lang ako nito eh. "Hoyy! Ikaw ahh, tigil tigilan mo ako! Baka hambalusin kita ng dala ko! Nagmamadali ako kaya puwede ba, umalis ka sa dinadaanan ko!" "Grabe ka naman, ang sungit mo! Pareho lang kayo ng ex kong bulag pero may mata naman! Hindi mo din ba makita ang kaguwapohan ko, huh? Hindi mo ba alam na isang kindat ko lang sa mga babae ay agad silang nangingisay sa kilig at napapaibig sa'kin?!" Napakahangin din pala nito. Ho! Signal number 4! Nagtitimpi lang talaga ako sa impaktong 'to. Kapag ako talaga'y napuno, sisirain ko ang kinabukasan nito. Pasalamat siya medyo mabait pa ako sa lagay na 'to. Hindi ko na lang pinansin at nilagpasan ko siya. Sinasayang niya lang kasi ang oras ko eh. Nang makaalis na ako'y naninding ang balahibo ko nang hinila niya ang braso ko kung kaya't winaksi ko ang kamay niya at sinipa siya sa tiyan sa sobrang inis. Wala siyang karapatang hawakan ako ng ganun ganun na lang! Baka mabawasan ang virginity ko sa ginagawa niya eh. Bwesit na impaktong 'to! Sarap bigwasan at ihulog sa tulay at ipakain sa mga buaya. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ngunit umiyak ito ng malakas kung kaya't napatingin na sa amin ang mga tao sa daan lalong lalo na iyong mga nagtitinda nang street foods. "P-Panget ba ako?! Kapalit palit ba ako? Then why!? B-bakit mo ako iniwan ?!" Saad nito sa'kin na siyang ikinalaki nang mga mata ko at ikinausok ng ilong ko. Pero siyempre hindi naman ako napaso kasi usok lang walang apoy 'di ba? Pero saan manggagaling ang usok kung walang apoy? Tsk , ano ba iyan?! Ipinilig ko na lang ang ulo dahil sa naisip. Ano ba namang kamalasan 'to. Lalapit na sana siya sakin ngunit mabuti na lang at dumating ang mga tanod at kinuha nila ang lalaking iyon. May isang tanod ang nag paiwan at lumapit sa 'kin. "Ma'am, pasensya na ah. Anak iyon ni Mang Cardo, nabaliw dahil sa pag-ibig. Hindi naka move on sa ex niya. Naikulong na namin iyon sa bahay nila ngunit nakawala. Wala kasing bantay dahil may pinuntahan daw. Balak na nga naming dalhin iyon sa mental hospital ngayon." Kaya pala mukhang wala sa tamang pag-iisip ang lalaking iyon. Siguro nga'y talagang nakakabaliw ang pag-ibig kaya mas mabuti ng single ako kaysa maging gano'n. "Ahh gano'n po ba? Sige po, salamat." "Sige, Ineng , mag iingat ka." _____ Sa wakas, nakarating din ako kina Lolo at Lola. 'Knock ' 'knock' Syempre obvious namang kumakatok na ako 'di ba? 'Door opens' Syempre bumukas na ang pinto. Door opens kasi eh, hindi close. Sinalubong ako ni lola ng yakap kung kaya't niyakap ko rin siya. Si lolo namay naglalakad papunta sakin habang naka ngiti at kitang kita ko ang nag-iisa niyang ngipin sa gitna. Pakiramdam ko'y nahihirapan na itong kumapit sa gums niya. May mga cavities din ang ngipin ni lolo. Nagtaka tuloy ako, nagtotoothbrush pa kaya si lolo sa lagay na iyan? Si lola nama'y lumalaylay na ang boobs at abot na sa pusod niya. Iyan kasi eh, ang lalaki ng bundok nila nang dalaga pa sila kaya iyan, pag tanda eh umaabot na hanggang pusod. "Joyjoy, kamusta ka na? Dalaga ka na ah. Siguro'y may nobyo ka na, heheh," wika ni Lola habang naglalakad kami patungo sa kusina at si Lolo nama'y nakasunod lang sa'min. "Naku, Lola, wala 'no. Virgin pa itong apo n'yo from head to toe." Humalakhak naman si lola sa sinabi ko kung kaya't nakita ko na naman ang ngipin niyang kulay dilaw na at may tartar pa. Naamoy ko rin ang mabahong hininga ni lola habang nagsasalita siya. Hindi na lang ako huminga para hindi ko maamoy. Ayoko namang ipaalam kay Lola kung gaano kabaho ang hininga niya. Hindi naman sa nanlalait, syempre alangan namang magkunwari pa ako 'di ba? Mabaho naman talaga, alangan namang sabihin kong mabango. Ika nga? Lumapit din sa'kin si Lolo at tinapik ang balikat ko. Naamoy ko rin ang kilikili nito. Amoy suka ito pero tiniis ko dahil mahal ko sila. " Apo, pag-aaral mo muna ang atupagin mo. Ang pagnonobyo, makakapaghintay pa iyan." "Upo, Lolo. Nga pala, nandito po ang paborito niyong lumpia. Kumain na po kayo. Si nanay nagluto lahat niyan kaya sigurado akong masarap," matapos kong sabihin iyon ay na realize kong isa na lang pala ang ngipin ni Lolo. Napaisip na naman ako na parang Genius. Paano kaya kakainin ni Lolo iyon? Lulunukin niya siguro ng buo. 'I sighed' , kawawa naman si Lolo. Kapag may trabaho na ako papalagyan ko siya ng pustiso. Buti pa si Lola, kahit nagye-yelow na ang ngipin at nabubulok na'y at least meron pa ring pampudpud ng pagkain. ____ "Alis na po ako. Dadalaw lang ho ako ulit dito sa susunod." "Sige, apo, mag iingat ka," saad ni Lola at ipinakita sa'kin ang ngipin niyang malapit nang ma pudpod. "Huwag mong kalimutan ang sinabi ko, Joyjoy. Unahin muna ang pag-aaral ah," dagdag naman ni Lolo at tinapik ang balikat ko. So iyon na nga, alam niyo nah. Siyempre ang amoy suka. Napa isip na naman tuloy ako na parang Genius. Hindi kaya sila natu-turn off sa amoy ng isa't isa? Iyan siguro ang true love, wala sa amoy at istura. Nasa puso lang . Kung ganyan lang naman ang true love, ayoko na lang mag-asawa. "Upo, Lo." Umalis na ako sa bahay nina Lolo at Lola. Habang naglalakad ako sa daan ay nakakita ako ng Diaper. Gosh, bakit nandito ito? Alam naman nilang madumi 'to eh. Dapat tinatapon ito sa maayos na tapunan. May tae pa talaga huh. Grabe, naka nganga pa talaga ito sa harap ko. 'Beeepppp' 'Beeepppp' "WAAHH!" sigaw ko at ipinikit ang mga mata ko. Ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako nasasagasaan. Iminulat ko ang mga mata ko at sinigawan ang sasakyang muntik na makabangga sa'kin. "Hoy! Lumabas ka diyan! Walang hiya ka, muntik mo na akong mapatay!" mas nilakasan ko pa ang pagsigaw, iyong tipong lumalabas na ang mga ugat ko sa leeg. Pero effective naman siya dahil pagkamayamaya'y may lumabas na lalaki sa sasakyan. Lalaking matangkad, maputi, naka salamin at naka business attire pa. Tumingin ito sa'kin at tinanggal ang salamin niya. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya dahil nga medyo nasisilaw ako sa ilaw ng sasakyan niya at medyo madilim na rin sa daan. "Are you trying to commit suicide?! You, crazy beggar!" suplado nitong sambit. Alam ko iyong beggar ah. 'di ba pulubi iyon? Hayop 'tong lalaking 'to! Akala mo naman kung sino, porke may sasakyan. Ako na nga itong muntik mamatay siya pa iyong may ganang magalit. "Hoy, pist*i kang lalaki ka! Huwag mo akong ma beggar beggar diyan baka basagin ko iyang pagmumukha mong sira ulo ka!" pananakot ko sa kanya. "Shut up! Just take it, I know you'll need it," sabi nito at hinagis sa pagmumukha ko ang limang libo. Akala niya naman talaga'y masisilaw ako sa pera. Bakit? Umiilaw ba iyon para masilaw ako? Kahit mahirap lang ako hindi ko naman ipagpapalit ang dignidad ko para sa pera. Napakaarogante talaga ng pisting lalaking 'to. Dapat dito turuan ng leksiyon eh. Mga ganitong lalaki dapat binubogbog at tinatapon sa bangin. Dahil sa inis ko'y napatingin ako sa diaper at pakiramdam ko'y naka-ngiti ito sa'kin at nagsasabing. "Ipaghihiganti kita, Joy. Ako'ng bahala sa'yo," pakiramdam ko'y kumindat pa sa'kin ito. Napangisi naman ako sa kalokohang naisip ko. Dali-dali kong pinulot ang diaper at binato ito sa pagmumukha niya. 'Pak' tunog iyan ng diaper na tumama sa kanya ah. Baka isipin niyo kasing, Pak You! "F*CK! What is this?! Why the heck did you do that? You, crazy woman!" natatarantang sambit nito. "Hoy, lalaking mukhang kulangot! Huwag mo akong ma crazy crazy na gunggong ka! Iyan ang bagay sa'yo! Kasing baho ng taeng iyan ang pag-uugali mo!" feeling cool kong ani. Kita ko kung paano siya nandiri at natarantang kumuha ng wipes at alcohol sa kotse niya dahil sa narinig. Napahagalpak ako ng tawa at may pa padyakpadyak pa dahil sa nangyari sa kanya. Pakiramdam ko pati ang diaper ay sumasabay sa tawa ko, hahahah. Pati nga yata mga pubic hair ko'y nagtitindig sa sobrang tuwa. "Pfftt...WHAHAHAHA!" "You, brat! I will kill you!" inis nitong sabi sa'kin habang naka kuyom ang kamao at naglakad palapit sa'kin gamit ang mabibigat na hakbang niya. Hindi naman sobrang bigat, sakto lang, naalala ko hindi naman pala yumayanig ang lupa sa hakbang niya. "AHAHAHAHA!" hindi ko pa rin napigilan ang pagtawa dahil sa nangyari sa Englisherong iyon. Bagay naman sa kanya eh. Napakayabang! Dapat sa kanya pakainin ng tae. Siyempre hindi joke iyon no. Matagal na nga akong nacu-curious kung anong flavor ng tae, so puwede ko siyang gawing sample para matanong ko kung ano nga ang lasa, AHAHAHA. Ang talino ko talaga. "Stop running! You, crazy woman! I will teach you a lesson!" sigaw nito sa sobrang inis habang hinahabol ako. "Ang tanga mo! Siyempre tatakbo ako dahil hinahabol mo ako! 'tsaka hindi ako baliw, lalaking mukhang kulangot, hahaha!" maloko kong pang-aasar sa kanya.Sarap niyang asarin! Lasang dairy milk chocolate . Nang mapansin kong malapit niya na akong maabot ay nataranta ako dahil masyado siyang mabilis. Hindi ko alam ang pasikotsikot sa lugar na ito dahil ibang baranggay na ito ngunit lilituhin ko siya sa pamamagitan ng paglikoliko sa mga kanto. Akala niya huh! Puwes nagkakamali siya ng binangga. Nang nakita ko na ang isang kanto ay lumiko ako at kumaliwa. Pansin kong wala na pala akong puwedeng daanan pa ay nakagat ko ang mga labi sa kaba. Lagi na lang akong nato-trouble, Tsk. Kainis, napakamalas ng birthday ko. Naagaw ng pansin ko nang isang basurahan. Dali dali akong pumasok doon dahil sigurado akong kakasya ako. No choice na eh, so iyon pumasok ako roon kahit na mabaho. Buwesit na lalaking 'to, sana tubuan siya ng kulugo sa itlog. Sarap lagyan ng garapata ang brief nito. Puwede ring langgam. Hindi, mas mabuti na kung garapata na lang. Nakakainis talaga! Gusto ko talaga siyang ilampaso sa daan iyong magkanda tanggal tanggal na ang balat niya. Oo na, gano'n ako ka brutal. Pinaglihi kasi ako ni Inay sa Wrong Turn na movie. Charot! "Don't hide! My patience is getting thin!" saad nito at hinalughog ang buong paligid. Nadagdagan pa ang kaba ko nang lumapit siya sa basurahan ngunit hindi niya na ito hinalughog pa dahil siyempre maarte ang supot na iyan. Sarap putulan ng basta! Naiinis ako sa kanya! Kapag nakita niya ako, lalabanan ko na talaga siya hanggang kamatayan. Pasamalat siya at hindi ako puwedeng magkapasa ngayon dahil nagagalit si Inay. "What an unlucky day! Wait for my revenge, ugly woman!" bakas sa boses nito ang inis. Pero ugly? Sa ganda kong 'to, ugly? Makapanglait sa'kin eh mukha rin naman yata siyang kulangot. Lumabas na ako ng basurahan habang naka busangot. Bakit pa kasi pinanganak ang pisting lalaking iyon sa mundo, tsk. Napagod ako kakatakbo. Umuwi na lang din ako para makapagpahinga. Akala ko doon na nagtatapos ang lahat ngunit nagkamali ako. Hindi ko inakalang dahil sa Diaper ay magbabago ang takbo ng buhay ko. ^_^ A/N: Ang storyang ito ay puno ng pagiging genius ng ating bida! Ihanda ang sarili sa mga bagong kaalaman na inyong matutuklasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD