Brixcen's POV
I stretched my arms after finishing all my paper works here in my office.
"You can now go home, Cheska." I said plainly dahil alam kung napagod din siya kakahanap ng mga documents na kinailangan namin para sa business proposal kay Mr. Anaconda. Yeah, he's last name is kinda weird.
"Uhmm, can I stay here longer?" She asked as she bit her lower lip. She did it often in front of me but I'm used to it. Cheska is kind and hardworking woman that's why I am thankful for having a secretary like her.
"Well, I need to go home. My wife is waiting for me." Tumayo na ako at sinuot ang coat ko. I also looked at my wrist watch and it's 6:30 pm. I need to check that brat, baka kung ano na namang kalokohan ang ginawa niyon. She's still my responsibility, I'll teach her a lesson but in a different way. I'm not that bad like what you think.
"Okay, sabay na tayong lumabas." She followed me as I walked while thinking about my crazy wife. I am wondering on what she's doing right now.
"Hey, are you listening?" Cheska asked as she giggle and s***k my biceps softly.
"What?" I asked her.
"I told you that I enjoyed working with you a while ago." She answered. I just nodded and we did separate ways.
After a minute ay nakarating ako sa bahay.
"Brat!" I called her out but no one's answering. I go to her room but she's but she's not there. It irritates the hell out of me! Why am I looking for her like a husband who's in love with his wife?! Darn! I go to the monitor room while trying to calm myself from anger.
After a few second, I saw her going out from the house. This woman is so hard headed! I clenched my fist in frustration. She didn't even tell me where she'll go. I shake my head in disbelief as I massage my temple. I get my phone in my pocket and dialed her number. It took a few seconds before she answered it.
"Bakit? Anong kailangan mo?" She said irritatedly.
"Where the hell are you?!" I shouted at her angrily. This woman really sucks!
"Hoyy! Huwag mo nga akong sigawan! Parang ang bait mo sa'kin kahapon tapos ngayon galit galitan ka na naman diyan. Nag m-menopause ka ba?"
"Go home NOW!" I commanded her.
"Kahapon nga kumain pa tayo ng ice cream tapos --."
"Shut up! Tell me, where are you?"
'toot' 'toot' 'toot'
The call ended. Damn it! I shouldn't have left her here alone. What's wrong with me? Why is it that I've got mad like this? I shouldn't care about her. Yeah, bahala siya sa buhay niya. Why would I care for her? It's her own business anyway.
Bumababa na lang ako trying to calm myself from frustration. I took off my coat and loosen my necktie. I get some beers in the ref and opened it. I go towards the salas and turned on the television. I drink my beer while watching until I fell asleep due to tiredness.
Joy's POV
'Phone Rings'
Tinignan ko ang cellphone ko ngunit wala namang tumatawag. Ilang oras na ding mahimbing ang tulog ni Kaizer, honey ko. Nakita ko naman ang cellphone niya sa side table na umiilaw at tumutunog. Kaagad ko namang tinignan kung sino ang tumatawag. Baka kasi may kabet si Kaizer. Hindi puwede iyon no! Akin lang siya, lahat lahat sa kanya, akin lang! Hmmpp. Madamot kasi ako mare, bakit ba?
Nang makita ko ang pangalan ng babaeng vulcaseal which is Vivian ay kaagad ko itong sinagot. Humanda ka sa'kin, sasaktan ko ang puso mo ng bonggang bongga. Ipaparamdam ko sa'yo na hindi kayo bagay ni Kaizer!
"Baby, I miss you!" Saad nito sa malanding boses. Medyo nilayo ko ang cellphone ng kaunti sa kanya at lumikha ng kaunting ingay na kunyari ay may nangyayaring kababalaghan sa'min ni Kaizer.
"Kaizer, hehehe. Nakikiliti ako, enebe?!" Humagikhik pa ako ng kaunti.
"B-Baby?! No! A-Answer me!" Mangiyak ngiyak na nitong saad sa kabilang linya.
"Kaizer, hmmm! Oh!" Umungol pa ako ng malakas na kunyari may ganap sa 'min. Tinakpan ko pa ang bibig ko dahil tawang tawa na ako sa reaksiyon ni Vivian.
"Uhh! Kaizer!" Malakas kong hiyaw.
"H-Honey, w-what are you doing?"
"AAAHHHHHH!!" Hiyaw ko sa gulat at kaagad na pinatay ang tawag. Napatingin naman ako kay Kaizer habang nanlalaki ang mga mata. Kasing laki ng mundo. Char!
"W-Why are you moaning my n-name?" Nauutal at namumulang saad nito sa akin.
"H-Huh? Ah.. HAHAHHA, baka guni guni mo lang iyon heheh." Pagdadahilan ko at sumayaw ng macarena sa harap ni Kaizer para eh distract siya at hindi na magtanong pa.
"Hey! Macareennnaaa, ho!" Sinubukan ko ding mag twerk sa harap ni Kaizer para hindi niya maalala ang mga narinig niya. Nakita ko namang napalunok ito at mas lalong namula ang mukha.
"S-Stop twerking, honey." Kaagad naman akong lumapit sa kanya habang ngumingisi.
"Bakit? Na sexyhan ka ba sa puwet ko?" Humagikhik pa ako ng bahagya.
"Uhmm, I feel better now. Thanks." Nag iwas pa ito ng tingin sa 'kin. Ang cute talaga ng honey ko!
"You're welcome, honey." Kiss mo na ako, dali na! Nanunuyo na iyong labi ko oh. Charing!
"Why did y-you moan my name?" Hindi makatinging tanong nito sa 'kin.
"Aah, k-kasi ano."
'Phone Rings' Dali dali ko namang kinuha ang cellphone ko. Mabuti na lang talaga may tumawag huhu, paano na kapag inisip na ni Kaizer na manyak akong babae? Baka ma turn off siya at masira ang pag-iibigan naming dalawa? Hindi maari!
"GO HOME NOW!"
"Ay pitoy ni Brixcen!" Napahiyaw naman ako sa gulat dahil sa narinig. Punyetang lalaki talaga ito! May balak yata siyang sirain ang puso ko! Hayop na lalaking 'to, parang kahapon close pa kami tapos ngayon nag iba na naman siya. Siguro may kabet na 'to at si Cheska iyon!
"Huwag mo nga akong sigawan!" Sigaw ko din sa inis. Sira ulong lalaki 'to! Nanggigil ako!
"WHERE THE HELL ARE YOU? IF YOU WON'T TELL ME, I WILL CALL YOUR MOM AND DAD RIGHT NOW!" Bigla namang na stress ang pubic hair ko dahil doon. Mukhang seryoso talaga si Senyorito Kulangot sa mga banta niya eh.
"Who's that, honey?" Nagtatakang tanong ni Kaizer. Napatakip naman ako sa bibig ko dahil baka malaman niyang may asawa na ako. Jusko, maryusep! Hindi puwede!
"Uhmm, aalis na ako, honey. Susunduin daw ako ni kuya eh, HAHAH." Pagdadahilan ko.
"You have an older brother?" Hindi makapaniwalang saad nito. Nanlaki naman ang ngipin ko sa gulat. Joke! Siyempe ang mata ko, mare.
"Ah, kapatid ko kay itay. HAHAH, Anak ni itay sa labas." He nodded kahit na mukhang hindi naman siya naniniwala sa akin.
"BRAT!" Natauhan naman ako ng magsalita sa kabilang linya si Senyorito Kulangot.
"Kaagad kong pinatay ang tawag at tinext sa kanya ang address ng bahay ni Kaixer, honey ko."
"Magpahinga ka na lang dito. Medyo malamig na sa labas. Kaya ko nang umalis mag isa." Binigyan ko naman siya ng ngiti at hinalikan sa labi. Sinipsip ko pa ang lips niya. Siyempre joke lang. Kayo talaga! Next time pa ako mag eh spg no! Hintay hintay lang, mare.
"No, ihahatid kita sa labas. I'm fine now."
"Sige, ikaw bahala." Bigla naman akong niyakap ni Kaizer kaya niyakap ko din siya. Totoo na 'to mare, hindi na 'to joke no. Ano ka ba!
"I'll miss you." Saad nito kaya kinilig ako to the moon and back!
"I miss you too forever more!" Hiyaw ko sa kilig. He just gave me a sexy chuckled. My gosh! Ang landi ko talaga, hehe! Pero siyempre kay Kaizer lang no! Ginulo pa nito ng bahagya ang buhok ko at kinurot ng kaunti ang ilong ko.
"W-Wait, what is this?" Kaagad nitong tinignan ang daliri niyang kumurot sa ilong ko. May natanggal kasing kulangot na medyo basa pa eh.
"Ahh... hehehe, pasensiya ka na, honey. Kulangot ko 'yan, medyo sinipon kasi ako kakakain ng ice cream kahapon."
"Darn!" Dali dali itong pumasok sa banyo at nag hugas ng kamay. Pagka maya maya'y lumabas din ito at hinila na ako palabas ng kuwarto. Tahimik lang ito at hindi ko malaman kung galit ba ito sa akin o hindi.
"I want to meet your brother. Bakit hindi mo siya pinakilala sa 'kin? We have known each other for almost a year. Why you didn't tell me?"
Dali dali namang akong nag-isip ng idadahilan. Siyempre genius ang isang katulad ko kaya alam na alam ko kung anong sasabihin no.
"Ahh, kasi may sakit siya sa pag-iisip kaya nahiya akong ipakilala siya sa 'yo."
"I see."
"Sigurado kang ayos ka na?" Hindi mo na ba kailangan ng kiss ko? Puwede kitang eh kiss, kahit sa itlog pa, Kaizer. Dali na, pilitin mo na ako. Joki joki lang no!
"Yes, I am. Thanks for coming, honey." Kaagad ako nitong binigyan ng matamis na ngiti. Kasing tamis ng honey na inakyat pa ni Louis Manzano sa coconut tree. Rebisco! Apat dapat! Uhm...pasensiya na huh. Sponsor kasi ako ng Rebisco kaya pinopromote ko, hehe.
"Welcome." Kaagad ko pang tinusok ang abs niya ng kaunti sabay hagikhik na parang tiktik. Hokage moves iyon no!
'Door Bells' Kaagad namang binuksan ni Kaizer ang gate at kaagad na bumungad ang gulo gulong buhok ni Senyorito Kulangot. Masyado ding magusot ang polo shirt nito. Naka unbuttoned din ang tatlong butones sa taas habang nakakabit pa rin ang neck tie na hindi ayos. Pero bakit mas lalo siyang gumuwapo sa paningin ko? Tamang tama, mukha nga siyang wala sa tamang pag iisip dahil sa suot niya.
"You again?!" Sabay nilang saad sa isa't isa. Naghalikan pa sila at kinagat ni Kaizer ang lips ni Senyorito Kulangot. Joke!
"BRRAAAATTTT!!" Sigaw nito na tila'y sobrang inis na inis sa akin. Natatakpan kasi ako ng likod ni Kaizer kaya hindi niya ako nakikita. Dali dali naman akong lumabas at lumapit sa kanya.
"KUUYAA!! I MISS YOU!!" Kaagad ko siyang kiniss sa pisnge at niyakap. Medyo nagulat pa ito sa ginawa ko.
"What the hell is wrong with you?" Tanong nito sa akin pero hindi ko pinansin.
"Honey, pasensiya ka na sa inasta ni kuya. Alam mo na naman kasi diba?" Tumango lang si Kaizer habang nagkakasalubong ang kilay.
"You better bring him to Psychiatrist, honey." Pormal na saad nito. Tumawa naman ako ng malakas at tumango tango sa kanya.
"Are you insulting me? You asshole!" Inis na saad ni Senyorito at kinuwelyuhan si Kaizer.
"Kuya! Umuwi na tayo." Pilit ko siyang hinihila pero ayaw nitong sumunod sa 'kin.
"Stop calling me kuya, you brat!" Bigla naman ako nitong hinarap at hinatak papalapit sa kanya. "What the f-ck did you tell him?" Nanlilisik ang mga matang tanong sa 'kin nito.
"Stop it, bro. You're hurting your sister!" Untag ni Kaizer at tinulak si Senyorito kaya napabitaw ito sa 'kin at napasandal sa kotse. Hinila naman ako ni Kaizer papalapit sa kanya.
"Are you fine? May masakit ba sa 'yo?" Nag- aalalang tanong nito sa akin. Kaagad naman akong nag puppy eyes sa harap niya at napahiyaw ng sinuntok siya ni Senyorito. Oh My Gosh!
"Honey! So--." Akmang lalapit na sana ako kay Kaizer ng binuhat ako na parang sako ng bigas ni Senyorito.
"Hoyy! Ibaba mo ako!" Pinaghahampas ko ang likod niya trying to ruin his body's proper blood flow.
"Listen to me clearly, you jerk! I'm not her brother, I'm her husband and most of all, I'm not insane!" Kaagad ako nitong marahas na pinasok sa loob ng kotse niya. Nauntog pa nga ako. Buwesit na tarantadong 'to. Pinaharurot naman nito kaagad ang sasakyan kaya dali dali akong nag seatbelt at napakapit ng mahigpit sa upuan.
Jusme! Parang lumilipad na kami sa bilis ng pagpapatakbo nito. Feeling ko tuloy nasa flying carpet kami at siya si Aladin. Iyong babae hindi ko alam ang pangalan, nakalimutan ko kaya huwag ka ng magreklamo mare sa low quality kong description.
I can show you the world
Shining shimmering splendid
'Screeechhhhh'
"AAAAAHHHHHHH!!!!!" Hiyaw ko ng bigla nitong itigil ang sasakyan dahil may dumaang aso. Nauntog naman ako ng kaunti sa front seat kahit na may seatbelt ako. "HOYY! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA! HUWAG MO AKONG IDAMAY!" Inis na inis kong sigaw sa kanya. Hayop na 'to!
"Shut up!" Inis na sagot sa 'kin nito at kaagad na pinaandar ulit ang kotse pero mahina na this time. Nang makarating kami ay kaagad ako nitong kinaladkad palabas ng sasakyan at kaagad na tumungo sa loob ng bahay.
"Bitiwan mo nga ako!" Inis kong saad sa kanya. Binitawan naman ako nito at tinulak sa sofa kaya napahiga ako.
"What f-ck do you think are you doing?! Are you out of your mind?" Umiigting ang pangang tanong sa'kin nito.
"It's none of your business." Tipid na sagot ko dahil nakakatakot iyong mga tingin niya. Pakiramdam ko'y nagsitaasan ang mga pubic hair ko dahil doon.
"You, Brat!" Namumulang saad nito habang nakakuyom ang mga kamay. Napahikab naman ako at kaagad na nakatulog ng hindi ko namamalayan.
____
"Yaawwnn!" Hikab ko pa sabay stretching at bumangon na sa kama. Kaagad naman akong dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ay bumaba na ako at kaagad kong nakita si Senyorito Kulangot na nag aalmusal na. Tahimik lamang ito at ng maramdaman niya ang presensiya ko ay kaagad nitong lumingon with his poker face. Lady G*go kasi ang peg. Charot!
"Eat." Tipid na saad nito kaya kaaga na kong umupo at kumain ng mabilis dahil baka magbago ang isip nito at hindi ako pakainin. Galit na galit pa naman 'to sa'kin kagabi.
"You have lots of task to do today as your punishment." Saad nito at uminon ng kape. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito at kaagad na binilisan ang pag kain. Nang matapos kami doon ay inutusan ako nitong hugasan ang pinggan kaya ginawa ko para makapag pahinga na ko kaagad at makatawag kay Kaizer.
"Now that you're done washing the plates, you'll clean my car."
"Huh?!"
"Follow me." Tipid na utos nito sa 'kin.
"Ayoko nga!" Sigaw ko na sa inis.
"Okay, sige. I will tell your mom na bayaran na kaagad ang perang hiniram niya para ibayad sa presinto upang makalabas ang tatay mo." Walang ganang sambit nito. Saglit naman akong natigilan at umiling.
"Nagbibiro ka lang diba? Hindi makukulong ang itay ko, mabuting tao siya."
"Mukha ba akong nagbibiro?" Supladong saad nito. Kaagad namang tumunog ang cellphone niya at sinagot niya din ito.
"Yes, tita?" Tanong nito sa kabilang linya. Pagkamaya maya'y lumapit ito sa'kin at binigay ang cellphone. Kaagad ko naman itong tinanggap. Ang lakas ng pagkabog ng puso ko. Ni hindi ko magawang magbiro at mag adverise ngayon, mare.
"Nay?"
"Anak, huwag kang mag-aalala. Nakalabas na ang itay mo. Ayos na naman siya ngayon."
"T-Totoo pala, nay? B-Bakit, anong nangyari?" Pumiyok ang boses ko dahil sa nalaman. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong lumuha.
"Hindi naman sinasadya ng itay mo anak. Sadyang may naglagay ng mga alahas ni Madam Katarina sa bag niya kaya siya ang napagkamalang nagnakaw."
Bigla namang humigpit ang pagkahawak ko sa cellphone. Iyong tinutukoy ni Inay na si Madam Katarina ay ang mommy ni Vivian, the vulcaseal. Sigurado akong siya ang may pakana nito.
"Anak, si Brixcen and tumulong sa atin kaya please. Makitungo ka din ng maayos sa asawa mo hangga't maari. Huwag pairalin ang katigasan ng ulo."
"U-Upo, nay." Malungkot kong saad at kaagad na namatay ang tawag. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. It's from unknown number. Kaagad ko namang sinagot ito at boses ni Vivian ang bumungad sa'kin. Boses niyang humahalkhak. Feeling niya naman ang ganda ng tawa niya eh mukhang may tonsillitis na mangkukulam lang naman.
"Bakit mo iyon ginawa? Kanino mo kinuha ang number ko?"
"Well, it's just a warning lang naman para sayong malandi ka! Tsaka, hindi na importante kung saan ko nakuha ang number mo but guess what--- Sinabi ko na ang lahat kay Kaizer. Lahat lahat ng mga tinatago mo lalong lalo na ang asawa mo!"
"Walang hiya kang Vulcaseal ka! Humanda ka talag sa'kin, kapag nakita kita! Babaliin ko talaga ang mahaba mong leeg! Akala mo ba magugustuhan ka na ni Kaizer kapag nalaman niya? HAHAHA, Asa ka! Sira ulo mo! Puweh! Sending dura para sa kagaya mong Vulcaseal!"
"Huwag mo akong susubukan! Baka makulong na ng tuluyan ang ama mo!" Sigaw nito sa kabilang linya.
"Subukan mo lang. Ito ang tatandaan mo, hindi ako magdadalawang isip na baliin ang mga braso mo ng hindi ka na makapaglaro pa ng volleyball!"
"Pinagbabantaan mo ba ako?" Mataray na tanong nito.
"Obvious ba? Huwag ka ngang magkunwari, nagmumukha kang tanga eh." Iritang sagot ko sa kanya. "Subukan mo lang talagang eh damay ang pamilya ko, I assure you, hindi ka na sisikatan pa ng araw!"
"How dare shout at me?! Humanda ka sa 'kin, pagsisihan mo itong panglalait mo!" Kaagad nitong pinatay ang tawag. Sa inis ko'y sumigaw ako ng malakas. Nag echo naman sa buong bahay ang boses ko. Gustong gusto kong umuwi pero mukhang hindi puwede. Kailangan kong sundin si inay ngayon dahil kung hindi, saan kami kukuha ng pambayad?
Walang hiyang babaeng iyon! Ang kapalkapal ng pubic hair niya para gawin ito sa 'kin. Si Kaizer! Siguro galit na sa 'kin iyon. Bigla nalang akong napaiyak ng malakas. Nasasaktan ang puso ko! Bakit kasi naikasal pa ako sa lalaking 'to? Sana si Kaizer na lang!
"Stop crying, lilinisin mo pa ang sasakyan ko. Huwag kang magdrama diyan." Bigla naman akong tumayo kahit na humahagulgul pa rin ako sa pag iyak. Bakit ba kasi? Nasasaktan ang puso ko eh! Sumunod na lang ako kay Senyorito hanggang sa naglagay na ako ng tubig sa balde at nilagyan ng liquid cleaner para sa sasakyan.
Kinuha ko muna ang hose at binasa ang sasakyan. Kumuha din ako ng malaking sponge at pinunas sa sasakyan habang umiiyak pa rin. Humahagulgul ako ng iyak habang ginagawa iyon. Paano na ang pagmamahalan namin ni Kaizer? Paano na? Hanggang dito na lang ba kami?
"Why the hell are you crying? Nasa maayos na lagay na ang Pamilya mo. Inayos ko na ang lahat so please—stop that nonsense." Supladong saad nito sa'kin.
"Si Kaizer, alam niya na. Alam niya nang asawa kita, waaahhhh!! Anong gagawin ko? Baka nasaktan ko na ang puso niya na ako lang ang tinitibok, huhu."
"Is he your boyfriend?" Tinaasan pa ako nito ng isang kilay.
"Hindi, pero magkasintahan kami with the heart, mind and soul!"
"Darn! Wala nga kayong label eh. Don't assume too much, masasaktan ka lang." Sa inis ko'y binato ko siya ng sponge kaya tumama ito sa dibdib niya. Hindi pa ako nakontento at binuksan ko ang hose at tinutok sa kanya. Dinig ko namang ang mura nito na tila'y naiinis.
"Stop it!" Saway sa 'kin nito. Bigla itong tumakbo papunta sa akin at binuhat ang baldeng may lamang kalahating tubig na naging bula na. Binuhos niya ito sa akin kaya napasigaw ako.
"BRIXCEN MONTEREAL!" Sigaw ko sa buong pangalan nito at kaagad na kinuha ang tabo at binato sa kanya. Hindi siya nito natamaan kaya humalakhak siya sa tuwa. Tumakbo naman ito patungo sa garden kaya hinabol ko siya at kumuha ng grass cutter sa gilid ng santan.
"S-Stop that, that's not funny anymore." Sambit nito sa akin habang nagpipigil ng tawa.
"Sa tingin mo nagbibiro ako, huh?" Kaagad ko namang binato ito sa kanya sa inis at mabuti na lang at nailagan niya ulit. Sa inis ko hinabol ko ulit siya ngunit nadulas ako at tumama ang puwet ko sa may semento sa gilid ng fish pond kung saan ay may nakabukol na semento.
"AAAHHHHH!" Napahiyaw naman ako sa sakit. Mas lalong lumakas ang hagulgul ko dahil mas masakit pa 'to sa break up ng puso ko kay Kaizer, honey ko. Dali dali namang lumapit sa 'kin si Senyorito.
"Can you walk? Are you fine?" Nag aalalang tanong nito sa 'kin.
"Mukha pa akong fine? Huh?" Iritang saad ko sa kanya. Bigla naman ako nitong binuhat at dinala sa loob ng bahay. Pinaupo naman ako nito sa upuan sa dining area.
"Aawww!" Bigla kong inangat ang kaliwang bahagi ng puwet ko dahil ang sakit niyon. Naiiyak ako sa sakit sa tuwing lumalapat ito sa bangko.
"Where did you get hurt?" Tanong nito sa 'kin.
"Sa puwet! Ano, masaya ka na?" Inis kong sigaw sa kanya. Hindi naman ito tumawa sa halip ay binuhat ako ulit nito paakyat sa taas. Napansin ko ding sa kuwarto niya kami patungo.