Nagising ako na wala si Seyorito Kulangot sa tabi ko. Nag inat inat naman ako at kagaya ni lastik man, umabot sa kisame ang mga braso ko. Charot! Siyempre dumeritsu na ako sa banyo at naligo. Huwag ka ngang judgemental diyan, mare. Nagtotoothbrush din ako kasabay maligo no. Baka kasi isipin mong hindi ko iyon ginagawa.
Nang makababa na ako ay kaagad kong nakita si Senyorito Kulangot na nagluluto. Kaagad naman akong lumapit sa kanya. Medyo naibsan na ng kaunti ang sakit sa puwet ko pero kumikirot pa rin naman ito ng kaunti na lang din. Napatitig naman ako sa kanya. He's wearing a shorts and he's topless cooking without an apron. Napasulyap naman ako sa abs niya na mukhang matigas din. Kasing tigas ng ulo ko. Char!
"Good Morning." Bati nito sa 'kin ng hindi man lang lumilingon at busy sa pagluluto. Lumapit pa ako ng kaunti at nakita kong nagluluto ito ng hotdog at may mga luto na ding ham, sunny side up at scrambled eggs sa lamesa. Nang maluto na ang hotdog ay linagay niya na ito sa pinggan at kaagad na pinatay ang stove. Sinakal niya lang hanggang sa nawalan na ng hininga.
"Let's eat." Pag aaya sa 'kin nito kaya sumunod na din ako. Umupo na ako sa mesa dahil naka handa na din ang lahat lahat. Tanging hotdog na lang ang kulang. Nang magsimula na itong kumain ay naalala ko ang sinabi nito kahapon. Palalamunin lang ako kaya bigla akong nawalan ng ganang kumain. Kahit na hindi niya naman sinasadya iyon ay wala na talaga akong magagawa. Hindi kasi ako madaling maka move on eh.
"Why aren't you eating?" Tanong nito sa 'kin.
"Huwag na, nakakahiya naman sa 'yo. Ayokong maging palalamunin." Mahinahon kong saad at pansin kong napatigil ito sa pagkain at bakas sa mukha niya na tila'y kinokonsensiya ito.
"I'm sorry, I really didn't mean to say those words. Please, I cook this for you kaya kumain ka na."
"Kumain ka na lang. Huwag mo akong alalahanin, okay lang ako." Bigla namang tumunog ang tiyan ko dahil gutom na ako pero kaya ko namang pigilan eh.
"If you won't eat, hindi rin ako kakain." Saad nito at binitawan ang kutsara at tinidor. "Let's starve together, then."
"Ano ka ba, kumain ka na!" Inis kong saway sa kanya. Kiss mo muna ako sa lips ng three hours, kakain kaagad ako. Char! Si Kaizer lang ang gusto kong humalik sa 'kin no. Speaking of Kaizer, honey ko, na mimiss ko na siya. Gusto ko siyang makita..... Aha! Nakaisip naman kaagad ang genius na kagaya ko ng paraan.
"Hmm, kakain na ulit ako sa isang kondisyon." Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha nito habang nakatingin sa 'kin. Para tuloy siyang diamond na nag s-shine bright sa harap ko.
"What is it?"
"Ihatid mo ako sa bahay nina Kaizer." Ngiting ngiti kong saad at nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay nito.
"I can't." Supladong saad nito. Aba! Bumabalik na naman ang pagiging beast mode niya ah.
"Tapatin mo nga ako, Senyorito. May gusto ka din ba kay Kaizer, huh?" Mataray kong tanong.
"What the hell! I don't, it's just--- darn! Fine!" Bigla naman akong napangiti at kumain na kaagad dahil gutom na gutom na talaga ako.
Nang matapos kaming kumain ay kaagad na umalis din kami. Nandito na kami ngayon sa kotse niya, nagmamaneho siya habang nakasimangot samantalang ako ay nakangiti lang dahil sa wakas ay makikita ko na din si Kaizer. Na mimis ko na talaga ang honey kong iyon! Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami. Nag doorbell naman ako at siguro'y nandito na ang mga katulong dahil tapos na ang day off nila. Nang bumukas ang pinto ay bumungad naman sa 'kin sa Manang Carlota, isa sa mga katulong dito na matagal na.
"Joy! Kamusta ka na?" Tanong nito sa 'kin sabay yakap. Siyempre niyakap ko din pabalik si Manang Carlota dahil hindi ko siya namimis. Sa sobrang higpit ng yakap ko ay nasakal na si Manang Carlota hanggang sa hindi na siya makahinga at tuluyan ng namatay. Siyempre joke lang, close kaya kami ni Manang. Mwehehehhe. Pa extra lang ng tawa ko huh. Nag cu-cutan kasi ako eh. Mwehehehehh. Isa pa isa pa, Mwehehehe. Ayan, last na iyan.
Pansin ko namang napatingin si Manang sa kay Senyorito Kulangot sabay ngiti. Brixcen just smiled lightly.
"Hi, ikaw ba ang boyfriend ni Joy ngayon?" Bigla namang tumingin si Manang sa 'kin na tilay malungkot ito dahil botong boto pa naman ito sa love team namin ni Kaizer.
"No, I'm her husband, Manang." Nakangiting saad ni Brixcen kaya napasinghap si manang at napahawak pa sa dibdib niya.
"Jusmiyo! Ang guwapo ng asawa mo, Joy. Pero paano na si Kaizer nito? Tiyak na masasaktan iyon." Nag aalalang saad nito kaya nagulo din ang isip at puso ko.
"Manang, andiyan ba siya? Papasukin mo muna kami kung ayaw mong sirain ko ang gate niyo." Saad ko sabay hagikhik.
"Halika kayo, pasok." Nang makarting na kami sa London ay kaagad naman itong nagpaalam upang tawagin si Kaizer, honey ko. Huwag ka ngang uto uto, mare, nasa loob lang kami ng bahay nila. Hindi kami aabot ng London no. Andaming bampira doon. Baka mamatay ako at siyang ikasaya niyo.
"Do you really like that jerk?" Tanong nito sa 'kin.
"Sinong Jerk? Wala naman akong kakilalang jerk ang pangalan eh." Nagtatakang tanong ko.
"Nothing, just don't mind it." Tumango naman ako dahil sa sinabi niya.
"Uhm, puwede bang sa sasakyan ka na lang maghintay?" Baka kasi makita mo ang pag lips to lips namin ni Kaizer kapag nagkataon eh.
"What? Pinagtatabuyan mo na ako ngayon?" Supladong saad nito sa 'kin.
"Hindi naman sa ganoon, eh kasi--."
"Honey." Bigla naman akong napatayo sa gulat. Nilingon ko si Kaizer at pansin ko ang lungkot sa mukha nito. Parang stress na stress ito at walang maayos na tulog.
"Honey? Seriously? I am the one who supposed to call my wife 'honey' , not a friend of her." Sabat ni Brixcen sa kay Kaizer. Bigla namang sumama ang timpla ng mukha ni Kaizer kasi walang magic sarap. Tawagin ko kaya si Ai Ai De Las Alas ng mabudburan na ng magic sarap ang mukha nito. Char!
"Shut up, I'm not talking to you." Tipid na sagot nito kay Senyorito. Tumingin naman sa 'kin si Kaizer. "We need to talk." Saad nito at tumalikod na. Kaagad ko naman siyang sinundan subalit pansin kong sumunod din sa 'kin si Senyorito Kulangot.
"Huwag kang sumunod. Hintayin mo na lang ako dito, okay." Pagpipigil ko sa kanya subalit sumunod pa rin ito sa 'kin.
"Sandali lang ako, kaya huwag ka ng sumunod." Pang uuto ko sa kanya. Baka kasi bigla na lang kaming maghalikan ni Kaizer doon hanggang sa alam niyo na, tapos nakikita niya. Hindi puwede no!
"Fine." Saad nito at sumimangot. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa nakasalubong ko si Inday Mommy Dionisia. Mommy ang name niya tapos Dionisia ang apelyido niya. Alam ko na ang nasa isip n'yo, ang mommy ni Pacqiao no?
"Nasa cottage po si sir Kaizer ma'am, sa likod ng kusina." Tumango na lang ako kay Mommy Dionisia. Habang naglalakad ako patungo sa exit mula sa kusina ay nakasalubong ko si Jinky Pacqiao, ang pinsan ni Mommy Dionisia. Jinky Pacqiao Dionisia ang full name niya. Astig talaga ng mga pangalan nila dito. Nang makarating na ako sa exit ay tinahak ko naman ang may kahabaang hadgan pababa.
Habang naglalakad ako ay nakatapak ako ng balat ng saging kaya nadulas ako nagpagulong gulong pababa ng hagdan. Joke! Huwag ka ngang maniwala. Ikaw huh, gustong gusto mo talagang nasasaktan ako para maging masaya ka. Tsk. Hindi naman nagtagal ay nakarating ako sa cottage. Nakita ko naman si Kaizer na nag t-twerk doon. Char! Lumapit din ako kaagad doon at umupo sa tabi niya. Tahimik lang ito habang nagmamasid sa hardin dito sa likod.
"Honey, galit ka ba sa 'kin?" Tanong ko sa kanya kaya lumingon siya at tumingin sa boobs ko. Jokes! Siyempre sa mata ko siya tumingin no.
"I'm not, but I feel bad dahil nagsinungaling ka sa 'kin." Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko kaya umiyak din ako ng malakas.
"WAAHHH!! Sorry na, honey. Huwag ka ng magtampo sa 'kin." Hinawakan ko pa ang abs niya at kinurot kurot.
"You really love touching my abs since then." Saad na tila'y inaalala ang nakaraan naming dalawa, hihi. Ayieee, kinikilig ako!
'Blag'
"Ahh! Damn it!"
Napatakip naman ako sa bibig ko ng mahulog si Kaizer sa cottage dahil sinipa ko siya sa kilig. Napasigaw pa ito ng Damit!
"HONEY! NAPANO BA ANG DAMIT MO? HUH? I'M SORRY! HUHU!"
"Why did you do that!?" Inis na tanong sa 'kin nito habang hinihimas himas ang likod niya. Sa inis ko'y kumuha ako ng bato at ipinukpok sa ulo niya kaya nawalan siya ng malay.
"Honey, are you okay? Are you listening to me?" Natauhan naman ako ng tinapik nito ang braso ko ng kaunti. Imagination ko lang pala iyon.
"Ah hehe, ano ba kasi iyon?"
Brixcen's POV
It's been 10 minutes since she left and she haven't returned yet. My instinct is telling me to go and get her now. Darn! I don't want her to be taken away from me. I don't know why I am being possessive with her. I don't love her yet, and I will never. I just want her to be my toy at para na rin may kasama ako sa bahay. I feel comfortable when she's around. I feel like I'm not alone anymore and I am willing to do anything para hindi na siya makawala sa 'kin. That crazy brat is mine!
Dali dali naman akong nagtanong sa mga katulong dito kung nasaan sila at hindi naman ako nabigo dahil kaagad ko silang nakita sa isang cottage habang nag-uusap. Nagtago naman ako sa likod ng cottage kung saan ay may makapal na halaman para hindi nila ako makita. I hate myself for doing this. I'm like a spy here trying to find out if my wife is cheating on me.
"Ah hehe, ano ba kasi iyon?" She asked him.
"How did you know your husband? Do you love him?" Kita ko naman na parang nag aalinlangan pa ito kung ano ang isasagot niya.
"Don't lie to me, honey. Tell me the truth." I've noticed that the brat let out a deep sigh.
"Sa kalsada kami unang nagkita. Muntik niya na akong masagasaan kaya nainis ako sa kanya! Ang kapal kapal ng mukha ng lalaking iyon para tapunan ako ng pera dahil daw pulubi ako! Tapos sa inis ko ay binato ko siya ng diaper at tumama sa mukha niya! HAHAHAHAH!" Pumadyak padyak pa ito sa pagtawa subalit mukhang hindi naman naniniwal iyong tukmol na kausap niya.
"Then what happen." Hindi kumbinsidong saad nito. This guy really sucks. It's obvious tho, he likes my crazy wife but he's not confessing.
"So iyon, isang araw ay bigla na lang siyang sumulpot sa bahay at hinipnotismo ang mga magulang ko kaya pumayag sila na maikasal ako sa lalaking iyon. Nang araw na iyon din mismo kami kinasal pero huwag kang mag aalala hindi naman kasi kami nag lips to lips eh.
"Do you want me to believe that?" The guy said sarcastically. "I thought that you're going to tell me the truth." Malungkot na saad nito.
"Nagsasabi ako ng totoo!"
"Let's not talk about it anymore. I'm getting married to Vivian soon. You can now go." After that, the guy left. What a tragic ending. The guy's so stupid! When he totally left, I walk towards the cottage and there she is, crying like a broken hearted woman. I just rolled my eyes in irritation.
"Let's go." Bigla naman ito nag angat ng tingin habang lumuluha na tila'y isang bata na inagawan ng candy.
"Break na kami ni Kaizer, waahhh!" Hagulhul pa nito.
"Wala kayong label." I reminded her.
"Ang sakit sakit! Hindi siya naniwala sa 'kin, nagsabi naman ako ng totoo ah!"
"Once you broke someone's trust through lying, it'll be difficult for him to believe you again."
"Ahhhh!! Ayoko ng magsinungaling pa! Pero kailangan minsan eh, huhu!"
"Let's go."
"Buhatin mo ako, huhu! Wala na akong ganang maglakad! Hindi ko kaya, ang puso ko nasasaktan!" I just shake my head in disbelief.
___
Joy's POV
"Ano pang tinitingin tingin mo diyan? Buhatin mo na ako at alisin dito!" Hindi ko mapigilang mapahagulhul ng iyak. Binuhat nga ako nito kaya isiniksik ko lang ang ulo ko sa dibdib niya. Si Kaizer, ikakasal na kay Vivian the vulcaseal. Hindi ako papayag, pero anong magagawa ko? Kaya ko kayang mag move on? Anong gagawin ko?
Mahal na mahal ko si Kaizer. Handa akong akyatin ang mount Everest hanggang sa manigas ako sa lamig. Kaya kong kumain ng goodbye Philippines para sa kanya. Kahit pacific ocean lalanguyin ko! Hindi niya ba nakikita kung gaano ko siya kamahal? Huhu! Nakakapagod magmahal! Gusto ko na lang maglaho sa mundo! Pero ayoko no! Alam kong marami ang magsasaya kapag nagkataon at hindi ako makakapayag!
Nang makarating kami sa bahay ay kaagad akong dumiretso sa pool at inilublub ang mga binti ko sa tubig. Narerelax kasi ako kapag ganito. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil kumikirot ito ngayon dahil kay Kaizer. Hindi ako makapaniwalang nag break na kami with the heart, mind and soul. Nagsimula na naman akong umiyak ng malakas dahil sobrang nalulungkot talaga ako.
"WAAAAHHH!! Kaizer, akala ko ako lang ang honey mo! Pero bakit magpapakasal ka kay Vivian? Bakit?!" Sa inis ko'y tumalon ako papuntang pool dahil magpapakamatay na lang talaga ako, huhu. Wasak na wasak na ang puso ko! Umahon ako saglit at huminga dahil hindi ko kinaya sa ilalim ng tubig. Bwesit! Bwesit! Gusto kong magpakamatay kaya hinayaan ko na naman ang sarili kong lumubog sa tubig. Saglit kong pinagmasdan ang ilalim ng pool na kulay berde at asul ng dahil sa lights sa ilalim. Napakaganda nito, medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil makulay pala sa ilalim.
Sana naging mermaid na lang ako, tapos si Kaizer and chokoy! Joke! Hindi ko dapat nilalait si Kaizer kasi mahal ko siya. Habang nagmamasid ako sa ilaw sa ilalim ng pool ay bigla kong nakita si Senyorito Kulangot di kalayuan sa 'kin na lumalangoy patungo sa kinaroroonan ko. Bigla naman akong napatingin sa mukha nito. Para kasi siyang dugong na na stroke. Biro lang! Bigla naman ako nitong hinila pataas kaya napaahon din ako.
"ARE YOU OUT OF OUR MIND?! YOU i***t!" Sigaw nito sa 'kin habang hawak hawak ang bewang ko habang lumalangoy. Bigla naman akong nainis dahil sa sira ulong 'to.
"Bakit mo ako pinakialaman?!"
"Damn you!" Sigaw nito sa 'kin at bigla na lang hinatak ang batok ko at siniil ako ng halik. Bigla namang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa gulat. Pakiramdam ko'y lalabas na ito sa rib cage ko. Napapikit naman ako dahil sa halik nito. Ramdam ko ang pagkagat nito sa labi ko kaya sa inis ko'y gumanti ako. Kinapitan ko din ang batok niya at hinila palapit sa 'kin. Humanda ka sa 'kin! Ito ang halik na hinding hindi mo malilimutan sa buong buhay mo! Lalagyan ko ng chikinini ang bibig mo!
Nang kinapos na kami sa hangin ay 'tsaka natigil ang halik. Nagulat naman ako ng bigla ako nitong hinila patungo sa gilid ng pool. Umahon siya at kaagad na hinila ako pataas. Bigla naman ako nitong binuhat in a bridal way kaya napakapit ako sa leeg niya. Sinubukan ko namang pigilan ang malakas na pagtibok ng puso ko subalit nabigo ako. Hindi ko namalayang inilapag na ako nito sa malambot na kama. Kaagad naman itong kumubabaw sa 'kin.
Kaagad ko namang nakagat ang ibabang labi dahil sobra akong kinakabahan ngayon. Napatitig naman ako sa mukha nito. Napasinghap naman ako dahil sa gulat. Bakit bigla ito naging sobrang guwapo sa paningin ko? Parang mukha pa siyang dugong kanina ah! Don't tell me, naalis na ang sumpa sa kanya! Beauty and the beast! Ako ang beauty at siya ang beast.
Napapikit naman ako ng muling lumapat ang labi nito sa labi ko. Napakasarap ng halik nito, hindi ko mapigilang gumanti. Jusmiyo por santo! Kaagad namang naglakbay ang kamay niya sa katawan ko. Dora the expoler! Where is the mountain?! It's over there! Kaagad naman itong naglakbay patungo sa mountain ko. Gosh!
"Hmm.." Umungol ako ng sobrang sexy kaya biglang nabuhay si boots. Nanlaki ang mga mata ko ng naramdaman ko si boots sa puson ko. Shet! Nagpatuloy lang sa paglakbay ang kamay nito hanggang sa umabot na ito sa flawless kong legs. Of course! Pagyayabang ko 'yan, mare. Napasinghap naman ako ng bigla nitong pinunit ang damit ko.
Parang nagiging halimaw na siya. Ang tingin niya sa 'kin ngayon ay kakaiba na! Oh My Gosh! Baka si swiper na ito!
"Swiper, No swiping!" Sigaw ko bigla kaya napatigil ito sa paghalik sa leeg ko. Nagkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa 'kin. "Swiper, No Swiping!" Sigaw ko ulit sa kanya.
"What are you trying to say?!" Tanong nito sa 'kin. Saglit ko namang kinurap kurap ang mga mata ko dahil baka namamalik mata lang ako. Bakit tila'y nagliliwanag ang mukha niya at napakaguwapo niya ngayon. Parang nabihag niya na ang puso ko bigla. Iniling iling ko pa ang ulo ko dahil doon. Nagulat naman ako ng bigla na naman nitong inilapat ang labi niya sa labi ko.
Nang bumaba na ang labi nito sa dibdib ko ay bigla namang uminit ang katawan ko. Dali dali naman akong bumangon sa gulat.
"Hindi natin itutuloy 'to! Mukhang lalagnatin ako!" Gulat na gulat kong saad.
"What are you thinking right now? Tell me." Saad nito kaya bumuntung hininga ako.
"Umiinit ang katawan ko." I said honestly, bigla ko namang narinig ang bahagya nitong pagtawa. Napaatras naman ako ng kaunti dahil bigla na namang kumabog ang puso ko dahil sa tawa niya. Para siyang angel na bumaba sa langit dahil sa tawa niya. Ipinilig ko naman ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Hindi maari!
"Ah!" Napasigaw ako ng bigla nitong hinila ang paa ko papalapit sa kanya. Napaungol naman ako bigla nitong hinawakan ang hindi dapat hawakan. Huwag ka ng magtanong kung ano iyon, mare. Hindi mo dapat malaman. Tama na nga iyang pakikichismis niyo sa spg ko. Enjoy muna ako dito. Bye!