“HELLO, TICIA. So… kailan ko makikilala ang mystery boyfriend mo?” Hindi ngayon magawang sagutin ni Ticia ang tanong na iyon ni Zeek. Wala naman itong ibinigay sa kanya na ultimatum kung kailan niya ipakikilala ang sinasabi niyang boyfriend nan gang totoo ay wala naman. She felt pressured instantly. Mas gugustuhin niyang bumuka na ang lupa at tuluyan siyang lamunin nito makatakas lang sa tanong na wala naman siyang maisasagot. Kung maaari nga lang ay maglaho na lang siya na parang bula para lang makatakas sa pangungulit ni Zeek, pero paano?
“Ah, kasi…” She was having a second thought; if she would tell the truth or think of another alibi. Neither of there will solve her problem.
“I’m her boyfriend.” Out of nowhere, she heard a familiar voice who apparently standing behind her. Vander? No one was expecting that answer from Vander. Maging siya ay nagulat sa pag-amin na ginawa nito. She didn’t know if she would feel relief or more pressured with what he did. Pero umamin na ito, eh. Kahit hindi naman talaga totoong sila.
“What?”
“Seriously?”
“How come?”
Iyon ang mga tanong na agad na pumutakte sa kanila na hindi na niya alam kung kanino nanggaling. Hindi niya rin alam kung paano niya sasagutin ang mga tanong na iyon. Wala din siyang alam na gagawin ni Vander ang bagay na iyon. Agad naman lumapit si Vander kay Ticia at inalis ang kamay ni Zeek at ito na ngayon ang nakaakbay sa kanya.
“Now that you know she’s my girlfriend, you can now stay away from her,” Vander said, seriously staring at Zeek. Kung kanina ay gusto niyang lamunin ng lupa sa pressure na nararamdaman, ngayon ay gusto na niyang magunaw ang mundo para tuluyan nang mawala ang lahat ng problema niya. At kasama na si Vander doon.
Zeek chuckled. “And you think, maniniwala ako?”
“Hindi pa ba enough ang sinabi ko?” Vander said.
“Prove it. Kiss her,” Zeek dared. Nanlaki ang mga mata ni Ticia sa narinig. What? Kiss?
Bago pa man siya makapag-react sa sinabi ni Zeek, nahawakan na ni Vander ang kanyang batok at naramdaman na lang niya ang pagdapo ng labi ni Vander sa kanyang labi. Halos malaglag ang panga ng mga nakakita kung paaano mag-landing ang halik ng binata sa kanya. Parang bigla ring tumigil ang oras noong mga panahong iyon. Wala siyang marinig na ingay maliban sa pagdaan ng hangin sa paligid.
Limang segundo. Eksakto limang segundo ang tanda niyang itinagal ng nakaw na halik na iyon ni Vander sa kanyang labi. Mulat pa nga ang mga mata niya sa limang segundong halik na iyon. Hindi man lang niya nagawa pang ipikit ang mga mata dahil sa pagkagulat. Sino ba namang magiging handa sa pagkakataong iyon. Wala man lang pasabi si Vander sa five-second kiss na iyon. It was quick but a gentle kiss. Pero halos gustong lumabas ng puso niya sa dibdib habang magkalapat ang kanilang mga labi.
“Is that enough?” Vander asked.
“No. Unless, Ticia confirm it.” Napunta sa kanya ngayon ang tingin ni Zeek. Hindi ba dapat, sampal ang ibibigay niya kay Vander matapos ang ginawa nito? Bakit ngayon, parang pabor pa para sa kanya ang halik na iyon?
Sumentro sa kanya ang tingin ng lahat. Everebody was waiting for her to answer. Ano naman ang isasagot niya? If she would deny it, sigurado mas kukulitin siya ni Zeek. If she would say yes, mapapasubo naman siya sa malalang pagpapanggap. Paano ba siya napunta sa ganoong sitwasyon?
“Mag-usap tayo,” bulong niya kay Vander na bigla na lang niyang hinawakan ang kamay at hinila palayo. Naiwan ang mga kaibigan nila na halatang may tanong sa isipan sa mga mata. Wala man lang nagawa ang mga ito kundi ang sundan na lang sila ng tingin.
Sa pinakadulong bahagi ng corridor kung saan walang masyadong dumaadaan niya dinala si Vander. Sinigurado muna niya na walang kahit na sinong nakasunod sa kanila. Saka pa lamang hinarap ni Ticia si Vander at sinabing, “What was that?!”
“What?!” Vander said like it was nothing for him.
“Bakit mo sinabi sa kanila na boyfriend kita? I didn’t agree with you, remember?” she said pertaining what they talked last time.
“Anong gusto mo, kulitin ka habambuhay ni Zeek?”
“And you think sa ginawa mo, patatahimikin niya ako?!” angil ni Ticia. Sigurado na siya, mas lalong lalala ang sitwasyon ngayong sinabi ni Vander na girlfriend siya nito.
“Don’t worry about that, akong bahala sa kanya,” Vander assured.
“Nag-iisip ka ba talaga, Vander? Tsaka bakit mo ako hinalikan kanina? Anong palabas ‘yon?”
“Hindi mo ba nagustuhan?” Awtomatikong umarko ang kabilang dulo ng labi ni Vander. Para bang nang-aasar pa ito sa sinabi. Is she going to answer that question? Kung sabihin niyang nagustuhan niya, may magbabago ba sa sitwasyon niya ngayon?
“N-No.” Iyon lang ang nasabi niya bago iniwas ang tingin kay Vander. Naramdaman niya kasi na bigla na lang nag-init ang mukha niya nang maalala kung paano maglapat ang kanilang mga labi.
“Mukhang hindi nga,” sabi na lang ni Vander pero ramdam niyang labas sa ilong ang mga katagang iyon. Parehas silang natahimik. Hindi alam kung sino ang magsisimula ng panibagong usapan. Nakatalikod pa rin si Ticia kay Vander na pilit pa ring inaalis sa isipan ang mga nangyari. “Gusto mo bang bawiin ko na lang?” Vander said calmly after she heard him sigh.
Bawiin? Paano? “No!” agad na pagpigil ni Ticia kay Vander. Ayaw niyang mapasubo sa sitwasyon pero wala na siyang magagawa. Kung babawiin nila ang sinabi nito sa mga kaibigan nila, triple ang magiging paglala ng problema sa kanya. “Let’s stand for it. Kung iyon lang ang paraan para tigilan na ako ni Zeek, I’ll go with that deal.”
Hindi maipaliwanag ni Ticia kung anong klaseng ngiti ang nababasa niya sa mga labi ni Vander: kung iyon ba ay ngiti ng lalaking kinikilig o nangungutya. Wala na siyang pakealam doon. Ang kailangan niya lang ay malusutan ang problema at malutas ang mga susunod pa. Hindi siya ganoon ka-impulsive pagdating sa decision making pero nagawa niya dahil lang sa mga taong nakapaligid sa kanya at sa pressure na naramdaman.
Vander held her hand and said, “Okay. From now on, I will be your pretentious boyfriend.”