Nanikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko biglang sumikip ang espasyo sa pagitan namin. “A-Anong ibig mong sabihin?” I tried to steady my voice, pero halata pa rin ang panginginig. He looked at me like he was trying to see through every wall I had built, every excuse. Pakiramdam ko sasabôg ang dibdib ko sa halo-halong emosyon, ang kaba, ang takot, lahat. “You’re different,” sabi niya, na parang kanina pa niya ako ino-obserbahan. “Kanina ko pa napapansin. Simula pa no’ng bumaba ka.” Napaiwas ako ng tingin. “People get tired, Nero. Hindi naman palaging may dahilan.” “Meron,” giit niya. “Alam kong meron, Rumi. When it’s you, there always is.” Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko bawat sasabihin niya, unti-unting tinatanggal ang mga depensa ko. “Your hands are cold,” dagdag pa niya, bahag

