PREGNANT?

1162 Words
Medyo nag-aalangan ako kung sa main door ba ako dadaan o sa likod na lang. Pero sigurado akong walang magbubukas sa akin kung doon ako dadaan sa likod, dahil abala ang mga kasambahay sa paghahanda para sa mga bisita. I let out a heavy sigh and made my way toward the front, trying to steady myself. Alam kong kapag pumasok ako, mapupunta lahat sa akin ang atensyon nila at ayoko no'n. Nahihiya ako lalo na nandito pa ang tatay ni Nero. Nang malapit na ako sa pintuan, narinig ko ang malakas na tawanan na nagmumula sa loob, sa may sala. Mukhang nagkakatuwaan sila. Kami lang yata ni Nero ang wala—o baka hinihintay lang kami? I hesitated for a second, my hand hovering over the doorknob, suddenly unsure if this was the right moment to come in. Another burst of laughter echoed, followed by familiar voices. Mukhang kumpleto na sila. I swallowed hard and pressed the knob and slowly pushed the door. Naglikha ng ingay ang pinto kaya nawala ang ingay. Napapikit ako. “Ano ba 'yan.” Ingat na ingat na nga ako. Footsteps followed, mabilis at magaan, hanggang sa marahang bumukas ang pinto. “Oh,” he said, eyes widening slightly when he saw me. “You’re here.” I forced a small smile. “Hi, Pa.” He stepped aside, letting me in. The warmth of the house, and the people inside, hit me all at once, making my heart beat a little faster than it should. Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok, naramdaman ko ang presenya sa likod ko, at sa amoy pa lang ng pabango nito, alam ko na kung sino—si Nero. “Hi, Tito Arch. Sorry I’m late. There was a barangay meeting for the new projects,” Nero explained. “And…” Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang kamay ni Nero sa aking balikat. Huwag mong sabihin na ilalaglag niya ako kay Papa dahil iniwan ko siya? “And?” Papa raised an eyebrow. Tumingin muna siya sa akin bago kay Nero na nasa likod ko. “Nag-away na naman ba kayo? Ayusin niyo 'yan.” Tumalikod na sa amin si Papa na para bang nagets na niya agad ang ibig sabihin ni Nero. Napabuntong hininga ako. “Pagod ako, Nero. Huwag ngayon.” Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. “I have no energy to urge with you.” “I'm not here to argue with you. I'm here to—Rumi please...” habol niya sa akin nang dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay at nagmartsa paakyat sa second floor. Habang paakyat kami ng hagdan, narinig ko ang usapan sa sala. “May tampuhan na naman siguro. Kanina pa sila no'ng umaga,” rinig kong sabi ni Mama. “Hayaan mo na,” sagot ni Papa, halatang sanay na. “They are old enough to fix things. They’ll figure it out.” “Nakakatuwa nga silang panoorin,” segunda naman ni Tita Rose—ang mommy ni Nero. “Matutuwa pa kami ni Herald kung magkabalikan sila.” I heard Tito Herald’s soft laugh. “Miss ko na nga ang batang 'yan sa bahay.” Mas lalo kong binilisan ang hakbang ko. No'ng kami pa ni Nero, halos doon na ako tumira sa kanila. Uuwi lang ako kapag gabi na. And hearing this, hindi ko maiwasang sumama ang loob ko. Our family was close. Hindi naman 'yon nagbago kahit na naghiwalay kami ni Nero. Nalungkot lang sila no'ng malaman nila na wala na kami. “Sana maayos pa nila,” rinig kong sabi ni Tita Rose. Nalungkot ako sa narinig. I really love Tita Rose. Kung spoiled ako kay Mama, mas lalo sa kanya. Ganun din si Tito Herald. Mas anak pa ang turing nila sa akin kesa kay Nero. “Rumi, wait.” Nero’s voice echoed. Hindi ako lumingon. “Please, Nero. Not now.” Pero hindi siya tumigil. I felt his presence behind me hanggang sa marating namin ang tuktok ng hagdan. Pagdating sa hallway, hinawakan niya ang pulso ko, sapat na para mapatigil ako. Ang init na nga ng ulo ko, kumukulit pa. Hindi ba siya makaintindi na ayaw kong makipag-usap muna? “Just listen,” he said in a gentle tone. “I’m not here to fight. I just don’t want this to get worse.” Napapikit ako sandali, trying to calm myself. “You think this isn’t already worse?” mahina kong tanong. “Nandito ang pamilya mo, your dad and mom are downstairs, and everyone thinks okay tayo. But we’re not, Nero.” Kumapit ako sa railing. Pakiramdam ko umiikot ang mundo ko, maybe because I'm too tired. He let go of my wrist. “Then tell me what you want,” he said calmly. “Don’t shut me out.” I looked at him then. For the first time since he arrived, his expression wasn’t defensive or arrogant, it was unsure. Vulnerable. Kita ko ang pagod sa kanyang mata. And from there, I could see sadness. “I just need space,” I replied, my voice barely above a whisper. “Just… not tonight, Nero. Pareho tayong pagod.” For a long moment, he didn’t say anything. Then he nodded slowly. “Okay. I’ll give you that.” I opened the door to my room and stepped inside, closing it gently behind me. As I leaned against the door, I let out a shaky breath. Downstairs, the laughter slowly returned. But inside me, everything was still unsettled, because no matter how much space I asked for, Nero was already too close to walk away from. I don't know what he's up to, pero alam kong hindi 'yon maganda sa akin, lalo na sa puso ko. I was about to go to my closet when I suddenly felt my stomach twist. Napatakip ako sa bibig nang maramdaman kong parang nasusuka ako. Instead of going to the closet, dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo. I turned on the faucet and, with my eyes shut tight, I threw up into the sink. Pakiramdam ko hinahalukay ang sikmura ko, leaving a bitter taste at the back of my throat. “Damn it!” Napakapit ako ng mahigpit sa sink habang walang humpay na nagsusuka hanggang sa tuluyan na akong mapaupo sa malamig na sahig, nanghihina at hinihingal sa sinapit ko. My hands were shaking, my whole body trembling as I leaned my head against the wall. “What’s wrong with me?” I whispered to myself, wiping my mouth with the back of my hand. The room felt smaller, the air went heavier. For a moment, I just sat there, listening to my own breathing, trying to calm the storm inside me, both in my body and in my heart. But deep down, a thought I didn’t want to face began to creep in, slow and terrifying. Something wasn’t right. Napahawak ako sa aking tyan. “B-Buntis ba ako?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD