Chapter 9

370 Words
ASHLEY'S POV 6 months later.... "Teka lang naman! Teka kasi!" Asar na sigaw ko habang nakatingin sa mga armadong lalaki na nandito sa loob ng bangko. Accountant ako dito. "Ano, Miss?! May iniaangal ka ba diyan?!" Maangas na tanong nung lalaking mataba. "Oo!" "Aba't ang tapang mo ah. Gusto mo ng mamatay?!" Sigaw niya at itinutok sa akin ang hawak niyang b***l. "Ash, huwag ka na kasing pumalag," bulong sa akin ni Riana, co-accountant ko. "Huwag ka kasing magmadali! Kinukuha ko na nga lahat ng nandito sa drawer eh!" Sagot ko doon sa lalaking mataba at hindi na pinansin si Riana. "Tsk, hala bilis na! Kayo diyan!" Baling niya sa iba. Pagkatalikod niya ay kinuha ko ang b***l ko sa aking hita at binaril ang limang armadong lalaki. Walang kahirap-hirap, bull's eye! Katawan nila'y nasa sahig at walang malay! Kung bibilangin, sa loob ng buwan na ito'y ito ang pangatlong beses na nangyari ito. Tsk, at ang nangyayari ay nahuhuli lang din sila ng mga pulis. Itinago ko ang b***l ko at tiningnan ang mga kasama ko at ang mga taong naririto. "Okay lang ba kayo? Labas na! Bilis!" Naglabasan nga sila, nagpahuli ako. Tiningnan ko ang mga armadong lalaki. Iba ang b***l ko. Maliliit ang bala ng b***l ko na kapag kumapit sa balat mo ay hihimatayin ka. b***l na hindi ko alam kung paano nagawa ng psychopath kong kaibigan HAHAHA! Nilapitan ko ang isang lalaki at hinanapan ito ng tattoo. Kung mayroon man kasi ay daan iyon para malaman kung sino ang leader nila. Sa dibdib ng lalaki, kapansin-pansin ang tattoo na P at napaikutan ng ahas. Eh? "Miss, lumabas na ho kayo," napalingon ako sa pulis na lumapit sa akin. Nagsi-pasok na pala sila. Kanina kasi ay nasa labas lang sila at naka-standby. Tsk, kung pasalamatan niyo kaya ako? Mga walang utang na loob, letse! Padabog kung kinuha 'yung bag ko at lumabas. Pumunta ako sa highway at astang papara ng taxi ng may humintong itim na kotse sa harap ko. Bumaba ang bintana at may dumungaw na lalaki. Naka-salamin ito at mask. "Sana hindi sila kumanta. Hayst." Ang boses! Gulat akong napatitig sa kaniya. "Kyro?!" "Tsk. Imagine, we've meet again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD