Chapter 3

386 Words
ASHLEY'S POV BAAANG! BAANG! Napapikit ako dahil sa tunog ng b***l at napatakip pa ng tainga. May putok ng b***l ang nanggaling sa labas!! "Boss! Sinugod tayo ng Black Empire!" Sigaw ng isang lalaki na nakasilip sa may pintuan. "A-anong nangyayari?!" Tanong ko at pumunta na sa likod ng lalaking tinatawag nilang Boss. "Hindi mo narinig? Sinusugod kami ng Black Emp--" Naputol ang mga sinasabi niya ng may sumigaw mula sa labas. "Phyton!!! Magpakita ka saking g@go ka!" Napamaang ako. Ang lutong ng mura. "Kung gusto mo kong makausap kayo ang pumasok rito?!" Sigaw nitong lalaking nasa harap ko. Eh, siya si Phyton? "Sige," sabi nung boses mula sa labas. May kumatok sa pinto at binuksan ng lalaking nakabantay doon. Dahan-dahang pumasok ang isang matangkad at naka whole facemask, nakasunod naman sa kaniya ang mga naka-camouflage na damit. "Anong kailangan mo sakin? I didn't expect you to visit us," sabi nitong kaharap ko. "Nabalitaan ko ang ginawa niyo sa mga kargamento namin! Bakit niyo hinarang at ninakaw sa amin?! Akala ko ba magkakampi tayo rito?! Ha, Phyton?!" Gigil na sigaw nung lalaking naka whole facemask. "Pasensya na pero... I don't understand you. Hindi namin hinarang ang mga kargamento niyo at mas lalong hindi namin ninakaw ang mga yun," sabi nitong lalaking kaharap ko. Nakasilip lang ako sa gilid niya. Amp, ako ang magigipit dito. Taena naman! "Sigurado ka? May naiwang tao mo roon at ikinanti ka," sabi nung--. Ayt, ang hirap namang mag-describe dito. Basta yung leader nung kalaban nitong Phyton daw na to. "Ikinanti ako? Tiningnan mo ba ang dibdib ng hunghang na yun? May tatto kami sa dibdib alam mo yan dahil dati kang miyembro namin!" Sigaw ni Phyton. Napansin kong napatigil ang lalaking yun. Tapos bumulong siya sa tauhan niya na inilingan siya. "Ano? Sagutin mo ko!" Sigaw pa ni Phyton. "W-wala! Pasensya na hindi namin tiningnan eh," sabi nun. "Tsk, pwede na kayong umalis at may kailangan pa akong tapusin," sabi ni Phyton at lumayo sakin. Napansin tuloy ako nung mga kalaban. Napalunok ako ng marinig ang huling salitang binigkas niya. T-tapusin?! Huwag naman muna lord! Kailangan ko pang magka-boyfriend eh! NBSB pa ako lord, hindi pwede toh!! "Uy chix," sabi nung naka whole facemask at pumito. Kinilabutan ako. "Back off, akin lang to!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD