“Good morning,” nakangiting bati ni Silver nang makitang mag-mulat ng mga mata si Savannah. Sandali siyang sinilip ng dalaga bago muling pumikit at sumiksik sa kanyang tagiliran. “Five minutes…” ungot ng dalaga na tinawanan lamang ni Silver. Hinayaan niya ang dalagang bumalik sa pagtulog bago inabot ang cellphone sa bedside table para icheck ang mga messages. Akma niya nang ibabalik sa side table ang phone nang maramdaman ang pag-galaw ni Savannah sa kanyang tabi. He smiled and gently clipped her hair behind her ear. Nakabaon ang mukha nito sa dibdib niya at tanging pisngi lamang ang kita. He silently took pictures of her, careful not to show too much clues na this is Chassis Savannah Detangco he was with. Siniguro niyang tanging buhok at likuran lamang ang kita rito nang maisipan niyan

