“That wasn’t my doing,” tanggol ni Savannah sa sarili habang nasa biyahe na sila pabalik ng siyudad. Pagkatanggap na pagkatanggap ng tawag ay alam nilang wala ng oras pa para magliwaliw, isa pa ay pareho rin silang hindi mag-eenjoy dahil lumilipad ang utak nila pabalik sa problemang hinaharap ng mga kompanya nila. “I know, Van. No need to explain. I know you play dirty sometimes… but not this dirty,” nakangising sagot ng binata kasabay ng mabilis na sulyap sa passenger seat kung saan naka-upo ang dalaga. “Was it your dad?” tanong ng binata makaraan ang ilang segundong katahimikan sa loob ng sasakyan. Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Savannah bago ito sunod sunod na tumango. “Do you think the articles—” “I’m not too sure about that. Maybe hindi na niya kagagawan ‘yan.

