DREAM 19

2013 Words
"Sure ka bang okay lang sa'yo maglakad?" Muling tanong sa akin ni Troye. Tumango naman ako. "Mas safe kesa sumakay sa motor mo." Napailing naman siya. Tahimik lang kami pareho habang binabaybay ang daan na tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang kamay ni Troye sa palapulsuhan ko at hindi rin nagtagal ay nakahawak na sa kamay ko. "Let's stay like this until we've reached your home." Hindi na ako kumontra pa. Kahit naman halos isigaw na ng utak ko na hilahin ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa. I guess I don't want to disappoint him. "Paano ka pala pag-uwi?" tanong ko. "Susunduin ako ni Saf." Tumango ako. Hindi ako sigurado kung nakikita ba ako ni Troye. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Grabe ang bilis ng t***k ng puso ko. "Hindi ka ba natatakot?" he asked. Umiling ako. "Maliwanag naman ang buwan at isa pa." Nakagat ko pa ang ibabang labi ko. "Kasama naman kita." Damn! Saan ako humugot ng lakas para sabihin iyon? He chuckled. Napangiti rin ako. Halos 20 minutes din kaming naglakad hanggang sa makarating sa bahay namin. "Pasok ka muna." Umiling naman siya. "Hindi na. Malapit na raw si Saf." "Sure ka?" Tumango naman siya. "Pumasok ka na sa loob." Ako naman ang umiling. "I'll wait until Saf arrives." Halos mga tatlong minuto ay dumating na si Saf sakay ng isang puting Subaru. "Hi, Zira!" bati niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at kumaway. "Hello, Saf!" Bumaling ako kay Troye. "Ingat kayo." He smiled. "You go inside." Tumango naman ako tsaka pumasok na. Halos mapunit naman ang labi ko sa laki ng pagkakangiti ko nang makapasok na ako sa bahay namin. "Hindi pa kita nakikitang ganyan ngumiti kapag si Gio ang naghahatid sa'yo." May nakakalokong tingin pa si Mama. "Mama, naman!" nahihiyang sabi ko. "Bakit ba hindi mo na lang patigilin si Gio sa panliligaw sa'yo kung si Troye naman ang gusto mo? Bakit hindi mo na lang sagutin si Troye?" Umiling naman ako. "I like Gio, Ma. I'm just confused right now at isa pa, hindi naman nanliligaw sa akin si Troye." Ngumisi si Mama. "Paano kung manligaw?" "Mama! Gusto ko po si Gio." "Hindi 'yan ang nakikita ko, Zira Rafaela." Natigilan naman ako. I'm just confused right now pero sigurado akong gusto ko si Gio. I like Zaivier a lot kaya paniguradong gusto ko si Gio. Nakaligo na ako at hihiga na sana nang maalala ko si Gio. Nataranta naman ako sa pagkuha ng phone sa bag ko. Natapik ko pa ang noo ko nang makitang may limang missed calls si Gio at tadtad ng text. From: Gio Where are you, Zira? From: Gio HQ ka pa? From: Gio Nasa labas ako ng HQ. From Gio: You should've told me that you're going home with Troye. Para naman 'di ako naghintay nang matagal sa'yo. Parang kinurot naman ang puso ko. I feel bad. Ang sama sama ko kay Gio gayong wala naman siyang ibang ginagawa kung hindi ay alalahanin ako. Nakailang bura na ako sa dapat na irereply ko kay Gio. Anong sasabihin ko? Nakalimutan ko na hinihintay niya 'ko? Damn! E, 'yon naman talaga ang totoo. I forgot him! Sa huli ay nagpasya na akong tumawag sa kanya. "Gio..." Sobra akong nagiguilty sa ginawa ko. Buntong hininga lang ang narinig ko. "I'm sorry. I forgot that you're waiting for me." Sinabi ko rin ang totoo. He took a sigh. "You always forget about me when Troye is around, right? You like him." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "It's not like that, Gio. Magkaibigan lang kami ni Troye." "But you like him." I took a sigh. "I don't." "Then anong pumipigil sa'yo para sagutin ako? Sa panaginip natin ay hindi mo ako gustong mawala. You're in love with me that you wished that we could lasts forever." Nanlaki naman ang mga mata ko. "May naalala ka na tungkol sa panaginip natin?" "A little bit." Malungkot ang boses niya. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko. He's really my Zaivier. I heard him sighing again. "Just tell me kung titigil na ba ako, Zi." Umiling naman ako. "No, Zaiv!" "Ano ang dapat kong gawin, Zira?" I heard the desperation in his voice. Nakagat ko ang ibabang labi ko. "You don't have to do anything. I like you, Zaiv." "E, ako bilang Gio?" Natigilan naman ako. Siya pa rin naman si Zaivier diba? "Of course I like you. Iisa lang naman si Zaiv at ikaw." "Thank you. I'll hang this up." Rinig na rinig ko pa rin ang lungkot sa boses niya. "Ah, Gio!" Nagdadalawang isip pa ko. "Hmm?" "I want to give the assurance that you want." Napapikit pa ako. "What do you mean?" Narinig ko ang excitement sa boses niya. "I'm your girlfriend now." Nakagat ko pa ang ibabang labi ko. Hindi kaya nagpapadalos dalos ako? "Really? Hindi naman kita pinepressure, Zira. I can wait." Nang marinig ko ang tuwa sa boses niya ay para naman akong nabunutan ng tinik. "Gusto ko 'to. But can I ask a favor?" "What is it?" I took a sigh. "Can we just keep us a secret for just a month? You know kagagaling ko lang sa isang relationship ayaw ko na pumangit ang reputasyon ko sa school." "I understand, Zira. And I'm fine with it as long as you're mine." Masayang masaya si Gio nang patayin namin ang tawag. He even called his Mom para sabihin na may girlfriend na siya. And me? I'm happy. Zaivier save my heart pero parang may kulang. "Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Zaiv. Kasalukuyan akong nandito sa veranda habang nakatanaw sa kalmadong dagat, so far this is my favorite spot here in the rest house. "I'm thinking about us." I took a sigh. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. "What about us? Are you backing out? Are you gonna leave me? Do you realize that this is not worth it?" Rinig ko ang takot sa boses niya. I rolled my eyes. "Of course not!" Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Then what were you thinking?" "Kung ang pagmamahalan ba natin ay parang dagat. Malayo pero may hangganan." malungkot na sabi ko. "Hindi ko gusto na matapos tayo, Zaivier, pero kung katulad lang tayo ng dagat ay nakakatakot." "Zira, I love you and I want us to enjoy this moment that we're still together. At kahit tila dagat lang tayo ay mananatili ako sa tabi mo hanggang marating natin ang dulo." Nag-init ang mga mata ko. Ang sakit isipin na mawawala at magkakalayo kami ni Zaivier. Hindi ko gustong mangyari 'yon. Nagising ako na basa ang pisngi ko. I'm crying and I can't remember my dream now. Zaiv is really protecting me from pain. Napangiti ako knowing that Zaivier is Gio, there is no doubt that Zaiv is really a good man. It's just 6:30 in the morning but I'm already done with my morning routines. Kinuha ko na ang bag ko tapos ay bumaba. Nagulat naman ako nang makita si Gio na nakaupo sa sofa. "Good morning, Zi." I smiled. "Good morning, Zaiv." Lumawak naman ang ngiti niya. "O, nakapag-ayos ka na pala." Binigyan ako ng pilit na ngiti ni Mama. "Hindi mo naman sinabi na pupunta pala ang boyfriend mo. Sana ay nakapagluto ako ng mas masarap." I guess nakapagpakilala na siya kina Mama. Umiling naman si Gio. "Okay lang po, Tita." "O, halina kayo. Dito na kayo magbreak fast para makausap naman ni Papa mo si Gio." Nakita ko naman na kinabahan si Gio. Ngumisi naman ako. "Wag ka matakot kay Papa may b***l lang 'yon." Napalunok naman siya kaya natawa ako. Tumikhim si Papa. "Bakit ngayon ka lang nagpunta rito? Hindi noong nililigawan mo si Zira?" Nakagat ko naman ang ibabang labi ko. Gusto kong matawa sa itsura ni Gio ngayon. Sinisindak lang naman siya ni Papa. "Sorry po, ilang beses ko na pong gustong gawin kaya lang po ay wala pa po akong lakas ng loob." "Paano mo maipagtatanggol ang anak ko kung mahina ang loob mo?" "Papa! Tama na nga 'yan. Hindi na makakain si Gio sa'yo, e." Tumawa naman si Mama. "Hay naku, Rafael! Pakiinin mo na ang mga bata at may pasok pa 'yan." "Gio, babalik ka rito at mag-uusap pa tayo na tayong dalawa lang." "Yes po, sir!" I rolled my eyes. Si Papa talaga. "Sorry kung natakot ka ni Papa," sabi ko nang nasa sasakyan na kami. He smiled. "Okay lang. Ang cool nga ng Papa mo. Nakalimutan ko na sundalo nga pala siya." Natawa naman ako. "Sasabay ka ba sa amin maglunch?" tanong ni Queen. Umiling naman ako. "Hindi muna. Sabay kami ni Gio." Tumango naman siya. Ngayong boyfriend ko na si Gio ay dapat lang na sa kanya na ako sumabay sa lunch. Ayoko naman na mag-isip pa siya ng kung anu-ano. Sa Montreal Mall kami naglunch ngayon ni Gio. We should celebrate daw 'cause this is the first day that we're together. "Ako maghahatid sa'yo mamaya, ah?" Tumango naman ako. "Oo, sige." Hinawakan niya ang kamay ko. "Zira, are you happy? Kasi ako I'm so happy. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko." Ngumiti naman ako. "Oo naman." Pero may kulang at hindi ko maipaliwanag. Pinagkumpara ko pa 'yong saya na naramdaman ko nung sinagot ko si Dustin at noong sinagot ko si Gio. Baka kasi first boyfriend ko si Dustin kaya mas masaya 'yong feeling? I don't know. "Natahimik ka?" Umiling naman ako. "Nothing." Bumalik din agad kami sa school matapos naming kumain sa isang Japanese restaurant. "Baka magtagal ang practice namin ngayon. Can you wait for me?" Tumango naman ako. "Sige, sa HQ ako maghihintay." Lumawak naman ang ngiti ni Gio. "I love you..." He whispered. I smiled to him. "Sige." Tapos ay pumasok na ako sa room namin. Sige? Sinabihan ka niya ng I love you tapos sige ang sagot mo? Really, Zira? Napapikit pa ako nang umupo ako sa upuan ko. Maybe because naninibago pa ako. "Parang problemado ka?" Biglang sulpot ni Queen. Should I tell her? Of course, Zira! She's your best friend. At kahit naman maloko ang isang 'yan ay nakakausap naman ng matino 'yan kapag seryosong usapan. "Bakit?" tanong niya. "Kami na ni Gio." "What?" Halos mayanig ang mundo niya. "Are you serious? Baka naman pinagtitripan mo 'ko, Zira Rafaela?" Ngumuso ako tsaka umiling. "Mukha ba akong nagbibiro at nantitrip?" "Hindi kaya nabibigla ka lang?" I took a sigh. "Sigurado na ako na siya si Zaivier." "E, sigurado ka ba kay Gio?" "Siya si Zaiv." "Mahal mo ba siya?" Natigilan ako sa tanong ni Queen. Ni hindi ko nabigkas ang mga salitang 'yon sa kanya. Hindi nga kaya ay nabibigla lang ako? Masyado lang akong naoverwhelmed sa isipin na siya si Zaivier? Oh, My God! Ngayon ko pa naisip 'to. Kahit naman ano pang kalabasan ng pag-iisip ko na ito ay hindi ko na mababawi ang desisyon ko. Teka! May balak ba akong bawiin? No, Zira! You're not an evil to do that to Gio. Remember how he healed you? Binuhos ko na lang sa practice game namin ang stress ko. Hindi naman ako padalos dalos magdesisyon kaya sigurado ako na tama lang ang naging desisyon ko na sagutin na si Gio. "Baka naman mapilayan ka sa sobrang bibo mo," pag-aalala pa ni Eleanor. Umiling naman ako. "Hindi, ah." Papunta palang ako ng HQ nang makasalubong ko si Troye. Bigla ay gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Halos mabingi kasi ako sa lakas ng t***k ng puso ko at ngayon ay tila lalo akong napapaisip sa naging desisyon ko. "Zira." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag niya dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Ewan ko pero parang kinukurot ang puso ko ngayon na nasa harapan ko si Troye. There is unexplainable pain that I'm feeling right now. Para saan? Bakit ang sakit? "Can I walk you home, again?" Umiling ako tsaka siya nilapamsan at kasabay noon ay tila sinasaksak ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD