DREAM 11

2038 Words
"Anong pinagsasabi mo kay Mama, Troye?" Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap niya. Matalim niya lang akong tinignan tapos ay tumayo na. "Nasaan si Mama mo? Aalis na 'ko." "Teka lang!" pagpigil ko sa kanya. "Bakit mo sinabi kay Mama na nililigawan mo 'ko?" "Ano bang gusto mong marinig na dahilan?" seryosong tanong niya. Natahimik naman ako. "Nag-aaway ba kayo?" Biglang sulpot ni Mama. "Hindi po, aalis na po kasi ako pero ayaw akong payagan ni Zira." Namilog naman ang mga mata ko habang itong si Troye ay ngising ngisi. "Zira, ano ka ba naman! Galing kayong outreach program, malamang pagod na 'tong si Troye." Naningkit ang mga mata ko kay Troye. "Umalis ka na nga bwiset ka!" inis na sabi ko tsaka padabog na umakyat sa taas. Ano bang problema ng isang 'yon? May sapak ba siya sa utak? Itinulog ko na lang ang inis na nararamdaman ko. Nang magising ako ay agad kong hinanap ang phone ko para magbukas ng social media account. Ang dami kong notifications at dahil iyon sa pinost ni Queen na picture namin ni Troye. Ito 'yong nasa may view kami ng sunrise. May something ba sa kanila? Bagay sila! Madalas sila magbreakfast sa umaga. Sabi na e, may something Ilan lang 'yan sa mga comment ng mga ka-school mate namin. Napakamot naman ako sa ulo. Titigilan ko na sana magbasa ng mga comment nang mapansin ang comment ni Troye. Siguro naman titigil na 'yong mga nagbabalak umaligid kay Zira. Kumunot naman ang noo ko. Ano bang sinasabi mo, Troye? Nakaramdam naman ako ng inis sa lalaking 'yon. Ano na lang ang mararamdaman ng girlfriend niya? Hindi ako assumerang tao at hangga't maaari ay hindi ko iniisipan ng motibo ang mga bagay bagay pero itong comment ni Troye, it's obvious na pinapalabas niyang totoo ang mga espekulasyon ng mga tao sa amin. Biglang may nagpop up na message. Gio Salvatore: Kayo ba ni Lacosta? Akala ko ba ay wala kang boyfriend? I rolled my eyes. Nagreply ako kay Gio para sabihin na walang namamagitan sa amin ni Troye. Sinubukan kong tawagan si Troye pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Kaya kinabukasan ay maaga akong nag-ayos ng sarili. Hindi ako sigurado kung nasa Hideout ba si Troye pero hindi na 'ko makakapaghintay mag-Lunes para kausapin siya. Sarado ang Hideout at kinakabahan na ako na baka wala nga si Troye dito. Baka mamaya ay nasa kanila 'yon. Hindi ko pa naman alam ang bahay niya. Nakailang doorbell ako bago lumabas ang iritadong si Troye. "What the f**k, Zira? Ang aga aga. At anong ginagawa mo rito?" Pinagkrus ko ang mga braso ko. "Hindi ako magtatagal, Troye. Gusto ko lang linawin mo na walang namamagitan sa atin!" Walang ekspresyon niya akong tinignan. "Iyong comment mo! Ano ba naman 'yon? E, ano naman sayo kung may umaligid sa-" "So, gusto mo nga na may umaligid sa'yo?" He clenched his jaw. "At ano naman 'yon sa'yo?" matapang na tanong ko. "Mukhang totoo nga ang narinig ko tungkol sa'yo, na masyado kang babaero!" Halata ang pagkabigla sa mukha niya. Sa inis ko ay aalis na lang sana ako pero hinila niya ako papasok sa loob ng Hideout. Isinandal niya ako sa pader at hinarang ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko. "What are you saying?" matigas na tanong niya. "Hindi ba ang katulad mo na parang walang pakialam sa mundo ay babaero pala!" Mas inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Paano mo nasasabi na babaero ako kung ikaw lang naman ang babae sa buhay ko, Zira?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Troye. Nanlamig din ang sikmura ko at parang may nagtatambol sa puso ko. Hindi ko alam pero nasampal ko si Troye. "Paano mo rin nasasabi 'yan Troye? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman ng girlfriend mo?" "Wala akong girlfriend, Zira." Buong lakas ko siyang itinulak. "Ganyan ang mga sinasabi ng mga babaero! Na wala silang girlfriend! Pero hindi mo ako mauuto, Troye, at kahit naman wala kang girlfriend ay hindi ikaw ang tipo ko!" Tumalim lalo ang mga titig sakin ni Troye. He greeted his teeth. "At sinong tipo mo? Iyong Gio Salvatore?" Matapang ko siyang tinignan. Pinantayan ko ang matatalim na titig niya. "Yes cause he's better than a playboy like you!" Pagkasabi ko noon ay nagwalk out na ako. Galit ako. Galit ako at nalulungkot ako para kay Shaneya dahil naranasan ko rin ang lokohin and I will not tolerate cheating dahil sobrang sakit noon. Bukod sa wasak ang puso mo ay iisipin mo pang hindi sapat ang isang tulad mo. Pagdududahan mo ang sarili mo dahil pinagpalit ka, dahil pakiramdam mo maraming kulang sa'yo. Dumerecho ako sa bahay ni Queen. "Zira, napasugod ka?" "Queen, ano ba! Bakit mo pa pinost 'yong picture namin ni Troye?" Halatang nagulat si Queen sa reaksyon ko. "Hindi ba nga kinuwento ko na nga na pinagseselosan ako ni Shaneya." "Wala namang issue 'yong picture, ah? Pinost ko kasi nagandahan ako sa shot na 'yon." "Kung sa atin wala, sa iba meron. Kaya sige na, burahin mo na!" Napairap naman si Queen. "O, ito na! Ang init ng ulo girl, ah?" "Galing ako kina Troye." "Tapos?" "Nag-away kami. Tama nga si Kuya, babaero nga isang 'yon." Ngumuso pa ko. "Bakit? Nagconfess ba siya sa'yo?" excited na tanong niya. Kumunot naman ang noo ko. "Confessed ba 'yon?" "Bakit? Ano bang sinabi niya?" Nagdadalawang isip pa ko kung ikukwento ko kay Queen dahil maski ako ay may weird na nararamdaman. "Ang sabi niya ay, paano mong nasasabi na babaero ako kung ikaw lang naman ang babae sa buhay ko, Zira? Kalokohan niya!" "Oh, My God!" Nagtitili pa si Queen "Hoy, Queen! Ano ba? 'Di ba may girlfriend na 'yong tao?" Gusto ko ring sabunutan 'tong kaibigan ko, e. "Wala nga base sa sinabi ni Troye. Ikaw nga lang daw ang nag-iisang babae sa buhay niya!" "E, kasi nga babaero siya! Ganyan din 'yong sinabi ni Dustin kay Penelope na wala na kami, mas matindi pa nga 'to si Troye dahil ang sa kanya wala siyang girlfriend." "Bahala ka nga, Zira Rafaela!" Nainis pa sa akin si Queen. Buong araw akong badtrip. Akala ko pa naman ay napakatinong tao ni Troye. Bilib na 'ko sa pagiging gentleman niya kahit naknakan siya ng sungit pero babaero rin pala talaga. Patulog na ako nang magvibrate ang phone ko. Akala ko ay si Troye na ang nagtext sa akin pero si Gio pala. From: Gio Can I call? To: Gio Sorry, patulog na kasi ako. Mabilis naman siyang nagreply. From: Gio Ganoon ba? Sige bukas na lang, ah? Good night, Zira. Hindi na ako nagreply at hahayaan ko na lang na isipin niya na nakatulog na ako. "Zaivier?" Kakarating ko lang at nakasara ang pinto nitong rest house. Ilang beses pa akong kumatok pero walang sumasagot kaya naman nagpasya na akong pumasok sa loob. "Zaivier?" Baka naman nasa taas siya? Pinihit ko ang door knob ng isang kwarto dito sa baba. Wala rin sa loob si Zaivier. Nakaramdam na ako ng kaba. Relax, Zira! Hindi mo pa nalilibot itong rest house. Habang nililibot ko ang unang palapag nitong rest house ay paulit ulit na nageecho sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Zaivier noon. Kung sakaling bumalik ka at wala na ako ay hindi mo na ako mahahanap pa. Hindi na ako babalik sa pagkakataong 'yon at ang gusto ko ay kalimutan mo na ko. Ipinilig ko ang ulo ko. Paakyat na ako sa taas nang may magtakip ng mga mata ko. "Looking for me?" Nang marinig ko ang boses niya ay napahagulhol ako. "Zira, anong problema?" Nataranta naman si Zaivier. Lalong lumakas ang paghagulhol ko. "Akala ko ay wala ka na." "Ha? Saan naman ako pupunta? Nanghuli lang ako ng isda para may makain tayo pagdating mo." Sinuntok ko naman ang dibidib niya. "Para saan iyon?" tanong niya. "Tinakot mo ako, Zaivier!" Hinaplos niya ang pisngi ko para punasan ang mga luha ko. "I will never leave you, Zira. I'll fight for us no matter what. Kahit sino pang kalaban ay ipaglalaban kita." Nagising akong umiiyak. Ano ba naman 'tong nangyayari sa akin? Bakit ba napapanaginipan kita, Zaivier? Pinunasan ko ang mga luha ko. Kahit na umiiyak ako ay magaan ang loob ko. Parati mo na lang pinapagaan ang loob ko. Sana totoo ka na lang, Zaivier. Sana talaga. Nang mag-Lunes ay hindi na ako maagang pumasok. Dito lang ako sa bahay nagbreak fast. Maganda ang mood ko dahil maganda ang panaginip ko. Hindi ko man naaalala ang mukha ni Zaivier ay may parte sa akin na malakas ang pag-asa na magkikita kami. Noong una ay hindi ko pinapansin ang panaginip kong ito pero ngayon ay hindi ko na pwedeng hayaan na lang. May dahilan kaya ko napapanaginipan ang lalaking 'yon, hindi ako naniniwala sa soulmate pero kung siya nga ang soulmate ko ay sobrang saya ko. Hindi na ako makapahintay na maggabi at matulog para makita ko na ang soulmate ko. Malapit na ako sa room nang makasalubong ko si Shaneya. Nag-iwas agad siya ng tingin sa akin. I feel so guilty kahit na wala naman akong ginawang masama. Buong klase ay hindi mawala wala sa isip ko si Shaneya. Kailangan ko ba magsorry sa kanya? Pero kapag ginawa ko 'yon baka naman ang kalabasan ay may kasalanan nga ako? "Zira!" Napaigtad ako sa gulat nang sumigaw si Queen. "Bakit ka ba sumisigaw jan?" "Hello! Kanina pa kaya kita tinatawag. Ano ba kasing iniisip mo?" Ngumuso naman ako. "Dapat ba ko magsorry kay Shaneya?" "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong niya. "Wala lang. Nagiguilty ako, e." "Bakit ka naman nagiguilty? E, wala ka namang ginawang masama, ah? O baka guilty ka kasi gusto mo rin si Troye." Nangingisi pa siya. "Of course not! I like someone else." "Sino? Si Gio ulit?" Umiling naman ako. "Si Zaivier," sabi ko sabay ngiti. "Ha? Iyon 'yong lalaki sa panaginip mo, 'di ba?" Tumango naman ako. Akala ko ay sasabihan ako ni Queen na nababaliw na pero hindi. Sa ganito nga palang bagay ay naniniwala si Queen, sa mga fairytales at kung ano ano pang hindi naman kapani-paniwala. Nakasanayan nanamin na sumabay kina Eiron kumain kaya naman dumerecho kami sa table kung nasaan sila. "O, kayo pala 'yan, Queen, Zira," sabi ni Kier sabay ngiti. Bigla namang tumayo si Troye. "Mauna na ako." Walang ekspresyon na sabi niya tsaka umalis. "Saan pupunta 'yon?" tanong ni Queen. Nakibit balikat naman sila. So galit siya? Siya pa ang galit? At anong ikinagagalit niya? "Zira, parang sobrang higpit naman ata ng pagkakahawak mo sa kutsara at tinidor." Ininguso pa ni Josh ang hawak ko. Umangat ang sulok ng labi ko. "Nakakainis kasi ang kaibigan niyo!" Maging ako ay nagulat sa sinabi ko. "Ha? Nag-away ba kayo ni Troye?" Takang taka si Vince. Hay! Bakit ba masyado akong affected? "Nag-away, may isang nagconfess at may isa namang nagalit," sabi ni Queen sabay iling. "So nabasted si Troye?" Gulat na tanong ni Eiron. Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Kaya naman pala ang init ng ulo ni gago." Natatawa pa si Kier. "Palagi namang mainit ang ulo ng isang 'yon!" sabi ko. "Pero iba ngayon, iba," sabi ni Eiron sabay ngisi. "Tama ang ginawa mo, Zira. Para naman maramdaman niya rin kung paano masaktan. Sa tuwing may mga nagugustuhan ako ay parating si Troye ang gusto," sabi ni Josh sabay tawa. "Ganun din sa akin, Josh," sabi naman ni Kier. "Grabe naman kayo kay Troye! Kasalanan niya bang gwapo siya?" "At anong gusto mong sabihin, Queen? Na pangit kami?" nanggagalaiting tanong ni Kier. Nagtawanan naman kami. "Wala akong sinabing ganoon, kayo ang nag-isip niyan." Humagalpak sa tawa si Queen. Tinignan lang siya nang masama ni Kier. "Pero, Zira, binasted mo talaga si Troye?" tanong ni Vince. "Sinabi ko lang na hindi ko siya gusto." Gulat na gulat naman sila. "Hindi nga? Nasabi mo 'yon?" Tumango ako. "Hindi ba nagbuga ng apoy 'yong dragon?" Natawa naman ako sa tanong ni Josh. "Si Troye Lacosta ay nabasted. Wow!" Sa reaksyon nila ay parang napakaimposible na tanggihan ang isang Troye Lacosta, siguro napakarami na talagang babae ang napaglaruan niya. "Kawawang Troye, ngayon na nga lang nagkagusto sa isang babae ay nabasted pa," komento ni Eiron. Nagkatinginan naman kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD