Chapter 4
Kisses’s Pov
NAGBIBIHIS ako dahil papasok ako sa school ngayong araw. Ika-tatlong araw ko ngayon na nandito ako nakatira sa bahay ni Ninong. Wala akong pinagsisihan kahit pa nga ako ang tagahugas ng pinggan. Ayos lang sa akin dahil dalawang pinggan lang naman ang huhugasan ko. Hindi katulad sa bahay ng tiyahin ko na patong-patong ang hugasin ko.
Mas gugustuhin ko pang pagsilbihan si Ninong kaysa sa pamilya ng tiyahin ko.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at umikot ikot pa ako sa harapan upang tignan ang ayos ko.
Nakasuot lang ako ng skirt na hindi naman masyadong maikli. Pinartneran ko ito ng maluwag na blouse na kulay purple.
Inayos ayos ko din ang buhok ko habang nakangiti sa salamin. Laging maganda ang gising ko dahil maganda ang kwarto ko at walang nagtatalak sa akin.
Pero napasobra yata ako ng hiling dati na sana ay wala nang tumalak sa akin at walang nag-uutos. Paano ba naman kasi, nasobrahan sa tahimik si Ninong. Hindi nagsasalita kapag kumakain kaming dalawa. Minsan nga ay sinasaway niya ako lalo na kapag dalda ako ng daldal habang kumakain. Gusto ko lang naman sana siyang makakwentuhan pero suplado naman siya masyado.
Hindi na ako magtataka pa dahil 38 years old na siya. Ganun naman talaga kapag ganun ang edad, ayaw ng maingay. Kaya nauunawaan ko siya at tatahimik na lang din ako upang hindi siya magalit sa akin.
Kinuha ko na ang backpack ko dahil ready na akong umalis. Tapos na akong nag-almusal kanina. Ako lang mag-isa ang kumain dahil wala si Ninong. Mukhang natutulog pa yata siya kaya hindi ko siya makita.
Nang makalabas ako ay tinungo ko agad ang hagdan. Panay pa ang ayos ko sa buhok ko habang bumaba. Pinagdarasal na sana ay gising na si Ninong dahil wala akong baon. Kailangan ko ng pera niya.
Dininig ang dasal ko at nakita ko si Ninong. Napangiti agad ako habang pinagmamasdan siyang nakaupo sa pang isahang upuan habang may binabasang libro.
Agad akong lumapit kay Ninong para manghingi ng baon. “Good morning po, Ninong!” Bati ko sa masiglang boses.
Dahan-dahan naman siyang tumingin sa akin. Ngumiti ako nang magtagpo ang tingin namin dalawa. “May niluto na po akong almusal, Ninong. Initin mo nalang po kung gusto mo,” wika ko.
Bumaba pa ang tingin ni Ninong at hindi pinansin ang sinabi ko. Paano ko na kasi sasabihin na manghihingi ako sa kanya ng baon sa school. Nahihiya akong magsabi pero wala kasi akong pera dito kahit pisong duling.
“What on earth are you wearing?” tanong niya kaya agad akong tumingin sa suot ko.
“Damit po, Ninong,” patay malisya kong sagot.
“Go change.” sabi niya kaya napanguso ako.
“Bakit naman po, Ninong? Wala naman pong problema sa suot ko. Hindi din naman po masyadong maikli ang skirt ko. At isa pa, malalate na po ako sa school kapag nagpalit pa ako,” depensa ko sa kanya habang inaayos ayos ang suot kong palda.
“Just do what I said, Kisses. Go to your room and change. That skirt doesn’t look good on you.” madiin niyang sabi saka niya ibinalik ang tingin sa binabasa niyang libro.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya sinunod dahil nakakapagod kayang umakyat ng hagdan. At isa pa, tinatamad na akong maghanap ng pantalon at magsuot. Mas mabuti pa siguro kung hindi na lang ako pumasok sa school kung susundin ko siya.
Wala naman sanang problema sa skirt ko. Hindi naman masyadong maikli. Hindi daw maganda sa akin sabi ni Ninong eh pabrito ko nga ang skirt na ‘to eh. Mahilig kasi ako sa skirt kaysa sa pantalon. Nakakapagod kasi kapag nagpapantalon ako at mainit din sa binti.
Inilahad ko na lamang ang kamay ko sa harapan ni Ninong para humingi ng baon. Wala ng hiya-hiya para makaalis na ako sa harapan niya.
“Hindi po ako magpapalit, Ninong. Pahingi na lang po ng baon ko sa school para makaalis na po ako,” lakas loob kong sabi habang nakalahad ang kamay ko.
Nag-angat muli ng mukha si Ninong kaya nagtagpo ang tingin namin dalawa. Napanguso ako dahil kinakabahan ako sa titig niya. Sana ay bigyan niya ako nang baon.
“Wala po kasi akong pera, Ninong. Si Tita po binibigyan po niya ako ng 150 pesos,” pagkukwento ko upang bigyan niya ako. Bahala na kung magkano ang ibigay niya sa akin. Kung maliit man ay pagkakasyahin ko na lamang kaysa sa wala akong baon.
Agad siyang may kinuha sa likod ng pantalon niya. Nakasunod lang ang tingin ko hanggang sa ilabas niya ang wallet niya. Lihim akong napangiti dahil alak kong binigyan niya ako ng pera.
Kumuha siya ng one thousand saka niya ipinatong sa table at inusog papunta sa akin. Excited akong kinuha ito dahil ang laki ng baon ko. Galante pala si Ninong. Tama lang talaga na sumama ako sa kanya.
“Utang mo ‘yan sa akin, Kisses.” biglang sabi ni Ninong.
“Po? Utang ko? Hindi po ba bigay ‘to?” nagtataka kong sabi.
“Utang mo ‘yan. Saka na ako maniningil sa’yo,” aniya sa makahulugang boses.
Hindi nalang ako sumagot at tumango na lamang ako dahil wala naman akong magagawa. Akala ko pa naman ay bigay niya ito ss akin, utang pala.
Ano naman ang ibabayad ko sa kanya eh wala naman akong trabaho. Kainis! Saan kaya ako kukuha ng pangbayad kung sakali man na maningil siya. Alangan namang bulbol ang ibayad ko.
“Anyway, ayaw ko nang makitang magsuot ka ng skirt, Kisses. Pumapasok ka sa school kaya dapat nakapantalon ka,” sabi niya na pinag-iinitan na naman ang suot kong palda. Eh minsan nga lang ako magsuot ng palda. Masyado talagang pakialamero si Ninong.
“Pasensya na po, Ninong. Pero dito po kasi ako komportable. Nakakatamad po kayang magsuot ng pantalon lalo na po ngayon na summer.” depensa ko upang hindi na niya ako kontrahin pa.
“Matigas pala ang ulo mong bata ka,” sabi niya kaya napangiwi ako sa sinabi ni Ninong.
“Ahm.. wala naman pong ulo na malambot, Ninong. Yung bagong silang siguro na sanggol, pwede pa..” sagot ko kaya pinukol niya ako ng masamang tingin.
Napanguso tuloy ako dahil tama naman ang sagot ko eh. Tapos gagalit-galit siya. Hindi naman talaga malambot ang ulo ko.
Hindi na siya nagsalita pa at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan. “Ihahatid kita sa school mo,” malamig niyang sabi kaya napakurap kurap ako nang ilang beses.
“Sigurado ka po ba, Ninong? Hindi ka po ba busy? Kasi kung busy ka ay kaya ko naman pong mag commute ng mag-isa.” sabi ko at humina na ang pagkakasabi ko sa dulo dahil matalim niya akong tinignan. “Sabi ko nga ihahatid mo ako.” pagsusuko ko saka ako naglakad papunta sa main door. Nauna akong lumabas sa kanya para hindi na siya magalit pa sa akin. Ngayon ko lang kasi nalaman na madali pa lang mapikon si Ninong.
Mas mabuti na rin na ihatid niya ako sa school para hindi mabawasan muna ang pera ko na binigay niya. Tuwang tuwa kasi ako dahil ang laki ng pera na binigay niya. Hindi ko inaasahan na galante si Ninong. Akala ko nga ay 200 pesos lang ang ibibigay niya sa akin eh. Mali pala ako.
Nang makalabas ako ng bahay ay huminto na muna ako sa paglalakad dahil hindi ko alam kung anong gagamitin ni Ninong. Tatlo kasi ang kotse niya na nandito sa garahe.
Lumingon ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sa ibabang parte ng likod ko. Ngunit nang humarap ako sa kanya ay mabilis niyang iniwas ang tingin niya.
Hindi ko nalang pinansin ang titig ni Ninong kanina dahil kailangan na niya akong mahatid sa school. “Anong kotse po ang gagamitin mo, Ninong?” tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot, bagkos ay naglakad siya papunta sa kotse niyang BMW. Sumunod ako sa kanya at dali-dali kong binuksan ang passenger seat. Pumasok din naman si Ninong sa driver seat at agad na binuhay ang makina ng kotse.
“Nga pala, Ninong.. saan ka po nagtatrabaho? o may negosyo ka po siguro dahil hindi ka po masyadong nagmamadali sa buhay mo.” sabi ko sa kanya habang pinapausad niya ang kotse.
Hindi na naman siya sumagot kaya napanguso ako. Tamad talaga si Ninong makipag usap sa akin. Yun talaga ang napansin ko sa kanya. Pero naisip ko kasi na matanda na si Ninong kaya malamang mas gusto niya ng tahimik na buhay.
“Hindi mo na dapat malaman kung anong trabaho ang meron ako, Kisses.” sabi niya habang naka focus ang tingin sa daan.
“Bakit naman po, Ninong?” Nagtataka kong tanong.
Hindi na naman siya sumagot kaya napangiwi ako. Napakamot na lang talaga ako sa likod ng ulo ko. Ang boring kasama ni Ninong. “Mamayang hapon po pala, Ninong, wag mo na lang po akong sunduin. Pero pahingi po ako ng address ng bahay mo para mahanap ko po agad,” sabi ko sa kanya at iniba na lang ang usapan.
“At sino namang may sabi sayong mag commute ka mamaya?” tanong niya at agad akong nilingon. Nakita ko tuloy kung paano nagkasalubong ang dalawa niyang makakapal na kilay.
“Kasi ayaw ko pong makaistorbo sa’yo, Ninong. Baka po kasi may importante kang gagawin. Kaya ko naman pong mag-commute, uuwi din po ako sa tamang oras basta hindi po traffic.” nakanguso kong sabi.
“Susunduin kita mamaya.” sabi niya sa baritonong boses. Mas lalo akong napanguso dahil ayaw kong sunduin niya ako. Ang boring niya kasing kasama. Kapag tinatanong hindi sumasagot. Parang timang kasi.
Hindi na lang ako sumagot kay Ninong at hinayaan siya sa desisyon niya sa buhay. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at tinatandaan ang mga nadadaanan namin.
Lumipas lang ang isang oras ay nakarating na kami sa harap ng University kung saan ako nag-aaral. Agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat para bumaba. Ngunit bigla akong may naalala kaya lumingon ako kay Ninong saka inilapit ang mukha ko sa kanya.
Humalik ako sa pisngi niya tulad ng ginagawa ko sa papa ko dati nong nabubuhay pa siya at hinahatid ako sa school nong bata pa ako. Naramdaman kong nanigas si Ninong sa ginawa ko. Mabilis kong inilayo ang mukha ko sa kanya. “Thank you po sa paghatid, Ninong.” sabi ko at ngumiti nang napakatamis sa kanya.
“Si Papa ko po kasi ang naghahatid sa akin sa school noong bata pa po ako. Kapag bumababa po ako sa kotse niya, humahalik po ako sa pisngi niya. Ngayon na wala na po si Papa at kinupkop niyo po ako, ituturing ko na lang po na kayo ang pangalawang Papa ko. Kaya hahalik po ako sa inyo kapag hinahatid niyo po ako sa school.” mahaba kong sabi at kinapalan ko na ang mukha ko. Ang pangalawang ama ko naman talaga ay siya dahil siya ang ninong ko.
Hindi nakasagot si Ninong. Tumikhim pa siya at mabilis na nag-iwas ng tingin. “Bumaba ka na at pumasok sa school.” sabi ni Ninong habang hindi ako nililingon.
“Okay po, Ninong. Mag-iingat ka po sa pagmamaneho.” bilin ko sa kanya saka ako bumaba ng kotse. Isinara ko ang pinto at nagmamadali akong maglakad papunta sa gate.
Papasok na sana ako nang maisipan kong lingunin si Ninong. Nang makalingon ako ay nakita kong umandar na ang kotse niya at pinaharurot pa talaga niya ito. Napangiti na lamang ako saka ko ibinalik ang tingin sa harap at naglakad ako papasok ng gate. Ito ang unang beses na pumasok ako sa school na hindi tagaktak ang pawis ko dahil sa sobrang init at siksikan sa jeep. Ngayon ay fresh na fresh akong pumasok sa school.
Author’s Note: Sa mga bagong nagbabasa dito kay Ninong Thiel ay pa-add po sa library ang story para may notif kapag may bago akong update. Try ko pa mag update dito mamayang gabi kapag natapos akong magsulat sa mga story ko na ongoing din. Anyway, may post po akong picture ni Ninong Thiel sa f4c3book ko. Search niyo lang po ang account ko na Cruz Wp.