Chapter 38 Kisses’s Pov TAHIMIK akong nakaupo dito sa passenger seat habang nagmamaneho si Ninong Thiel. Pauwi kami sa bahay niya. Sabi kasi ni tita ay umuwi na muna daw ako at siya na muna daw ang mag aasikaso kay tito. Darating naman daw ang kapatid ni tito dahil natawagan na daw niya ito kaya may tutulong na daw sa kanya para mag ayos sa bahay nila at doon dadalhin si tito para paglamayan. Napansin ko na panay tingin si Ninong sa akin. Hindi ko magawang lumingon sa kanya at magsalita dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nalaman ko. Nasasaktan ako sa mga nalaman ko. “Ayos ka lang ba, Kisses?” tanong sa akin ni Ninong. Tumango tango naman ako kahit ang totoo ay hindi ako okay. Gusto kong humingi ng sorry sa kanya pero hindi ko naman alam kung saan mags

