Chapter 3

3792 Words
‘’Kaya kong umuwi mag-isa.’’ Sabi ko, sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa malapad niyang mga palad pero lalong humigpit ang pag hawak niya doon. “You almost hit by a car, you think kakayanin ng konsensya kong hayaan kang umuwi mag-isa sa bahay niyo?’’ Ma otoridad na sinabi niya. I scoffed at tumitig sa kanya. ‘’Alam mo? Ewan ko sayo, kung makapagsalita ka daig mo pa ang Papa ko ah, hm?’’ Itinaas ko ang isang kilay ko at tinaliman pa lalo ang tingin sa kanya. Pinalo ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero hindi pa rin siya bumitaw. Pinisil niya ang kamay ko. Lalong naging seryoso ang itsura niya ngayon. His lips formed in a thin line, ang eyebrows niya ay halos magdugtong na rin. Lalong naging intimidating ang dating niya, ang kabang kanina ko pa nararamdaman ay dumoble pa. “We are soaking wet, so we have to go, pwede?’’ Baritono niyang sinabi. Hinila na niya ako, gustuhin ko man magreklamo ay wala akong nagawa. Sumunod ako sa kanya patawid sa kalsada, wala naman nang sasakyan na dumaan doon. Patak ng ulan at tilamsik nito sa semento at ang yapak namin ang tanging naririnig na tunog. Diretso ang lakad niya halos tumakbo na ako dahil sa laki ng hakbang niya. Sandaling lumipat ang tingin ko sa braso niyang malalaki ang ugat, ang kulay kahel na ilaw sa kalsada ang nagsisilbing liwanag doon. Napakunot ako ng noo nang maisip ko kung alam niya ba kung saan ang bahay namin. Hinila ko ang kamay kong hawak niya dahilan para lingunin niya ako. ‘’What?’’ Baritonong tanong niya. Tumaas ang dalawang makakapal na kilay niya. ‘’Bitiwan mo na ako.’’ Sabi ko. Ngumuso pa ako at hinila iyon. Umuwang ang bibig niya pero wala naman siyang sinabi, naramdaman ko na lang na lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Pero hindi pa niya iyon lubusang pinakawalan. ‘’Hindi mo naman alam ang bahay namin diba? Kaya ako ang dapat maunang maglakad, ako ang dapat sinusundan mo. Hindi ako ang sumusunod sayo.’’ Sabi ko. Bahagya siyang tumango, hindi nakaligtas sa aking mga mata ang multo ng ngiti sa gilid ng labi niya. He let go of my hand. Sandali kong hinaplos ang kamay ko dahil mainit iyon. Lumiko ako sa iskinetang papasok sa bahay namin. Medyo madilim dahil walang ilaw ang poste. Nilingon ko ang lalake, ano ba kasi ang pangalan nito? Hinahawi niya pataas ang buhok niyang basang-basa. Ngayon ko lang napansin na maamo din pala ang mukha niya kapag hindi salubong ang kilay niya. ‘’Dito tayo,’’ sabi ko na lang at nag-iwas ng tingin sa kanya. Dinig ko ang mga yapak niyang sumusunod naman sa akin. Tatlong magkakasunod na bahay ang walang ilaw na nadatnan namin. Sa di kalayuan ay may narinig akong nagtatawanang mga lalaki, hindi ko alam kung bakit nakaramdam na naman ako ng matinding kaba. Lalo na noong narinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki. Si Rico, ilang beses ko na iyong binasted. Pero patuloy pa rin siya sa pangungulit sa akin. Nang malapit na kami sa bahay kung saan naroon ang mga nag-iinuman ay muli akong tumigil at nilingon muli ang lalakeng kasama ko. Alanganin akong ngumiti sa kanya. Kumunot ang noo niya. ‘’Ano nga pala pangalan mo?’’ Nakakunot ang noo kong nagtanong. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi ko. ‘’Daniel Montefalco.’’ Pormal niyang sagot. “Hmm.’’ Tumango-tango sa kanya at muling nagpatuloy ng paglalakad. Lalong naging bayolente ang t***k ng puso ko noong matapat na kami sa mga lalakeng nag-iinuman. Natigil sila sa tawanan at nilingon ako. Nasa loob sila ng teres sa bahay nila aling Miling. ‘’Oh, Cate? Ginabi ka ah? Saka bakit nagpaulan ka?’’ Tanong ng isa sa grupo nila. “Naabutan.’’ Sagot ko. “May kasama ka ah,’’ Si Rico, tumayo siya sa inuupan niya. Masakit ang titig niya kay Daniel. “Sino iyan?’’ Tanong niya ulit, tumaas pa ang isang balikat. Siguro ay para ipakita na astig siya. Gusto ko siyang tawanan sa ginawa niya. Kasi naman kung ihahalintulad ang braso niyang tila braso ng isang bagito sa braso ni Daniel ay walang binatbat iyon. Nilingon ko si Daniel ngayon ay nakapamulsa, salubong nanaman ang kilay niya. Hinila ko ang kamay niya. Siguro ay nagulat siya sa ginawa ko dahil nakatingin siya sa mga kamay ko. Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring magseryoso. “Ah, ahmm… Si Daniel boyfriend ko.’’ Sagot ko kay Rico. Napatingin lahat ng kasama niya sa amin. Halos sabay-sabay pa silang tumango. Habang si Rico naman ay nanatiling nakatayo masakit ang tingin niya kay Daniel. Hanggang makalagpas kami doon ay hawak ko pa rin ang kamay ni Daniel. Halos hindi ko iyon mahawakang maigi dahil sa lapad at laki. Hinihintay ko siyang magtanong o magreklamo sa ginawa ko kanina pero wala naman siyang imik. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kasama. Natatakot kaya siya sa grupo ni Rico o talagang hindi lang siya mahilig magsalita? Tinulak ko ang kinakalawang na naming gate ng makarating sa bahay namin, lumagitgit iyon. ‘’Bubuksan ko lang ang bahay,’’ Paalam ko kay Daniel. Tumango siya sa akin. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng bag ko at binuksan ang pudlock. Kinapa ko rin ang switch ng ilaw sa gilid ng hamba. Umilaw sa loob at sa labas. Pagkatapos ay nilingon ko si Daniel na ngayon ay sinasarado ang gate. “Hayaan mo na iyan,’’ Sabi ko. Hindi siya nakinig, sinarado niya pa rin, tapos ay naglakad na siya palapit sa akin. Pinagmasdan ko siya. The way he walk is unique. Ngayon lang ako nakakita ng ganito, tila tamad ang bawat galaw niya. He moved fluidly yet sexy. ‘’Halika, pasok ka.’’ Nginitian ko siya. Kumunot ang noo niya noong masulyapan ang kabuuan ng sala namin. Nakaramdam ako ng hiya. ‘’Pasensya ka na sa bahay namin. Hindi kami mayaman. Mahirap lang kami,’’ sabi ko. ‘’No, it’s okay. You have a good house. Mag-isa mo?’’ Seryoso niyang sinabi. ‘’Hmm…Hindi. Nasa Hospital ang Mama ko at mga kapatid ko.’’ Paliwanag ko. Tumango siya at pumasok na sa loob. Tinignan ko muna sa labas medyo huminahon na ang kaninang malakas na ulan, bago isinarado ang pinto. Umupo si Daniel sa upuan na yari sa kawayan. Lumagitgit iyon. ‘’Sandali lang, ikukunan kita ng pamalit mo. May mga damit pa naman ang Papa kong naiwan. Kasya mo siguro iyon.’’ Sabi ko. Nilagpasan ko siya at nagtungo na ng kwarto upang ikuhanan siya ng tuwalya at pamalit. Naglabas ako ng malinis na tuwalya sa durabox at kinuha rin ang gray jersey na short ni Papa. Hindi na niya iyon na suot kahit minsan. Kumuha din ako ng T-shirt, binuklat iyon at inamoy. Amoy naptaline ball iyon, kaya naisip kong hanapan siya ang ibang T-shirt. Binuksan ko ang isa pang durabox pinili ko ang pinakamalaking T-shirt na mayroon ako. Kulay puti iyon at may tatak ng pangalan ko sa likod. Unisex kaya pwede sa kanya. Hindi ko din naman iyon madalas isuot dahil parang bistida ang dating sa akin. Agad din akong lumabas nang makuha na lahat ang kailangan ni Daniel. Babalik na lang ako mamaya para magpalit. Nadatnan ko siyang pinagkikiskis niya ang mga palad niya. Siguro ay sobrang giniginaw na siya. Tumigil siya noong nilingon niya ako. Seryoso ang itsura niya. ‘’Ito oh, magpalit ka muna. Baka magkasakit ka.’’ Sabi ko at inabot sa kanya ang puting tuwalya, short at T-shirt. Mabilis niyang hinubad ang T-shirt niya. Dahilan para mag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mabilis ko siyang tinalikuran. Nagtungo ako sa kwarto upang mag palit na rin. Nagsuot ako ng pajama pants na kulay yellow na may design ng saging at puting T-shirt na may design din ng saging sa harap. Pinulupot ko ang tuwalya sa basang buhok ko at bumalik sa sala. Nadatnan ko siyang nakasandal sa head ng upuan at nakatingala, pinagmasdan ko siyang maigi. Ang tulis nga adams apple niya at ang ganda ng pagkaka tangos ng ilong niya. Ilang sandali pa ay gumalaw siya kaya mabilis kong inalis ang titig sa kanya. Tamad siyang lumingon sa akin, mapupungay din ang mga mata niya. ‘’G—Gusto mo ba ng kape?’’ Nahihiyang tanong ko sa kanya, wala kasi akong alam na ipapakain sa kanya. May noodles pa naman kami dahil nag grocery ako bago itinakbo noon si Jerome sa hospital, halos hindi pa nagagalaw lahat iyon dahil hindi naman kami kumakain dito mula noong araw na iyon. Speaking of noodles kumakain kaya siya no’n? Ngumiti siya at bahagyang ngumuso. ‘’Sure,’’ monotono niyang sinabi. Tinanguan ko lang siya at naglakad na papunta ng kusina. Kumuha ako ng dalawang tasa at tinimplahan iyon. Hindi na muna ako naglagay ng gatas sa basong para sa kanya. Baka kasi ayaw niya. ‘’Hindi ko nilagyan ng gatas ang sa iyo, pero kung gusto mo. Kukuha ako sa kusina.’’ Sabi ko. Habang nilalapag ang dalawang tasa sa kawayan naming mesa. Nag-angat siya ng tingin sa akin at binitawan ang cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin ay kinakabahan ako. Hindi ko magawang kumilos ng maayos dahil sa titig niya. Kahit hindi naman iyon nang-uuyam kahit mapungay naman ang mga mata niya, na-i-Intimidate ako. ‘’No, it’s okay. I don’t use milk on my coffee…’’ Baritono niyang sinabi. Tamad siyang umayos ng upo at kinuha ang tasang para sa kanya. Sa laki ng kamay niya parang ang liit tignan ng baso. ‘’Kung gutom ka, sabihin mo lang may noodles pa kami, ipagluluto kita.’’ Sabi ko habang dahan-dahan akong umupo sa isang single na upuan na yari din sa kawayan. Tumango lang siya sa sinabi ko. Pinagmasdan ko siyang humihigop ng kami. Paikot-ikot ang tingin niya sa bahay namin kaya nakaramdam ako ng iritasyon, siguro minamaliit niya ang bahay namin? Ngumuso ako. ‘’Siguro ngayon ka lang nakapasok sa bahay ng mahirap no? Mukha ka kasing mayaman.’’ iritadong sinabi ko. Huminga siya ng malalim. Ngayon ko lang napansin na kasya niya iyong damit ko, kaso sobrang fitted naman iyon sa kanya dahil bakat ang dibdib niya. Inilapag niya ang baso. Tapos ay inilagay niya sa likod ng ulo niya ang kanang kamay niya. He scanned the whole house again tapos binalingan ako ng tingin. ‘’I like this kind of house, simple lang pero malinis at maayos.’’ seryoso niyang sinabi. Kumunot ang noo ko. ‘’So hindi mo ito first time?’’ Tanong ko. Kumunot ng husto ang noo niya sa sinabi ko. ‘’What do you mean by first time?’’ Bumuntong hininga ako. ‘’Hindi mo first time makapasok sa ganitong bahay?!’’ Iritadong sinabi ko sa kanya. ‘’Uh… Yeah,’’ tila naguguluhan pa siya sa sagot niya. Naisip ko kung anong oras siya uuwi. Hindi naman kasi pwedeng patulugin ko siya dito sa bahay lalo’t dalawa lang kami. Saka pupunta pa ako sa hospital ng maaga bukas. ‘’Hindi ka pa ba uuwi?’’ Tanong ko. Imbes na tanungin kung anong oras siya uuwi. Umiling siya. ‘’Kapag tumigil ang ulan,’’ sagot niya. “Paano kung hindi tumigil?’’ Umirap ako sa hangin. ‘’Then, let me sleep in your house?’’ Lumiit ang isang mata niya. Napasinghap ako sa sinabi niya. ‘’Hindi kasi pwede, kailangan mong umalis din dito baka kung anong isipin ng mga kapitbahay naming tsismosa.’’ Nagpipigil inis na sinabi ko sa kanya. ‘’So what? You told the men that I am your boyfriend. Hmm girlfriend?’’ Bahagya siyang ngumiti sa sinabi niya. “Sinabi ko lang iyon, para tigilan na ako ni Rico.’’ I rolled my eyes. ‘’The man with white jersey? You don’t like his type huh? You probably like my type? Because you told them that I am your boyfriend not your suitor.’’ Seryoso niyang sinabi. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, tama nga naman siya. Bakit boyfriend agad ang pagpapakilala ko sa kanya. Pwede namang manliligaw muna? Bumuntong hininga ako at pinagtaasan siya ng kilay. ‘’Para nga tumigil na siya diba?’’ Sabi ko na lang. Pakiramdam ko sinampal ako dahil sa init ng pisngi ko ngayon. “A man who is serious to you will never stop courting you, kahit may boyfriend ka na.’’ Baritonong sinabi niya. Parang nasapul yata ako sa sinabi niyang iyon. So means seryoso si Rico sa akin kaya hindi siya tumitigil na ligawan ako? Bumuntong hininga ako at sumimangot, seryoso man o hindi, hindi ko siya gusto. Everytime na naririnig ko ang pangalan niya at nakikita ko siya sobrang naiinis ako. Ang yabang ng tingin ko sa kanya, basta ang pangit ng tingin ko sa kanya at ayaw ko sa kanya. ‘’Kung ambon na lang, pwede ka na sigurong umuwi.’’ Pag-iiba ko ng usapan namin. Pinaikot niya ang nguso niya. Dumilim na naman ang mukha niya. ‘’Hindi ka ba makokonsensya kung saktan ako ng mga lasing sa kanto?’’ Tanong niya. Nakatitig lang siya sa akin siguro ay binabalanse ang magiging reaksyon ko. Kumunot ang noo ko, sandali ako nag-isip. Natatakot din naman ako para sa kanya. Kanina ko pa naisip iyon. ‘’Bakit? Natatakot ka kay Rico?’’ Tinaas ko ang isang kilay ko. Ngumisi siya at umiling. ‘’Me? The hell I scared, kahit pag buhul-buhulin mo pa silang iharap sa akin.’’ Natatawa na sinabi niya. Of course bakit ba naman siya matatakot sa kanila, compare niya naman ang katawan niya sa katawan nila. I can imagine how sexy he is habang nakikipag suntukan sa Rico na iyon. Bahagya kong niyugyog ang ulo ko dahil sa naisip ko. Napansin ko siyang nakatitig sa akin. Kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. “Dito ka na lang muna, magluluto ako ng pagkain natin.’’ Sabi ko sa kanya at tumayo na. Mas maganda na iyon para maiwasan ko siya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko nang makarating sa kusina. Para kasing nagka-karerang kabayo ang pintig ng puso ko. Panay ang tingin ko sa sala habang hinihintay na kumulo ang tubig ng kaserola na hinanda kong paglulutuan ng noodles. Nakatalikod siya at nakasandal ang ulo niya sa head ng upuan namin. Ilang sandali lang ay kumulo na iyon kaya nilagay ko na rin iyong noodles. Naghugas ako ng dalawang bowl. Tig-isa kami doon. Pinatay ko ang stove pagkatapos noon, at isinalin ang noodles sa dalawang bowl. “You’re done?’’ “Hay! Kabayo!’’ Halos maitapon ko ang natitira pang noodles sa kaserola dahil sa gulat. Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa likuran ko. ‘’Sorry… I… I just want to check if you’re done.’’ Sabi niya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay niya hanggang sa dibdib niya. Tawang-tawa ang itsura niya sa naging reaksyon ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagsasalin. Hindi ko siya kinibo. “I am sorry, I mean it.’’ malumanay na sinabi niya. Nilingon ko siya at inirapan. ‘’At bakit ka natatawa?’’ inis na tanong ko. Ngumusi siya. ‘’Ang cute mo kasing magulat.’’ Sabi niya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya mabilis kong tinanggal ang tingin sa kanya. ‘’Ako na ang magdadala niyan.’’ Sabi niya. Mabilis siyang humawak sa tray. Kaya naman noong kukunin ko sana iyon ay kamay niya ang nahawakan ko. Nanlaki ang mga mata ko. Tila nagulat din siya sa ginawa ko. Dahil napatingin siya sa mga kamay kong nakahawak sa likod ng magkabilang palad niya. Mainit iyon. “Ikaw na…’’ hiyang sinabi ko sa kanya at mabilis na naglakad papunta sa sala. Halos magbuhul-buhul na yata ang hininga ko sa nangyaring iyon. Pilit kong iniiwas ang tingin sa kanya noong makaupo ako, ramdam na ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang naglalakad siya palapit na may hawak na tray. Pilit kong pinipirmi ang kaba sa dibdib ko, hindi ko dapat nararamdaman ito dahil nasa sariling pamamahay ako. ‘’Here…’’ Malumanay na sinabi niya noong mailapag ang tray sa mesa. Tumunog ang kutsara at tinidor doon. Nilingon ko siya na ngayon ay inilalapag ang isang bowl sa harap ko. Itinulak pa niya ang lamesa para mailapit iyon sa akin. Pagkuwan ay umupo siya hindi niya tinanggal ang isang bowl sa tray, pinanood ko siya kung ano ang susunod niyang gagawin. Kinuha niya ang tray at inilagay iyon sa kandungan niya. Kinuha niya ang kutsara at humigop ng sabaw. Parang gustong-gusto niya naman iyon. ‘’Kumakain ka na ba dati nito?’’ Takang tanong ko, feeling ko kasi sa itsura niyang parang mayaman ay hindi gusto ang noodles dahil pagkaing pangmahirap lang iyon. Nag-angat siya ng tingin sa akin. ‘’Of course.’’ maikling sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang kaming kumain, hindi na ako nagtanong sa kanya. Minsan napapansin ko siyang nakatingin sa akin pero in-Ignore ko lang iyon. Ilang sandali muna kaming nanatili sa sala pagkatapos kumain, siya na rin ang kumuha ng pinagkainan namin at dinala iyon sa kusina. Sinundan ko siya para hugasan sana iyon pero nadatnan ko na naman siyang nagsasabon. ‘’Bumalik ka na sa sala at ako na ang gagawa niyan, bisita ka dito kaya hindi ka dapat makialam sa trabaho.’’ Sabi ko. Nagpanguso siyang nilingon ako. ‘’Ayos lang, just let me stay here tonight, sa Quezon City pa ang bahay namin. So I can’t go home. I don’t have a place to stay.’’ Parang nabundol ang puso ko sa sinabi niya. Naawa tuloy ako sa kanya, kanina ko pa siya pinapa alis, paano na lang kung umalis siya saan siya matutulog? “Sige… Pero doon ka sa sala. Wala kaming extra na foam.’’ Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. “Ayos lang, I used to sleep on my car when I can’t drive home.’’ Sabi pa niya. Gusto ko sanang tanungin kung nasaan ang sasakyan pero hindi ko na tinuloy, wala rin naman akong napansin na sasakyan niya kaninang nagkita kami sa kalsada. Paiba-iba ako ng posisyon habang pilit na kinuha ang tulog ko. Hindi ko rin alam kung tulog na rin ba si Daniel sa sala. Kanina kasing hinatiran ko siya ng kumot at unan. Agad na nahiga siya at pumikit. Gaya ng madalas kong gawin tumitig nanaman ako sa ceiling. Iniisip ko na naman ang mga kababalaghang nangyari sa akin sa buong araw. The good things at bad things, parang sa buong araw na ito nasagot lahat ang problema ko, at kaninang muntikan akong masagasaan dumating si Daniel para iligtas ako. Paulit-ulit ko iyong inisip hanggang sa makatulugan ko na lang iyon. Alas siyete na noong magising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Agad akong bumangon at inayos ang higaan ko. Nagmadali pa ako dahil kailangan kong magluto. Pakakain ko muna si Daniel ng breakfast dito bago siya pauwiin. Paglabas ko ng kwarto ay agad kong tinignan ang sala. Wala na doon si Daniel, nakatupi na ang ginamit niyang kumot ipinatong niya iyon sa unan. Mabilis akong naglakad patungo sa kusina para tignan kong nandoon siya pero wala akong nadatnan. Bumuntong hininga ako. Hindi lang man niya ako hinintay? Hindi man lang niya sinabing aalis na siya? Inis akong naglakad patungo ulit sa sala at binuksan ang pintuan. Hindi na iyon nakalock dahil lumabas na si Daniel. Anong oras kayang umalis ang timang na iyon? Aalis din pala siya ng maaga di sana noong gabi pa lang umalis na siya! Ibinalik ko ang ginamit niyang unan at kumot sa kwarto, sandali kong inamoy iyon. Naiwan pa ang mabangong amoy niya sa unan na ginamit niya. Pagbalik ko ng sala ay napansin ko ang suot niyang damit kahapon, hindi niya kinuha ang Givenchy na T-shirt niya saka iyong pantalon niya. Napakamot na naman ako ng ulo. Kung makikita ito ni Mama, baka isipan niyang nag-uwi ako ng lalaki dito. Hindi ba nag-uwi naman talaga ako, tapos sinabi ko pang boyfriend ko siya? Malamang si Aling Miling ikakalat naman iyon sa buong Baranggay namin! Napakagat ako ng labi, bahala na! Basta ikukuwento ko na lang kay Mama ang nangyari. Alas otso na noong lumabas ako sa bahay, dederitso ako ngayon sa hospital para asikasuhin ang bill ni Jerome, sabi kasi ng doktor niya’y pwede na siyang umuwi ngayong araw. Sumakay ako sa isang tricycle at nagpahatid sa hospital. ‘’Bayad ko po Manong.’’ Inabot ko ang singkwenta sa mama, bago bumaba. Pinasadahan ko muna ang buong paligid bago naglakad. Wala pang maraming tao, may ilang mga nurses ang nag-uuwian marahil ay tapos na sila sa duty nila. May iilan ding papasok pa lang. Nilingon ko ang tricycle na sinakyan ko nang marinig na humarurot iyon palayo. Mabilis akong umakyat sa hagdan papasok sa hospital. Excited ako dahil uuwi na rin sa wakas si Jerome. Aasikasuhin ko na lang ngayong araw ang bill niya. Tapos ay tatawagan ko si Anti Tess para kunin ang perang pinag-usapan namin kahapon. Deritso ako sa pagpasok, hindi na ako tinanong pa ng guard, kilala na rin naman niya ako dahil sa ilang araw na akong pabalik-balik dito. ‘’Ate?’’ Masayang sinalubong ako ni Aika noong makita niya ako papasok sa pintuan, agad niyang binitawan ang hawak niyang pandesal, inilapag niya iyon sa mesa. Nagtaka pa ako dahil parang ang dami yatang pagkain ngayon sa mesa. Yumakap sa akin si Aika. Hinaplos ko ang likod niya. Pagkatapos ay nilapitan ko si Mama na nakaupo sa tabi ni Jerome. Nagmano ako sa kanya. ‘’Kumain ka na ba anak?’’ Tanong niya nang maibaba na ang kamay niya. ‘’Hindi ako nagluto Ma, dito na lang ako kakain kaya inagahan kong pumunta.’’ Sabi ko, magluluto po sana ako doon kung hindi agad umalis si Daniel. Alanganin akong ngumiti. ‘’Bakit ang dami po yatang pagkain Ma? Dinala ng mga kapatid ni Papa? Buti naman po bumisita sila?’’ Sunod-sunod na tanong ko kay Mama. Nagtataka lang ako dahil sa ilang beses kaming humingi ng tulong noon sa kanila ay hindi nila kami nagawang tulungan. “Hindi iyan galing sa kanila anak,’’ Nakangiting sagot ni Mama sa akin. ‘’Kanino?’’ Kumunot ang noo. Sino naman kayang magbibigay iyon? Si Ave? Di sana ay alam ko. ‘’Sponsor daw ate, bayad na rin ang bill natin.’’ Sabi ni Aika. ‘’Sino daw? Anong pangalan niya?’’ Naguguluhan na tanong ko. Ngumuso si Aika at nagtaas baba ng kanyang balikat. ‘’Ewan ko, basta gwapo iyon. Ang aga nga niyang pumunta kanina eh.’’ Napahawak ako sa dibdib ko dahil muling tumahip ang kaba doon. Sobrang naguguluhan ako. Hindi kaya si Daniel ang nagbayad? Imposible, paano niya nalaman kung sino ang kapatid kong nandito? Balisa ako buong araw dahil sa kakaisip ng nag-Sponsor. Gusto kong isipin na si Daniel iyon pero imposibleng kilala niya ang kapatid ko. Imposibleng gagawin niya iyon ng hindi ako kasama. Kung siya di sana ay ginising niya ako at sinabi sa akin ng tungkol dito? Imposibleng may pakialam iyon sa amin? Hindi kaya ang doktor ni Jerome dahil may nabanggit iyon noon sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD