WARNING: SLIGHT SPG Miserable Angelika's Point Of View Nandito ako ngayon kasama si Ann sa bar na madalas akong pumupunta. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong saktan ang sarili ko. Gusto kong tumakbo at tumalon na lang sa building para hindi na ako kailan pa makita ng mundo. Bakit palagi nalang si Isany? Bakit palagi nalang siya ang pinipili ng lahat? Bakit hindi nalang ako? "Ako dapat yung nasa kinatatayuan niya ngayon eh." Napatawa ako ng mapait kay Ann. Inabot ko ang beer at tinungga iyon ng isahan lang. Humingi pa ako ng isa. "Kahit anong gawin mo, wala nang magbabago. Ayaw na sayo ni Jacob. Tapos na ang part mo sa istorya niya." Sabi naman ni Ann. Itinulak ko siya dahil sa sinabi niya pero hindi naman siya natinag dahil nga nanghihina na ako. "Kung hindi lang tatanga tanga yung

