Pictures PRESENT~ Lumipas ang ilang buwan, masyadong mabilis ang oras. Masyado rin itong naging kulang para saakin upang mag isip. Hindi ko parin naiintindihan. My dreams are still blurred. Wala parin akong maalala kahit isa sa mga nakaraan ko. "Gusto kong pumunta sa bahay namin." Sabi ko kay Angelika na ikinagulat niya naman pero agad niya itong binawi. Tinignan ko siya. May takot sa mga mata niya na hindi ko alam kung saan galing o kung bakit pa. "Ha? Bakit?" Tanong niya. I don't know if she's panicking or I'm just imagining things. "Bibisitahin ko lang si mama." Sabi ko sakanya. Yun naman talaga ang balak ko roon. Ano pa bang dapat kong gawin don, hindi ba? "Sasama ako." Ma-authoridad niyang sabi. Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. She can't. Magagalit lang si mommy pag sinama ko

