Napakagat labi na lamang si Samaya ng mapansin na tila natitigilan si Sergio, naisip niya na baka tumanggi na naman ito sa nais niya at baka maulit na naman katulad kagabi. Nakakahiya na nga kung tutuusin iyong hihiling siya dito, siya itong babae pero kailangan pa niyang humiling dito. Sobrang nakakapanliit ng pagkatao pero sana naman magbago pa si Sergio. Masakit para sa kanya ang ganito, pero ano bang magagawa niya kung ganito talaga si Sergio, mahal niya ito kaya tatanggapin niya kahit anumang kapintasan nito. “Sorry.” paanas na wika nito, na nakapagpakunot naman ng noo niya. Bakit naman ito nagso-sorry samantalang wala naman itong nagawang masama, o baka nagsosorry ito dahil na rin sa hindi nito kayang gawin. “O-Okey lang, m-matulog na lang tayo.” nasambit na lamang niya.

