Matapos nilang maligo ay nagpasya na sila na magtungo sa lugar kung saan nakatayo ang two storey building na nabili niya. Hindi na kasi iyon maayos tingnan, medyo may kalumaan na rin pero talagang sakto sa negosyong nais nilang ilagay doon. Meron na rin na pala itong itaas at aayusin na lang para maging mini office ng kanyang asawa at syempre maaari na ring imbakan sa kabilang panig . Nauna pala silang dumating sa lugar wala pa doon ang kanilang kausap na contractor na magri-renovate. At maging mga tauhan nito, ay wala diin doon. Makikita ang kasiyahan sa mukha ni Sergio habang pinagmamasdan ang paligid, tila ba tuwang-tuwa ito sa lugar dahil nga naman talagang pang business ang lugar na iyon. Tiyak na papatok ang negosyo doon dahil sa pinaka sentro iyon ng bayan at malapit din sa m

