Kanina pa pabalik-balik sa labas ng bahay si Samaya, pati na sa may gate para tingnan kung parating na ba ang kanyang asawa. Pasado alas siyete na kasi ng gabi pero hindi pa rin ito dumarating, wala man lang chat or text. Sobrang nag-aalala na siya, kaya lang alam niya kung papaano ito magalit kapag tinawagan niya ito tapos nasa inuman ito or nasa poder ng mga tropa nito. Kanina pa tuloy siya naiiyak kasi pagkatapos niyang naging masaya kagabi ito lang pala ang magiging kapalit. Ang gulo tuloy ng isip niya, gusto niyang may makausap. Hindi naman pwedeng tumawag siya kay Helen, dahil siguradong pagagalitan lang siya nito ng husto. Pero kasi kanina pa talaga siya nag-aalala dito. Sino bang asawa ang hindi mag-aalala kung halos maghapon ng wala ang kanyang asawa sa kanilang bahay at h

