Hindi maampat ang pag-iyak ni Samaya dahil sa mga sinabi na iyon sa kanya ni Recca. Makikita na wala talaga sa kanyang pakialam si Sergio. Ang tawag ni Recca ay sinagot nito, samantalang siya na naghihintay pa kanina na tumawag o mag-text ay di man lang nagawa. Parang napaka-laking kaabalahan dito ang ilang words na ita-type nito at ilang second na pagsend nito. Siya iyong asawa eh, pero parang siya yung walang karapatang kontakin ito o i-chat man lang ito. May karapatan na siya dahil mag-asawa na silang dalawa, pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit karapatan niya pero hindi niya magawa. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya a baka hamunin siya nito ng hiwalayan dahil lamang sa pagtawag niya o kaya ay pagtatanong niya ako nasaan na ito. Pero iyon nga nakakahiya ri

