Ashley
Naalarma ako nang biglang magring ang cellphone ko sa bulsa ko. Binaba ko saglit ang tray na dala at binubot mula sa bulsa ang cellphone at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang caller.
"Hey, Ash." Boses ito ni Emmanuel.
"Hi, Nuel! Napatawag ka yata?" Inipit ko ang cellphone sa balikat ar tenga ko, binuhat ko muli ang tray at dinala ito sa um-order ng mga pagkaing laman nito.
"I just want to inform you that I can't fetch you today, something really important came up," he said with a cold voice. I don't remember doing something bad and unfavorable to him so I assumed that he's mad at something else. It also seemed like he tried to make his voice sound normal but failed.
"No, don't worry, I understand. I'm in the middle of work right now, I'm sure you're busy, too kaya ibaba ko nalang ang telepono." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot at pinatay na ang tawag nang makabalik na sa pagtatrabaho.
Hindi rin normal ang ginawa kong iyon. Halos mag-iisang buwan na kaming magkakilala ni Emmanuel, halos araw-araw rin ay kami ang magkasama. Madalas ay tumatambay siya sa cafe ba pinagtatrabahuan ko, pagkatapos ay aayain niya akong gumala sa free time ko bago ang trabaho ko sa bar bilang waitress din.
Just like Ryder and the rest of my friends, he's spoiling me real bad and I'm getting used to it. Sa katunayan nga ay ito ang unang pagkakataon na tinawagan niya ako para sabihin na hindi niya ako susunduin. Inaamin ko na medyo nagtatampo at naiinis ako kahit na alam kong hindi tama na maramdaman ko iyon.
Inalis ko siya sa isip ko at nagpokus nalang sa pagtatrabaho. Ilang saglit pa ay nag-ring ulit ang cellphone at nakitang si Kosovar naman ang tumawag sa akin. Ilang Linggo ko na ring siyang hindi nakikita at nakakausap kaya sinagot ko na ang tawag niya.
It's a good thing that Emmanuel thought me everything that I need to know about phone. He's an angel.
Hindi ko alam kung paano nalaman ng lahat ng numero ng cellphone ko, maybe they got it through Emmanuel himself or maybe Addison? I don't know if I should be worried about that.
"Oh, Var?" saad ko habang nagse-serve ng mga order. "As much as I want to talk to you, I can't right now. Nasa work ako."
"When do you plan to come over?" he asked, sounding pissed. "I haven't seen you for nearly a month. I heard may pinagkakaabalahan kang iba."
Nag-alala ako na baka malaman niya na kinakaibigan ko ang lalaking kinaiinisan niya. Hindi ko balak na itago sa kaniya, sadyang hindi lang talaga kami nagkakaroon ng oras para magkapagusap. Mas naging busy ako sa work, kung free time ko naman ay madalas si Emmanuel ang kasama ko.
"We'll talk later, Var. Bibisita ko mamaya d'yan."
"You better, Mayieh, you have a lot of explaining to do."
"I'll explain everything later, but please, don't be mad, okay?"
I heard him sigh from the other side. "Alright."
...
Nang matapos ako sa pagtatrabaho ay nagtungo ako sa bahay ni Kosovar. Of course, I walked all the way there from the cafe I work at. If only Emmanuel was here.
The advantage of having a thoughtful and a nice friend to fetch you from work almost everyday.
Naka-uniform pa rin ako pang-waitress, balak kong manghiram ulit ng damit ng girlfriend niya pagdating ko duon dahil ayokong umuwi sa bahay ko.
Nag-doorbell ako sa gate at pinagbuksan ako ng isang katulong na pinagtaka ko. Usually walang katulong sa bahay nila dahil ayaw ni Kosovar, pero nakwento niya rin pilit daw siyang pinapapayag ng tatay niya na mag-hire ng mga katulong nang may makasama siya sa bahay kahit papaano tuwing wala ito.
Pinasalamatan ko ang katulong, dumiretso sa loob at nagtungo agad sa kwarto ni Kosovar. Kumatok ako ng malakas sa pinto ng kwarto niya, susugurin ko sana siya ng yakap nang pagbuksan niya ako kung hindi ko lang napagtantong nakasimangot ito at nakakunot ang noo.
"Var..."
"I understand that you're friendly, nice and everything, but do you have to befriend Emmanuel? Of all people?" he asked, his brows meeting.
"I-i'm sorry—"
"I don't understand why you're hanging out with him when you know that I hate him. Ashley, he's a bad news!"
"Ako ang magdedesisyon kung masama ba o hindi ang tao, Var. Wala naman siyang ginagawang masama sa akin, all he ever did is be nice to me."
"Hihintayin mo pa ba na may gawin siyang masama sayo?" Galit na galit ito. Hindi ko alam na ganito pala kalalim ang galit niya kay Emmanuel.
My eyes watered as I looked down. "H-hindi naman kasi ako kasali sa away niyo eh..."
"He's not who you think he is, he's just using you."
"Using me? He's rich and he told me himself that he's got a lot of connections, therefore I know that he's not using me."
"You don't know him, Mayieh. You barely know the guy!"
Hindi ako makahanap ng igaganti sa sagot niya dahil alam kong tama ang katwiran niya.
"Stay away from Emmanuel."
I shook my head, being stubborn. "I don't want to."
"Ashley!"
"Kosovar, ayokong mag-away tayo kaya please! Please!" Hindi ko na napigilan ang luha ko. "S-sige na, sige na, lalayuan ko na si Emmanuel tulad ng gusto mo. Pero sana huwag mong hilingin sa akin na paalisin siya sa banda ko. He's also friends with the others and I love playing and singing with him." Pinahiran ko ang luha ko at pilit na pinatahan ang sarili.
Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nagiging mahina sa harap ng ibang tao.
His arms wrapped around my body, hindi ko siya magawang gantihan ng yakap dahil sa sama ng loob ko sa kaniya. Nanatili lang akong tahimik nang hindi siya masumbatan ng masama na siguradong pagsisisihan ko rin sa huli.
"I'm sorry, hindi ko lang gusto na mapahamak ka. Trust me, it's for your own good." Bulong niya habang hinihimas ang likod ko, sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang hikbi na gustong lumabas sa bibig ko. "You know that I only care about you, right?"
"Y-yeah." Naginginig ang boses ko nang sumagot ako.
Isa si Kosovar sa mga taong mahal at pinapahalagahan ko, ayoko na nakikita siyang malungkot at nag-aalala. Upang hindi na kami mag-away at magkagulo pa, lalayuan ko nalang si Emmanuel tulad ng gusto niya. Because between him and Emmanuel, I will always chose him.
...
Sa bahay na ako ni Kosovar nagtanghalian, ilang oras din akong nanatili at umuwi para makapaghanda sa trabaho ko mamaya sa bar. Napipikit ko nalang ang mga mata tuwing naiisip kung paano ko maiiwasan si Emmanuel.
Umiling ako para ialis ito sa isip ko, inayos ko na ng dapat kong ayusin at ang mga dapat kong dalhin. Sinuot ko ang uniform ko at naghanda na para sa trabaho.
I can hear moans from my mother's room but I ignored them and left the house. I saw Kosovar waiting outside with his car.
"Let's go." He said, opening the car door for me.
Tumango ako at pumasok sa passenger seat, sumunod siya at saka pinaandar ang makina ng kotse.
"Are you going to avoid him from now on?" tanong ni Kosovar.
Tumango lamang ako sa kaniya.
"Good."
I played with my fingers. "Can you tell me how bad he is, Var?" I couldn't help but ask. I want an explanation and need a good reason so I could avoid Emmanuel properly.
"I don't want to say this because I don't want to scare you," he paused, "but I did mention before that I was a part of a small gang."
Tumango ako. "Anong kinalaman duon ni Emmanuel?"
"He's the one who created that gang, he's the leader. Maybe that's already a good reason for you to avoid him?"
Gusto kong isipin na nagsisinungaling lang siya pero bakit naman siyang magsisinungaling sa akin? And honestly, I already had that idea in my head from the beginning but I didn't want to believe that he's a bad person.
Medyo masama ang loob ko sa kaniya, pakiramdam ko ay niloko niya ako at ginamit ako. Subalit hindi sapat ang katiting na sama ng loob na 'yon para kamuhian ko aiya, hindi sapat ang mga nalaman ko para isipin na isa siyang masamang tao. All he evee did was be nice and caring to me.
Hinatid ako ni Kosovar sa Forever Young bar dahil may trabaho rin siya ngayong araw dito bilang isang bartender. Nag-ayos ako sa staff room at naghanda nang maumpisahan na ang trabaho.
Nakangiti ako tuwing kaharap ang mga customers ngunit kapag tatalikod ay napapasimangot. Minsan talaga ay gusto ko nalang sumuko dahil sa pagod, minsan ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sobrang pagod dahil sa sitwasyon ko, ngunit sa kabilang dako at pinili ko pa ring maging matatag.
In my vocabulary, there's no such thing as giving up.
Habang pinagsisilbihan ko ang mga customers ay natagpuan ng mga mata ko ang pamilyar na pigura na naglalakad papasok sa bar. Inapiran nito si Isaiah at sandaling nakipag-usap dito bago tuluyang pumasok. Ang akala ko ay good mood siya ngunit nang matalikuran niya na si Isaiah ay naging seryoso ang bukas ng mukha niya.
Mukhang parehas yata kami.
Pinilit kong ialis ang atensyon ko rito pero ang hirap lalo na't kakaiba ngayon ang ayos at porma niya.
Nakaputing oversized T-shirt ito at naka-ripped jeans. Kakaiba sa porma niyang palaging naka-jacket para tabunan ang mga tato nito sa braso. Mas lumabas ang tunay niyang kulay at kung sino talaga siya. A gangster.
A badboy.
Ngunit aaminin ko na mas naging gwapo at mas naging makisig siya sa paningin ko. His arms and biceps are bigger than it seemed under his jacket that he usually wore, his veins are even showing and protruding. Kaya halos lahat ng mga babae sa bar ay nakatingin sa kaniya at pinagnanasaan siya.
Napalunok ako at wala sa sariling kinagat ang ibabang labi, nilalandas ng makasalanan kong mga mata ng kabuuan niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang magkita ang mga mata namin. Ilang segundong nanatili ang tingin namin sa isa't isa, walang nagkusa na mag-iwas ng tingin.
Mapalunok muli ako at parang binuhusan ng malamig na tubig nang maglakad siya papunta sa direksyon kung nasaan ako.
Shit.
Mabilis kong hinatid ang order na hawak ko sa customer at mabilis na umalis at pumunta sa bar counter kung saan naroon si Kosovar.
He frowned when he noticed my presence. "You look like in a deep s**t. What happened? Mukhang nakakita ka yata ng multo?"
Ngumuso ako at marahas na umiling. "Hindi totoo ang multo at lalong hindi ako nakalubog sa tae!"
He blinked at me. "That's just disgusting."
"Tinagalog ko lang sinabi mo." Inirapan ko siya. "Naiihi ako, Var, mag-c-cr lang ako, ha?"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinahak ang direksyon papunta sa restroom. Pinahiran ko ang pawis na naglandas sa noo ko, niluwagan ko ang pagkakatali ng necktie sa kwelyo ko at inalis sa pagkakakabit ang tatlong butones ng blusa ko. Tumingala ako habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay, binuksan ko at mga mata ko at nakipagtitigan sa sarili sa salamin.
Pawis na pawis ako, ang pangit ko tignan at ang oily ng mukha ko. Nakipagtitigan pa ako nito kay Emmanuel!
Gumamit ako ng toilet stall at nag-cr, habang umiihi ako ay narinig kong bumukas ang pinto ng restroom hanggang sa may marinig akong pag-ungol ng isang babae. Nang matapos ako sa ginagawa ay mabilis kong inayos ang sarili at nag-flush sakaling marinig nila iyon at tumigil sa ginagawa nila.
To a public toilet? Really?
Hindi natinag ang naghahalikan at naghaharutan. Hindi ko magawang lumabas dahil nakakahiya naman 'yon. May maliit na gap sa gilid ng pinto ng toilet stall, isang babae at lalaki ang naghahalikan at halos naghuhubaran na rin. Naghahalikan ang mga ito na tila ba uhaw na uhaw sila sa isa't isa.
Tinaas ng lalaki ang bestida ng babae habang ang babae naman ay binababa ng zipper ng pantalon ng lalaki. Dahil hindi ko na kinaya ay lumabas na ako ng stall at dali-daling tumakbo palabas ng restroom.
Namumutla ako dahil sa mga nasaksihan at narinig ko. May mga nabangga akong mga tao habang tumatakbo ako palayo, wala sa tamang huwisyo ang utak ko sa mga nasaksihan. I kept chanting, "ew," as I ran away and shaking my head, trying to erase the image in my mind.
"Ashley!"
May humablot sa braso ko at marahas akong pinaharap sa kaniya.
"N-nuel..."
His jaw was clenching, his eyes were shooting daggers at me, he looked really, really mad and I don't know the reason why.
"What the hell happened to you!?"
"H-ha?"
Hinila niya ko papunta sa bakanteng table, pinaupo niya ako sa couch at tumabi sa akin. Hindi ako makapag-reak agad nang magpunta ang dalawang kamay niya sa dibdib ko para isarado ang mga butones ng blusa ko at tinatali ng maayos ang necktie ko.