HML-2

1162 Words
DJ Y Papasok sana siya sa kanyang sasakyan ng may tumawag sa kanya kaya lumingon siya. Nakita niyang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanya. "Ikaw ba si DJ Y?" Tumango siya rito. "Yes. May kailangan ka ba, Mister?" Napatingin siya sa kamay ng lalaki na inilahad ang kamay nito sa kanyang harapan. "I'm Gideon." Kumunot ang noo niya, at takang tinitigan ito. "Gideon…" Tumango-tango siya sa kaharap. "Nice name ha. Sige, bye!” Tinalikuran na niya ito. Akmang sasakay na sana siya sa kotse nang hinawakan siya nito sa braso. "Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo?" Tinaasan niya ito ng kilay. " ‘Di ba tinanong mo ‘ko kanina, kung sino ako?" Tumango ito. "Oh, di kilala mo na ako." Bumuntong-hininga siya. Hindi pa rin nito binitawan ang braso niya. "Please take off your hand, Mr. Gideon," malumanay niyang utos sa lalaki. Ngumisi ito sa kanya, at umiiling. Hindi ba nakikita ng lalaking ito na ayaw niyang makipag-usap? Nakakainis. Gusto niya ng umuwi para matulog. "I am Y." Inilahad niya ang kamay niya sa harapan nito, at agad naman nitong ang pakikipagkamay niya. "I am Mayor Gideon De Coltier." Tumango-tango siya, at kunot-noong tinititigan ang lalaki. Kung Mayor ito, bakit ito nandito sa Elite Bar? Gusto niya sanang tanungin ito. Bakit ito nasa ganitong lugar? Huwag na lang dahil baka hahaba pa ang usapan nila. "Mayor, it's nice to meet you, but I have to go now. Bitawan mo na ako," mariin niyang sabi sa lalaki. "No." Ngumiti siya rito. "Ah! Ayaw mo ‘kong bitawan?" Umiiling ito. "Sabi mo yan ah." Malambing na boses ang ginamit niya. Ngumiti ito sa kanya, pero hindi nito inaasahan sa sumunod niyang ginawa. Binalibag niya ang katawan ni Mayor. "OH, SH!T! You! WHY DID YOU DO THAT?" Walang ganang tiningnan niya ito. Nakahandusay ito sa sahig habang hawak nito ang nasaktang likuran. " ‘Di ba sinabi ko naman sa’yo na bitawan mo ‘ko? Hindi mo naman sinunod kaya ayan ang napapala mo, Mayor." Tumalikod na siya rito, at sumakay na sasakyan. Pinaandar na niya ang makina, at nag-hintay ng ilang minuto bago pinasibat ang kotse. While she's driving, biglang umilaw ang nasa harapan niya. Isang asul na tuldok kaya pinindot niya ito. Tumambad sa kanya ang mukha ng boss nila. Itinabi muna niya ang kotse. "Agent Y, you succeed your mission." "Thanks." Ngumiti siya rito. "So, by the way Agent Y, you didn't tell me that you have a suitor." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito, pero ang boss niya ay anglaki ng ngisi nito sa mga labi. "Suitor?" takang tanong niya rito. "Yes, suitor." Tinitigan siya nito, at sinabi sa mga mata nitong huwag-ka-ng-magkaila-sa-akin. "I don't know what you are talking about, Agent A." “Agent Y, don’t deny it. I'm aware of his identity and background." "Why did you investigate him?" "I need to know who he is." "Sino siya?" she curiously asked. "He is Mayor Gideon De Coltier.'' Mayor Gideon? Ah tama! Siya iyong lalaking hindi makaintindi na bitawan siya kaya ayon nabigwasan niya. "He's not my suitor," naiiritang sagot niya rito. "I don't believe you,” tugon nito, at may pagdududang tingin ang pinukol nito sa kanya. "Agent A, you have the choice of believing me or not. To be honest with you, he isn't my suitor. He is a pest.” "A pest?" When she said a pest, he burst out laughing. "Yes, it is true. He's a nuisance.” "Why? He is a handsome, and unmarried man." "Ano ‘yan makakain ba yan?'' biro niya rito habang ito ay umiiling na lang, at napangisi sa kanyang sagot. Nabigla siya nang wala na ito sa screen. Napailing na lang siya. Wala talagang modo ang boss nila dahil bigla na namang pinatay, at hindi man lang nagpaalam. — Kinabukasan, papasok pa lang siya sa loob ng Elite Bar ay alam niyang may nagmamasid sa kanya. Alam na alam niya ang pakiramdam dahil lahat silang mga Agent ay sinanay ang kanilang sixth sense upang makiramdam ang paligid nila. Palinga-linga siya sa loob ng bar. Napakunot ang kanyang noo niya. Nakita na ang peste pala ang nakatingin sa kanya. Ano na naman ang problema ng isang ito? Kaagad niya itong nilapitan. "Anong problema mo, Mayor?" Nagtatanong ang mga ma nitong nakatingin sa kanya. "Huwag kang magkaila, Mayor. Alam kong kanina mo pa ako sinusundan," seryoso niyang sabi. Nanlaki ang mga mata nito. "P-paanong—" Napangisi siya rito. "Sa akin na lang iyon, Mayor, kung paano ko nalaman." She pointed with her index finger at him. Aangal pa sana ito nang inunahan na niya itong magsalita. "Sa susunod, kapag nakita ko kayong sumusunod sa akin ay hindi ako mangingiming ilibing kita ng buhay." Bago pa ito makasagot sa kanya ay agad niyang tinalikuran ito, at pumasok na sa isang kwarto para magbihis. Maya-maya’y umakyat na siya sa stage, at nagsimula nang magpatugtog ng musika. Habang ang mga kamay niya ay nag-ooperate sa turntables upang makagawa ng iba't-ibang ritmo ng musikang tinutugtog niya ay umiindak-indak naman ang kanyang paa. Umiindayog din ang kanyang beywang. Ganito siya, kapag siya na ang nasa entablo. Wala na siyang pakialam kung masagwa ang kanyang sayaw. Nobody can stop her tonight; this is her night. She doesn't mind if people gaze at her as if she's a piece of food waiting to be devoured by a hungry lion or tiger. — GIDEON Mas lalong naging interesadong malaman ni Gideon ang pagkatao ng babae. Nagtataka nga siya kung bakit nalaman nitong nakasunod siya rito. Pinagmasdan niya itong umiindak na sa entablo habang ang kamay nito ay nahahawak sa turntables. Hindi niya namalayan na kanina pa pala siya nakatingin sa bawat indayog ng babae. Ngayon lang siya nagkainteres sa isang babae sa tanang buhay niya. Bilang isang Mayor ng bayan ay wala siyang panahon maghanap ng babae. Mas uunahin pa niya ang problema sa bayan na sandamakmak na krimen, at hindi pa na reresolba ng mga pulis ang ibang kaso. Nagkataon nga na papauwi na siya sa kanila ng napadaan ang sasakyan niya sa Elite bar. Napagdesisyon niyang pumasok sa loob. Hindi niya inaasahan sa isang pagkakataon ay makita niya si DJ Y. Simula nang makita niya ang babae ay hindi na mawala sa kanyang isipan ito. Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig niyang naghihiyawan ang mga tao. Napakunot ang noo niya nang makita niyang nag-iba ang tema nang sayaw ng dalaga. Para itong nang-aakit sa mga lalaki. Napatingin siya sa paligid ng bar. Napatiimbagang siya ng maraming nakatingin na mga lalaki rito, at may pagtingin na pagnanasa sa mga mata ng kalalakihan kay DJ Y. Napatayo siya ng may lalaking mapangahas na sumasayaw sa likuran ng dalaga, at mas lalong kumunot ang noo niya nang pinadikit pa ng lalaki ang pang-ibabang bahagi nito sa puwetan ni DJ Y. Dumilim ang kanyang paningin sa nakikita. Inilang hakbang niya ang agwat sa mga ito. Hindi siya nagdadalawang-isip na suntukin ang pagmumukha ng lalaki ng ilang beses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD