Rielle’s POV: “Mama.. Namiss kita!” bati ko kay mama at hinalikan siya sa pisngi. “Ang anak ko! Mabuti at napadalaw ka ang tagal na rin bago mo ko dinalaw mula nung bumalik ka sa trabaho.. Kamusta ka na anak?” saad niya habang nakayakap sa akin. And sarap ng yakap niya nakakamiss. “Okay lang po ma. Mejo maraming trabaho kaya hindi po ako nakakadalaw sayo. Pero namiss kita ng sobra mama.” hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. “Heto po pala, binilhan kita ng mga bagong gamit mo.” Natuwa naman ito nang kunin ang mga paperbags na dala ko. Sinundan ko siya sa hapagkainan at naupo kami na magkatapat, “Anak, kamusta ka na ngayon? Alam ko hindi pa tayo nakakapagusap tungkol sa asawa mo. Kamusta na ang nararamdaman mo?” maya maya ay tanong nito. “Nabanggit sakin ni Elix ang naging si

