🪻 WHEELCHAIR

1204 Words
Huminto ang sasakyang sinasakyan nila sa harap ng isang napakalaking gate na yari sa bakal at pininturahan nang kulay berde. Nakaukit sa gitna nito ang gintong pangalan ng paaralan, ang paaralang ilang beses lamang niyang narinig sa kuwento ng kaniyang yaya ngunit hindi kailanman naisip na magiging bahagi siya nito. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng van. Kasunod noon ay ang marahang pagbaba ng isang wheelchair. Mahinang humiyaw ang mga gulong nito habang dumikit sa sementadong . Napahawak si Sandy sa magkabilang gilid ng kaniyang wheelchair habang unti-unti niyang iniangat ang ulo. Siya si Sandy Montenegro, ang princesa ng Montenegro family. Ngunit dahil sa kanyang kapansanan, hindi siya nakakalabas ng bahay. Puro home studies lang siya, at may sariling tutor. At ngayong high school na siya, ay ito ang unang sabak niya sa labas, para sumabay sa realidad ng agos nitong buhay. Tumambad sa kaniya ang isang matayog na gusali at malawak na campus. Luntiang damuhan.Mga estudyanteng nakasuot ng mamahaling uniporme. At sa pinakataas ng pangunahing gusali, ay mababasa ang pangalan na SAN JOAQUIN UNIVERSITY Isang pribadong high school sa bayan. Napangiti si Sandy. Hindi niya napigilang mapatingala habang binabasa ang pangalan. Parang nanikip ang dibdib niya, hindi dahil sa lungkot kundi sa pananabik. “Ito na…” bulong niya sa sarili. Ito ang unang araw. Unang araw na iikot ang kaniyang wheelchair sa bayang hindi niya kinalakihan. Unang araw sa bagong paaralan na ito. Unang araw na mararanasan niyang magkaroon ng kaibigan, at pamilya. Kahit papaano. “Madam Sandy.. sigurado ka bang okay ka?” tanong ng kaniyang yaya habang inayos ang kumot sa kaniyang hita. Ngumiti si Sandy. “Opo, Yaya.” Bagama’t may kaba sa dibdib, pilit niya itong tinatabunan ng excitement. Dahil sa wakas, hindi na siya mag-isa. Hindi na lamang siya ang batang naiwan sa probinsya habang ang ibang miyembro ng pamilya ay nasa syudad. Hindi na lamang siya iyong batang bihirang bisitahin, habang malungkot na umiikot ang buhay sa iisang tahanan at parehong tao ang kasama at nakakausap. Siya iyong batang ipinadala sa malayong lugar para “maalagaan.” Dahil sa wakas, may kapatid na siyang babae. Si Sasha. Ang adapted daughter ng Montenegro family. Hindi man sila magkadugo, ngunit paulit-ulit iyong sinabi ng kaniyang ama noong nakaraang buwan: “Kapamilya na natin siya, Sandy. Maging Ate mo siya.” At iyon ang pinanghawakan niya. “Ayon sa Daddy mo, dito rin nag aaral si Ma'am Sasha” sabi ng kaniyang yaya habang inaayos ang bag niya. Agad kumislap ang mga mata ni Sandy. “Talaga?” “Oo. Sikat daw iyon dito.” “Sikat?” Napangiti ang yaya na napatingin sa kanya. "Top student. Athlete. Varsity. Magaling daw sa lahat.” Lalong lumaki ang ngiti ni Sandy. Na parang biglang gumaan ang pakiramdam niya. Ibig sabihin, hindi siya mahihirapang makibagay. Dahil may Ate siyang gagabay sa kaniya. May kasama siyang kakain. May magtuturo sa kaniya kung saan ang classroom at canteen. May sasabay sa kaniya sa hallway. At may taong magsasabi na, "Halika, Sis.” Bigla siyang kinilig sa imahinasyon na iyon. Sa buong buhay niya, wala siyang naging kapatid na babae o naging kaibigan. Lumaki siya sa probinsya. Malayo sa marangyang buhay ng Montenegro family. At ngayong nandito na siya, pakiramdam niya ay magsisimula rin ang totoong buhay niya. “Yaya, mabait kaya si Ate Sasha” excited niyang sabi. Sandaling natahimik ang matanda. “Siguro naman.” Siguro. Hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig. Pero pinili niyang ngumiti. “Aalalayan niya siguro ako, ‘no?” Hindi sumagot ang yaya. Ngunit hindi iyon pinansin ni Sandy. Dahil mas pinili niyang panghawakan ang magandang posibilidad. Pagpasok pa lamang nila sa campus ay agad na siyang namangha. Napakalaki ng school. May mga estudyanteng nagtatawanan. May grupo ng mga varsity, may mga nagpipicture. At may mga estudyanteng mukhang sosyal at mayayaman. Nanliit siya ng bahagya sa sarili. Pero agad din iyong nawala nang maalala niya, na may ate siya rito. Kaya lakas-loob siyang lumapit sa isang grupo ng estudyante. “Excuse me…” Lumingon ang tatlong babae. Ang tatlo ay unang napatingin sa wheelchair niya bago nagkatinginan. “Ah… kilala niyo ba si Sasha Montenegro?” Biglang nagbago ang ekspresyon ng tatlong babae, na parang nagulat. “Si Sasha?” ulit ng isa. “Opo!” Ngumiti si Sandy. “Hinahanap ko po kasi siya.” “Bakit mo siya hinahanap?” sagot ng isa na nasa gitna. “Ah…” mahiyaing ngumiti so Sandy “Ako si Sandy.” Napatigil siya sandali, bago ang puno ng saya na sinabi, “Kapatid ko siya.” Matapos sabihin ni Sandy ang salitang "kapatid" biglang natahimik ang tatlo. Ilang sigundo pa muna ang dumaan dahil nagkatinginan pa sila sa isa't isa. Na parang kailangan pang kompormihin ang kanyang sinabi sa pamamagitan nang pag tataasan nila ng kilay. Pagkatapos, tumawa ang isa sa kanila. “Wait, ano ang sinabi mo? kapatid?” reactions ng isa. Napahalakhak din ang isa sa kanan, bago sabihing, “May kapatid si Sasha?” Napakurap si Sandy. "Ah… oo?” Nagkatinginan muli ang mga babae. Parang may nakakatawang biro silang narinig. “Girl, ang alam namin ay may isang kapatid si Sasha.” sabi ng isa habang nakapamewang Tumango ang kasama nito, “Yup. Yung CEO ng Montenegro Hospital.” Parang may malamig na tubig na bumuhos sa katawan ni Sandy. “Ah…” Napatigil siya uli. “Baka… hindi niya lang po nasabi ang tungkol sa akin” ngumiti ng sapilitan si Sandy "Sa probinsya po kasi ako lumaki.” dagdag pa ni Sandy. Pero tila lalo lang silang natawa sa sinabi ni Sandy. “Ano ka? Secret sibling?” sagot ng babaeng nasa gitna. Nag-init ang pisngi ni Sandy. Hindi niya maintindihan. Bakit ganoon? Bakit parang katawa-tawa ang sinasabi niya? “Pasensya na po... sa tingin ko kailangan ko nang umalis" Mahina niyang sabi bago marahang umalis. Ngunit habang papalayo na siya, ay narinig niya ang bulungan ng tatlong babaeng studyante. “Delulu yata.” “Clout chaser?” “Baka fan lang ni Sasha.” May kung anong bagay na nagpasikip sa dibdib niya. Pero pinili niyang huwag pansinin. Baka nga nagkamali lang sila nang pagkaka-alam. Hindi naman lahat ng tao ay alam ang buhay ng pamilya nila. Hindi naman siya lumaki sa siyudad, lalo na't hindi rin niya kasama ang sariling pamilya habang nagpapagaling siya sa probinsya. Kaya't hindi na siya nagtataka kung hindi siya kilala ng karamihan rito. Normal lang iyon. Ito ang sinasabi niya sa sarili. “Excuse me…” Muli siyang lumapit sa ibang estudyante. “Kilala mo ba si Sasha?” Ngunit parehong reaksyon lang ang kaniyang nakita mula sa naunang grupo na nakausap niya. Napatingin sila sa kanyang wheelchair. Hindi malaman ni Sandy kung sa paa niya sila nakatingin o sa gulong o pustura. Pero mula ibaba hanggang pataas ang screening ng kanilang mga mata. "Huwag ka sanang magtaka sa amin. Ngayon lang kasi kami nakakita ng isang studyanteng naka-wheelchair dito sa paaralan." sinabi ng isa sa mga babae, na halatang iniiwasan ang tingin ni Sandy. Pagkatapos ay biglang tumawa ang tatlo kasabay ng pagtakip ng mga bibig nila. Naisip tuloy ni Sandy, na may mali ba sa taong nagtanong? Ano naman kung naka-wheelchair siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD