“Are you going to spend your day-off with your cousin again?” Romano asked in a calm tone. We were having our breakfast at the moment. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumuntong-hininga. “Romano, sinabi ko na sa’yo kagabi di ba? May pupuntahan kaming magkakaibigan.” “Saan nga yun?” Tanong niya ulit sabay subo ng kanyang pagkain. “Sa Divisoria. Mamimili kami ng mga tela at mag-uukay na rin ng mga damit. At pagkatapos ay dadaan kami sa Quiapo church.” Hindi ako nagsisinungaling. Ito talaga ng plano namin na dapat gawin ngayong araw kung hindi lang talaga ako binulabog ni JK. I woke up from his call. He told me that we would meet at three o’clock in the afternoon! “Hmm… okay. Mag-iingat ka. Maraming snatchers sa paligid.” “Hindi naman ako magdadala ng maraming pera dahil wala naman ako

