IRON'S POV "Mr. Xenon? May we have the answer?" *flash* *flash* Tahimik ang lahat. Sa ganitong pagkakataon, gusto kong makarinig ng ingay. Yung ingay na mangingibabaw sa buong Hall. Yung ingay na pagtatakpan ang anumang sasabihin ni Xenon. Yung ingay na mas gusto kong marinig kaysa naman sa sasabihin niya. "Mr. Xenon?" Muli ko siyang tinignan. Mula sa diretsong pagkakatitig niya sa babaeng reporter ay ang pagtalon ng kanyang mga mata at paglipat-lipat papunta sa kanan, kaliwa, sa akin, sa mic, kumunot ang noo at binalik ulit sa babae ang tingin. *flash* *flash* "Wala. She's not special as what you think she is." HOOH. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi na rin muling nagtanong ang mga taong nasa likuran ko dahil na rin siguro sa tono ng pananalita ni Xenon na parang 'subukan niyo p

