Chapter 23

1904 Words

IRON POV "What will you choose, love or death?" Ibinaba niya ang mic matapos magsalita. Nasa aming dalawa pa rin ni Xenon ang spotlight. Naramdaman ko na mula sa aking tabi ay may nagbigay sa akin ng mic. Yung emcee siguro. Inabot ko iyon at itinapat ko sa aking bibig. Huminga ako ng malalim. Nang marinig ko 'yung 'Death', parang may tumusok sa dibdib ko. Parang may nag-play na alaala ni Artery sa harapan ko. Bumalik sa akin 'yung sakit nang makita ko siyang patay at duguan. Hindi ko maipaliwanag ang hirap na nararamdaman ko ng makompirma nilang patay na siya. Patay na siya at hindi na siya muling babalik pa. Hindi na muli. 'Yung gustong-gusto kong yakapin 'yung katawan niya sa kabaong kaso hindi ko magawa dahil pinipigilan nila akong gawin 'yun. Yung gustong-gusto kong sa huling bes

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD