Chapter 8

1398 Words
IRON POV Nawawala si Dutch Weiss. Nagkakagulo sa buong Holmberg ngayon ngunit kakaunti pa lang ang nakakaalam. Sakto lang ang oras ng pagdating ko sa unibersidad. Tulad ng dati, mas nauna pa rin si Fleen sakin at sinalubong niya ako---sa van. Mabilis kumalat ang balita na may nawawalang estudyante pero kay Cream ko lang nalaman na si Dutch iyon. Kung paano, kailan, at bakit, iyon ang hindi ko pa alam. Patuloy pa itong iniimbestigahan ng mga awtoridad. Palihim na pumapasok ang iba't ibang nasa kapangyarihan para alamin ang lahat ng impormasyon sa likod ng insidenteng ito. Ayon sa pagkakaalam ko, ito ang kauna-unahang beses na may mangyaring ganit na mawalan ng estudyante ang Holmberg ngayong matindi ang seguridad sa lugar na ito. Kaya sa tingin ko, ang pagkawala ni Dutch ay nangyari sa labas ng paaralan. Pero kahit na malaki ang posibilidad na sa labas nga nangyari ang pag-kidnap, kinakailangan pa rin ng Holmberg na gumawa ng aksyon tungkol dito dahil kahit anong gawin nila, dawit ang pangalan ng unibersidad sa pangalan ni Dutch Weiss. At dahil nawawala si Dutch, apektado rin kami. Kanina lang, nagdesisyon ang Holmberg government na bawasan ang mga media na papasok sa unibersidad para makontrol ang paglabas ng issue tungkol sa nawawalang estudyante. Mula sa bilang namin na labingtatlo, itinira ang tatlo dito at natanggal ang sampu. Isa na sana kami ni Fleen sa mga matatanggal ng grupo ng mga journalist, pero pumagitna si Cream at sinabing tatanggalin niya ang investment ng kanyang pamilya sa oras na tanggalin din kami ng Holmberg government sa mga mananatili sa school campus. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Cream bakit niya ginawa iyon. Pero siguro, natutuwa lang siya na may kakilala siyang isang journalist, gusto ko sanang tumawa sa ideya kong iyon. Hindi alam ni Cream na hindi journalist ang kakilala niya, kundi isang agent ng nagbabalat-kayo, isang detective na magaling magpanggap, isang babaeng magaling pumatay ng tao. "Kamusta na yung imbestigasyon?" tanong ko kay Cream. Kasalukuyan kaming naglalakad sa school ground. "Wala pa ngang resulta eh. Pati ako, nababahala na rin." Hindi pwede ito. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari, kung ano na ang nalalaman ng mga imbestigador, kung nasaan na ngayon si Dutch Weiss. Dahil hindi na ito tungkol lamang sa isang pin. Tungkol na ito sa isang babaeng nakausap ko lamang no'ng isang araw na binalaan ako sa taong dapat ko raw pigilan. Tungkol ito sa taong maaaring maging susi para matapos ang misyon ko. "Teka, hindi ka na naman ba papasok sa room mo? Class hours ngayon." "Kung papasok ako, ako lang ang nasa room ngayon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Bukod sa amin na naglalakad, may iba pang tao ngayon dito sa school ground, may mga pulis, mga imbestigador, tauhan ng Holmberg government, at iilang estudyanteng may gintong pin sa kaliwang dibdib na nagkalat. At dahil class hours ngayon, sinasamantala ng mga awtoridad na libutin ang Holmberg ng tahimik upang walang maabala na estudyante. Nasa room na din ang lahat ng mag-aaral, at dahil dito ginamit nila ang oras para papasukin ang awtoridad. Iniiwasan kasi ng Holmberg government na may mamuong issue pag nakita ng estudyante na may mga awtoridad sa loob ng kanilang paaralan. "Lahat ng Almighty nasa labas ngayon." "Bakit?" "Binigyan kami ng pribilehiyo na alamin ang buong istorya tungkol sa pagkawala ng isang Behemoth at ngayon lang ito mangyayari." "Isang Behemoth?" "Si Dutch Weiss ay kabilang sa section ng mga Behemoth, at ngayon, inaakusahan ng ilang mga Behemoth na isa sa mga Almighty ang may gawa ng lahat." "Lahat ba ng may golden pin sa kaliwa nilang dibdib ngayon ay Almighty?" "Oo, at kami lang ang meron nito." Unti-unting nagiging malinaw sakin ang lahat. Almighty pin. Kaya pala ang Almighty pin ang tawag dahil pagmamay-ari lamang ito ng isang section. "At nagagalit sila dahil kami lang ang meron nito." Pinaparatangan nila ang Almighty na isa sa kanila ang may sala dahil naiinggit sila na may Golden pin ang mga Almighty? Napakababaw naman ng kasagutan na iyon. "Teka, nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain?" "Wag na. Busog pa ko." Tumango-tango siya. Habang naglalakad kami ay napansin ko na patungo ang direksyon namin sa office ng Holmberg. Maganda na rin siguro na kakilala ko si Cream at kasama ko siya ngayon. Dahil sa kanya, nalalaman ko ang ibang detalye ng sagot sa mga tanong ko. "Ngayon ko nga lang nalaman ang tungkol sa existence ng isang Dutch Weiss eh. How awful I am," umiiling na sabi niya. "Paano? Eh puro ka lang naman pambabae." Mabilis siyang lumingon sakin at dinipensahan ang sarili. "Hindi mo naman ako nakitang nambababae ah! 'Di ba?" "Hindi pa nga, pero 'yun ang description nila sakin sayo. At mukha ngang gano'n ka." "O-oy--!" I smirked. Parehong-pareho sila ni Fleen, masarap asarin. Wala sa loob at isip ko na papasok kami ng office. Kasi itong si Cream eh. Pagkabukas ng pinto ng office, nakita ko agad ang mga tao sa loob. Kung hindi ako nagkakamali, nasa table niya ngayon ang principal ng Holmberg, nasa harapan naman nito ang isang malapit ng umiyak na matandang babae at lalaki. Agad tumungo ang mga tingin ko sa taong nilapitan ni Cream. "Kamusta?" tanong ni Cream. Umiling lang ang lalaki. Lalaking pamilyar sakin. Kulay tsokolate ang buhok niya at maayos na nakasuot sa kanya ang tuxedo na uniform ng buong unibersidad. Tumango si Cream at lumapit sa isa na namang lalaki na nasa likod ng may kulay tsokolateng buhok. Tsk. Nakakainis naman si Cream. Bakit niya nilapitan yung lalaking iniiwasan ko magmula nang binuksan niya 'yung pinto? "Pwede ba kaming umupo?" tanong ni Cream sa lalaking itim na itim ang buhok at naka-tuxedo din. Tumango lang ang lalaki. Nginitian siya ni Cream ngunit ikinagulat ko ng biglang inilapit ni Cream ang kanyang labi sa tenga ko. "Siya 'yung lalaking dapat mong pasalamatan, hindi ako," bulong ni Cream. Kung maaari ko lang talaga sikuhin si Cream, ginawa ko na kaso nahiya lang ako dahil sa sinabi niya dahil kahit na bulong lang iyon, feeling ko narinig pa rin ng lalaking tinutukoy niya iyon. Nalipat ang mga mata ni Cream sa lalaking nasa harapan namin. "Iron, this is Xenon. Xenon, this is Iron. Shake hands na," sabi ni Cream. At ngayon naman, pinapakilala niya na kami sa isa't isa. Bwisit. Inilabas ko ang kanang kamay ko mula sa bulsa ko at nginitian ko ang taong nasa harapan ko ngayon. Nang magdampi ang mga balat ng kamay namin, mas lalong tumindi ang lamig na nasa kamay ko. Natural na 'yun. Mabilis akong lamigin kaya hindi ako sanay sa aircon at kawawa ako pag tag-ulan. Halos hindi kasi ako makagalaw dahil sa lamig, nando'n lang ako sa kama ko at nagtataklob ng kumot. Mabilis lang ang takbo ng mga pangyayari, naghiwalay na kagad ang mga kamay namin, binigyan niya ako ng isang halatang pilit na ngiti at napunta na ang kanyang mga mata sa lalaki at babae na nasa harapan ng principal. "We will do everything to solve this case and to get her back," wika ng principal. Nagpunas ng mga luha ang babae. "Ano po ba 'yung huling text sa inyo ni Miss Weiss?" "Nagpaalam po siya *hik hik* sa akin na may pupuntahan sila ng mga kaibigan niya *hik hik*" "Kaibigan niya na nag-aaral din dito sa Holmberg?" tanong ng principal. Tumango ang babae. "Isa rin ba siyang Behemoth?" paglilinaw ng principal. "Siguro po." sagot ng babae. Nagbalak ako na maglakad na palabas na ng office pero nahawakan ni Cream ang wrist ko. "Saan ka pupunta?" "Ah... sa cr. Babalik ako," nagbitaw ako ng isang genuine smile sa kanya at lumabas na mula sa office. Pero imbes na tumungo ako sa restroom ay sa ibang building ako pumunta. Tinignan ko ang oras, malapit nang mag-break. Tahimik kong narating ang isang room at hindi ako magkakamali na iyon ang room na sinadya ko. Two minutes... One minute... *ring.ring.ring* Naglabasan na ang mga estudyante hanggang sa naubos na ang mga mag-aaral sa room na inaabangan ko. Nang masiguro ko na ang lahat, pinasok ko ang kwarto ng mga Behemoth at nakita ko ang taong nasa loob ng kwartong iyon at nag-iisa. "Sumama ka sakin," hinigit ko ang braso niya at hindi pinahintulutan na magsalita. "Teka---!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD