Chapter 11

1922 Words
IRON POV "Sakay." Imbes na sumakay ay nanatili lang siyang nakatayo sa harap ng kotse. Gusto yata ng babaeng ito ng panibagong sakit eh. "Sasakay ka ba o gusto mong barilin ulit kita?" "Hayop ka!" nagngangalit niyang sinabi sakin 'yun. Pasakay na kami ng sasakyan kaso dahil nabaril ko nga sa binti ang babaeng ito, ayaw niyang magpatulong na tumayo kaya hirap na hirap siyang alalayan ang sarili niya. Galit na galit nga siya sakin eh. "Sumakay ka na kung ayaw mong mahirapan," banta ko. "Saan mo ba ako dadalhin?!" bulong niya na may halong galit. Alam niya kasi na bawal siyang sumigaw at mag-eskandalo. May mga maaalarmang tao pag ginawa niya 'yun. "Sa Hospital. Maniwala ka." Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sumakay nga siya sa kotse ko. Inilabas ko ang lubid na ginamit ko bilang panali sa mga kamay ni Chill kahapon at itinali ko ang kamay niya pati na rin ang mga paa niya. "T-Teka, a-anong ginawa mo?" "Mahirap na, baka mamaya saktan mo pa ako eh." Pinaandar ko na yung sasakyan papunta sa bahay. Kumpara kay Chill, mas rebelde ang isang ito. Pinipilit niyang makawala sa pagkakatali niya kahit alam niyang humahapdi sa sakit yung binti niya. Tsk. ---- Nandito na kami sa bahay ko. Halos isang oras ang itinagal namin sa kalsada dahil sa traffic at layo. Hininto ko ang kotse at nakita ko na si Gabrielle na nasa tapat ng pinto ko. Tinext ko kasi siya na puntahan niya ako sa bahay dahil may gagawin siya para sakin eh. Bumaba na ko ng kotse at kinuha ang susi ng bahay para buksan ito. Narinig ko pa 'yung babae sa loob ng kotse ko na nagwawala sa loob. "Akala ko, mapapatay mo 'ko pag na-late ako sa pagpunta rito, 'yun pala fifty-six minutes kang late at pinaghintay ako. Tsk," umiiling na sabi niya. "Nando'n siya sa loob," tanging wika ko. Nabuksan ko na ang pinto ng bahay. Agad akong sumalampak sa sofa ko na napakahaba. Hindi ko naman alam na nakakapagod pala ang bumyahe. Buti na lang at may napala ako sa paghahanap kay Alessandra. Ilang segundo lang akong nakaupo sa sofa dahil natanaw ko na agad si Gab na buhat-buhat ang babae kaya naman tumayo ako at inihiga ni Gab si Sandra sa sofa. Halos maligo na ang binti ng babae dahil sa dami ng dugo na lumabas mula sa pagkakabaril ko sa kanya. Tumingin sakin si Gab at nagsalita. "Kailangan na siyang madala sa Hospital, Iron. Kung hindi..." Tumango ako. "Kung may alam ka na maaaring gawin para mabawasan ang p*******t ng sugat at paglabas ng dugo pansamantala, gawin mo muna ngayon pa lang. May kailangan pa ako sa kanya." Tumango si Gabrielle sa sinabi ko. Ibinalik niya ang tingin niya kay Sandra at mula sa dala niyang bag ay naglabas siya ng mga materyales para simulan ang kailangan niyang gawin. Hindi ko pwedeng ipadala si Sandra sa Hospital dahil mas uunahin ko pa ang tungkol sa pagtatanong kay Dutch kaysa isipin ang kalagayan niya. Nang makalipas ang kalahating oras ay ibinalik sakin ni Gab ang tingin niya at tingin ko ay okay na. Niligpit ni Gab ang lahat ng materyales na ginamit niya at tsaka lumapit sakin. "Iron, dalhin mo kagad siya sa Hospital natin right after mo siyang gamitin. Kahit na binti lang ang natamaan mo, still, maaari pa ring manganib ang buhay niya," sabi ni Gabrielle matapos ay lumabas na siya ng bahay. Hinatid ko siya hanggang sa gate. Isinarado ko na rin ang pinto ng bahay para walang makakita at makarinig sa kung anuman ang pag-uusapan namin ni Alessandra McCartney. Kaso, I was about to turned and faced her but her both hands suddenly landed on my neck. Sinasakal niya ako! "S-s**t! W-What the f**k are you doing?!" sabi ko habang pinipilit kong magpumiglas sa pagkakasakal niya sakin. Ngumisi lang siya sakin at mas hinigpitan niya pa ang pagkakasakal niya sa leeg ko. Damn! Dapat tinuluyan ko na ang isang ito! Mabilis kong inilabas ang baril na nasa bulsa ko at itinutok ko ang dulo nito sa tiyan niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil siguro, naramdaman niya na ang maaaring tumapos sa buhay niya. Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko dahil dinidiinan ko ang pagtutok ng dulo ng baril ko sa tiyan niya. Ganun nga ang nangyari hanggang sa tuluyan ng naghiwalay ang mga balat namin. "Umupo ka sa sofa, dali," sabi ko habang inaayos ko ang suot ko. "Nakapuntos ka sakin. 'Wag kang mag-alala, mas dadali na ang pagtapos ko sa buhay mo." Napainom pa ako ng tubig dahil feeling ko matutuyuan ako sa ginawa niyang pagsakal sakin. "AAAAHHHH!" sigaw niya. I smirked. "Kahit ilang beses ka pang sumigaw, walang makakarinig sayo. Believe me. Mapapagod ka lang." "Bwisit! Bakit mo ba kasi ako dinala dito? Akala ko ba sa Hospital mo ako dadalhin?!" "Lesson number one, don't trust strangers." Sinamaan niya ako ng tingin at dahil do'n, napangisi ako. "Sa oras na makawala ako rito, isusumbong kita sa pulis! Sigurado akong mabubulok ka sa bilangguan!" Umiiling-iling ako sa sinabi niya. "Pwedeng-pwede kang tumakas dito sa bahay ko kahit kailan mo gustuhin. Ang tanong, ako ba talaga ang karapat-dapat na mapunta sa bilangguan? Ako na ang ginawa lamang sayo ay hulihin ka at..." pinutol ko ang sasabihin ko. Ipinukol ko ang tingin ko sa binti niya na binaril ko. "At barilin ang binti mo. O ikaw na..." Huminga ako ng malalim at nagsalita. "O ikaw na..." Tinitigan ko siya, mata sa mata. "Baka nga lumapit lang sa pulis hindi mo pa makaya. Tama ba ako, Sandra?" Napaiwas siya ng tingin sakin. "A-Ano ba kasing kailangan mo sakin?! Pakawalan mo na ako rito!" "Kailangan ko sayo? O kailangan mo sakin, Alessandra?" Nakaupo siya sa sofa ko na kaharap ng couch na kinauupuan ko. Magkaharap kami ngayon. "S-Sino ka ba? W-Wala naman akong atraso sayo ah!" "Wala. Pero kay Dutch Weiss, mukhang meron." Nanlaki ang mga mata niya at halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Si Chill Haugen ang nagsabi sakin ng tungkol sayo, kilala mo siya?" Tumango lang siya. "Alam mong nawawala si Weiss, di ba? Anong nangyari?" tanong ko. Hinintay ko ang pagsagot niya pero wala siyang naging reaksyon. Napako lang ang tingin niya sa sahig ng bahay ko. "Si Chill ang nag-umpisa ng kwento pero iniwan niya itong nakabukas at hindi pa natutuldukan. Ngayon, umaasa ako na ikaw na ang tatapos sa istorya. Maaari ba?" mahinahon na paliwanag ko. I swear. I hate the tone that I used. "H-Hindi ko alam kung anong nangyari. B-Bigla na lang silang nawala. Maniwala ka, wala akong alam..." may pagmamakaawa sa tono ng boses niya. "Nawawala si Dutch Weiss at kayo, ikaw ang huli kong nakitang kasama niya bago nabalitang nawawala siya. Kung gusto mo na maresolba ang kasong ito... makipagtulungan ka sakin, Miss McCartney." Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Saan nagtapos ang kwento ni Chill?" and with that, I smiled. "Ang sabi niya, pauwi na siya nang may dumating na hindi niya kilalang lalaki. Dagdag pa niya, kilala mo raw ang lalaking ito," panimula ko. "Kilala ko siya pero hindi buong pangalan ang alam ko dahil hindi naman ako taga-Holmberg." "Anong pangalan no'ng lalaki?" "Nickname lang ang alam ko sa kanya and it's Orange." "Bakit siya pumunta sa tambayan niyo? Sinong nagsabi na pumunta siya do'n?" "Biglaan ang lahat. Walang nagsabi. Random days kung pumunta siya do'n at hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa tambayan namin. Nakilala ko lang siya dahil nagkalaban kami sa isa sa mga arcade do'n sa tambayan." I nodded. "Please resume the story." "Nang magpasya si Chill na umuwi ay siya namang dating ni Orange. Kaunting oras lang nung magpang-abot sila sa tambayan. Nagyaya si Colleen na maglaro kami ng kahit anong simple games. Um-agree naman kaming tatlo kaya ayun, halos isang oras at kalahati kaming naglaro. Pero kasi habang tumatagal kami sa paglalaro, may napansin ako sa inaasal ni Dutch---" "Ano?" "Naka-silent lang yung phone niya pero kada nagliliwanag ito, nanginginig niyang binubuksan at binabasa ang message na natatanggap ng phone niya. Magkakaharap kasi kaming apat. Magkatabi kami ni Colleen at magkatabi naman sa harap namin si Orange at si Dutch pero hindi yata napapansin ni Orange ang gano'ng nangyayari sa katabi niya." "Tapos?" "Tapos naglaro kami ng spin the bottle, do'n ko na mas napapansin 'yung kakaiba kay Dutch. No'ng isang beses nga, nagtatawanan kami tapos narinig namin siyang biglang tumili kaya natigil kami sa pagtawa namin at nagulat din siya sa ginawa niya, siguro... kasi nahulog niya 'yung phone niya nang hindi sinasadya." "Hanggang sa pumunta sa restroom si Orange at naiwan kaming tatlo. Do'n na namin napagdesisyunan ni Colleen na kausapin si Dutch. Tinitigan kami ni Dutch ng matagal bago ito nagsalita. At alam mo ba kung anong sinabi niya?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano?" Ngumiti siya sakin sabay sabi ng mga salitang... "May mawawala, may magtatago, at may mamamatay. Gusto ko ng tumakas pero hindi pwede... at hindi matatapos ang araw na ito nang hindi iyon nagkakatotoo. 'Yun ang kumpletong sinabi samin ni Dutch at matapos no'n ay nakabalik na si Orange mula sa restroom. Natahimik na lang kaming tatlo hanggang sa magyaya si Orange na uminom." "Uminom kayo?" Wala siyang naging sagot. "s**t! Bakit kayo umino---" "Si Colleen dapat ang bibili no'n pero since nagkukuwentuhan sila ni Orange ay nagprisinta na lang ako na ako na ang bibili. Lumabas ako ng tambayan at naghanap ng tindahan na nagtitinda ng alak. Hindi nagtagal ay nakahanap ako ng tindahan na may alak, sakto pa nga na iinom kami dahil maggagabi na." "Tapos?" "Bumili ako ng dalawang Emperador, dalawang San Mig Light, at apat na Beer. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng tambayan dahil ang bigat ng dala ko pero pagbalik ko... patay na ang ilaw. Malawak ang tambayan namin kaya marami ang ilaw na pinapagana do'n pero ni isang ilaw, walang nakabukas." "Nagbukas ako ng isang ilaw dahil 'yun lang ang kaya kong buksan dahil sa dami ng dala ko. Nang makarating ako sa pwesto namin, wala na sila do'n... At alam mo ba kung anong nakita ko do'n?" "A-Ano?" "M-Malapit doon sa table namin kanina kung saan kami nag-stay ay may isang kutsilyo na nasa sahig, may bahid ito ng dugo na sa pagkakaalam ko ay wala kanina. Walang kutsilyo at mas lalong walang dugo. Noong una nga, inisip ko na baka joke time lang ang lahat, na baka pinagtitripan lang nila ako. Pinagtataguan, gano'n. Pero nalibot ko na ang buong tambayan, wala talaga. Wala sila." "Anong ginawa mo matapos no'n?" "Kinabukasan, tinawagan ako ng mga magulang ni Dutch. Tinatanong nila kung nasaan ang anak nila kaso wala rin naman akong maisagot sa kanila dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot." "Si Colleen?" "Wala din siya sa trabaho niya. Sa apartment niya, wala rin." Sabay silang nawala? Pero bakit? Narinig kong humihikbi siya. Tsk. Ayokong makakarinig ng iyak pero... "Ipasusundo na lang kita mamaya para magamot ka na nila sa Hospital," sabi ko. Tatalikod na sana ako pero ikinagulat ko ang paglapit niya sakin. "P-Pwede bang dito muna ako mag-stay?" I raised my eyebrow. "Bakit?" "Baka kasi puntahan na naman ako sa bahay nung lalaki na---" "May tattoo sa wrist? Tama ba ako?" dugtong ko sa sinabi niya. "Oo. Grabe---" "Alam mo ba kung anong pangalan niya?" "Binanggit niya sakin---" "Sino siya?" "Helix Craig."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD