Grae
Binabagtas namin ngayon ang daan pauwi sa apartment na inuupahan namin nila Cholo at Lizette. Siguradong naga-alala na sila ng husto dahil umalis ako ng walang paalam. My cellphone’s turned off dahil dead battery na at I can imagine the horror of their faces when I go home after I left them in the bar without saying a word.
Tahimik lamang kami ni Alfie sa loob ng sasakyan. No one dares to break the silence. Nagpapakiramdaman lamang kaming dalawa. Sa tuwing gagalaw ako, agad siyang lumilingon sa akin. Ganoon din ako sa kanya.
Hindi naman ako inosente sa mga ganitong bagay. My friends were very graphic each time they talked about s*x and their experiences. Ako na lang yata ang birhen sa amin. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil wala naman akong naging boyfriend. Meron namang mga pumorma noon pero kapag kumakalat na nililigawan nila ako, bigla na lang silang tumitigil.
Naisip ko tuloy, pang-secret relationship lang yata ako.
But look at me now, I never had a boyfriend but I’m already tainted and marked by someone who’s not even my boyfriend.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
Hindi na yata natagalan ni Alfie ang pagiging tahimik ko kaya itinabi niya na ang kotse niya at hinarap ako.
“Hey… Are you okay? You’re making me worried.” He said. I looked at him with a blank expression.
“Aren’t we supposed to go separate ways after we had s*x? Hindi ba gano’n naman ang one-night stand?” I asked.
I saw how his jaw clenched with my questions. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tanong ko sa kanya. Pero this whole thing is confusing me. Ang namumuong emosyon sa puso ko ang nagu-udyok sa aking umasa na baka pwede kaming dalawa…beyond s*x.
Relationship, or even friendship.
O baka naman nagi-guilty lang siya dahil birhen ako nang makuha niya.
I smirked at my own thoughts.
Hindi niya ako sinagot at hinarap na lamang ang kalsada. “Bakit ba kanina mo pa idinidikdik sa akin ‘yan, Grae?”
I laughed sarcastically. “Because this whole thing is making me confuse! You are supposed to let me go out in your condo after we did that…thing! Pero ano’ng ginagawa mo? You’re showing concern towards me? May pahatid pa talaga?”
Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. I know it hits him.
Sinimulan niyang paandarin ulit ang sasakyan niya. “Don’t worry, we won’t see each other again after this. If this is bothering you, just treat it as my act of kindness.” He coldly said.
Hindi na kami nag-imikan hanggang sa marating namin ang apartment ko. I took off his jacket at inilagay sa upuan.
“Thank you.” I said. Hindi siya sumagot o lumingon man lang sa akin. Nang makababa ako sa sasakyan niya, mabilis niya iyong pinasibad.
Tinungo ko na ang gate ng apartment namin. Bukas na ang ilaw sa sala, ibig sabihin, isa sa dalawang kasama ko ay gising na. Binuksan ko ang pintuan at nadatnan ko si Lizette na nagka-kape sa mesa.
“G-good morning…” alangan kong bati sa kanya.
Tiningnan niya ako at ngumiti siya ng nakakaloko. “Good morning!” maaliwalas na bati niya.
Bahagyang nangunot ang noo ko sa inaasal niya pero hindi ko na iyon pinansin. Dahan-dahan akong pumanhik sa taas pero hindi pa ako nakakapangalahati ay binabaan ko siya.
Bakit parang hindi siya nag-aalala sa akin na umuwi ako ng ganitong oras? O nang iwan ko na lang sila kagabi ng walang paalam?
Nadatnan kong nagse-cellphone si Lizette habang humihigop ng kape. Nag-angat siya ng tingin sa akin ng mapansin niyang bumaba ako ulit. Nakataas na ngayon ang isang kilay niya.
“Oh? Bakit ka bumaba?” tanong niya.
Lumapit ako sa kanya at humalukipkip. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit ngayon lang ako umuwi?”
She smirked at saka umiling. “Hindi.”
My brows furrowed by her answer. “Hindi mo ako uusisain kung bakit iniwan ko kayo sa bar kagabi nang hindi nagpapaalam?”
Nangingiti na siya sa mga tanong ko. “Hindi rin.”
“Hindi mo ako tatanungin kung saan ako nanggaling kagabi?” I asked again.
Bumunghalit na siya ng tawa sa huling tanong ko. Confusion marred on my face when she laughed hysterically. Padarag kong kinuha ang isang upuan at naupo sa harap niya.
“Girl! Everyone knows kung sino ang kasama mo kagabi! At may idea na ako kung ano’ng nangyari sa’yo the whole night!” she said. Ininguso niya ang parteng dibdib ko.
Nangungunot ang noo kong tiningnan iyon. s**t! Kitang-kita ang mga hickeys ko!
Humalakhak siya habang hawak pa ang kanyang tiyan nang ma-realize kong nakita niya lahat ang markang ginawa sa akin ni Alfie. Agad ko iyong tinakpan gamit ang mahabang buhok ko pero hindi iyon nakatulong dahil hanggang lampas balikat lang ang haba no’n. Uminit ang pisngi ko sa maaaring naisip ni Lizette.
“You were with the hottest bachelor in town last night, Grae! Walangya, hindi ka pa nagkaka-boyfriend pero ang first experience mo, isang Villanueva!” palatak niya. Inayos niya ang pagkaka-upo niya at hinawi pa ang buhok ko para silipin ang mga markang iniwan sa akin ng lalaking iyon.
She inspected my neck. “Grabe, Grae! Ang lalaki ng pantal mo. Sarap na sarap siguro sa’yo ‘yon. Virgin ba naman eh!” Nawindang ako sa klase ng pananalita ni Lizette. Her words are very vulgar. Ako ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya. Buti na lang, kaming dalawa lang ang nandito. Kung hindi, baka mangulay kamatis ang mukha ko sa sobrang pula.
“Lizette! ‘yung bunganga mo!” I eyed her pero hindi siya tumigil. Instead, ngiting-ngiti pa siya habang naga-abang sa kwento mo.
“So ano? Magaling ba? Sigurado ‘yon! Daming nabaliw doon eh!” she said.
Lumabi ako sa sinabi niya sa akin.
“Malay ko. Wala naman akong point of comparison.”
Lumukot ang kanyang mukha. “Ay. Oo nga, ‘no? First time mo nga pala.” aniya.
I held her arms. “Secret lang natin ‘to, ah?” If I need to plea to her so no one of my friends will know this, gagawin ko.
“Secret na alin? Eh alam nang lahat na sumama ka sa kanya kagabi. We were looking for you last night, pero nang may nakapagsabi sa amin na lumabas kayong dalawa sa bar na iyon nang magkasama, hindi ka na namin hinanap.” Sabi niya.
I sighed and made face. Wala na pala akong maitatago sa kanila.
“So, tell me. Totoo ba ang usap-usapan?” she asked again. Ang kulit naman ng isang ‘to.
“Na?”
“Daks daw?” Patuyang sabi niya. He even smiled evilly habang inaangat-angat ang mga kilay niya.
“Lizette!” Saway ko sa kanya. Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko sa taas. I will not entertain her questions. Nakakaloka.
“Grae, nakailan kayo? Nag-enjoy ka ba?” pahabol na tanong niya.
“Ewan ko sa’yo!” I shouted. She laughed hysterically. Siya pa ang mas excited sa nangyari sa akin samantalang ako, para akong lumulutang sa ere dahil hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.
Sumigaw siya ulit. “Masakit lang sa una, Grae pero mawawala din ‘yan agad!” At saka humalakhak ng malakas. Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko. I locked my door and leaned on it.
I closed my eyes when I remembered what happened last night and how I got affected when he showed concern towards me. I felt special kahit gano’n ang unang nangyari sa pagkikita namin. He even know my name. Pero parang dinaganan ng mabigat na bagay ang dibdib ko sa mga huling sinabi niya bago kami nagkahiwalay.
I heaved out a sighed. Dapat kalimutan ko na itong nangyari. Tapos na, I already gave myself to him. Hindi ko na dapat ito ginagawang big deal dahil wala akong mapapala kung magiging sentimental pa ako sa pagkawala ng virginity ko.
Sayang. Ang plano ko pa naman sana ay ibigay iyon sa lalaking pakakasalan ko. I don’t have bad blood sa mga babaeng hindi na birhen nang hindi pa ikinakasal pero that is my own perspective. It is my way of showing my love to the man I’m going to spend the rest of my life with.
Nahiga ako sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan. At habang malalim akong nag-iisip, unti-unting bumagsak ang mga mata ko at nakatulog na ako ng tuluyan.
Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko. Pawis na pawis ako. I looked at the wall clock hanged inside my room at nakita kong alas dos na pala ng hapon. Hindi ko nai-on ang electric fan bago ako matulog.
Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan ko. Gusto ko nang maligo dahil nanlalagkit na ako. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Napansin ko ang katahimikan ng buong bahay. Umalis ba sila? My stomach churned, too. Gutom na gutom na ako. Kagabi pa ang huling kain ko and I already skipped two meals. Nilapitan ko ang mesa sa kusina at may napansing note na nakadikit sa food cover.
“Umalis kami ni Cholo. Nagluto na ako ng pagkain mo, mahal na prinsesa. Palakas ka! XD – Lizette”
I scoffed at her note. Tinupi ko iyon at natakam nang makita ko kung ano ang ulam. Adobong manok!
Muli ko itong tinakpan at tinungo na ang banyo. Mamaya na ako kakain pagkatapos maligo.
While scrubbing my body, hindi ko maiwasang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa amin. Hindi ko na matandaan kung ilang beses naming ginawa iyon. At sa tuwing natatapos kami ay mas lalong tumitindi ang pagnanasa naming umulit pa.
Maliwanag pa sa isip ko ang mga daing namin sa isa’t-isa, ang bawat paghaplos niya sa katawan ko, ang init na pinagsaluhan namin at kung paano namin narating ang rurok. I gulped when I felt the fire that started to crawl in my body.
I shook my head. Hindi maganda ito. Hindi ko na dapat iniisip ‘yon.
Isa pa, kailangan ko nang maghanap ng trabaho. Ngayong nakapagtapos na ako, siguradong matitigil na rin ang pagsustento nila Papa sa akin. Gusto ko na ring makatulong dahil ilang taon ding nahinto sa pag-aaral ang mga kapatid ko para magbigay daan sa akin.
After I took a bath, mabilis akong nagbihis at bumaba ulit para kumain. Nagsuot na lamang ako ng t-shirt para hindi makita ang pantal sa dibdib ko. Inayos ko na lang ang buhok ko para takpan ang mga pantal ko sa leeg. Ni-charge ko ang cellphone ko sa sala at binuksan ang TV, sumandok ako ng pagkain ko bago ko naisipang doon na lang kumain. I was enjoying my food while watching a local movie when someone knock on the gate. Nang sinilip ko sa bintana kung sino ‘yon, I was surprise when I saw Alfie standing outside.
Agad kong ibinaba ang kurtina nang makita siya roon. Lalabas pa ba ako? Hindi naman niya alam na may tao rito. Kung hahayaan ko na lang siyang kumatok doon hanggang sa magsawa, panigurado aalis din iyon.
Pero hindi kinaya ng konsensya ko ang naisip ko. Sandali akong nag-ipon ng lakas ng loob bago ako lumabas sa apartment. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa gate para buksan iyon. At nang magtagpo ang mga mata namin, para akong matutunaw sa kinatatayuan ko dahil diretso niya akong tinitingnan.
I cleared my throat before I speak. “B-bakit?” I asked.
He handed me a white clutch bag. Nang mapansin kong ito iyong clutch bag ko, kinuha ko iyon sa kanya.
“You forgot your clutch bag. Nakita ko ang mga identification cards mo kaya I thought it’s important.” He said.
Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko na iyon binuksan dahil alam ko namang walang mawawala doon. Hindi ko pa rin tinatanggal ang tingin ko sa kanya.
“Don’t worry, I just dropped by to give you that. I’m going now.” Sabi niya.
Tumalikod na siya at tinungo ang sasakyan niya. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa pagbalik niya sa bag ko.
“Sandali lang…” I said. Mabilis siyang lumingon sa akin nang pigilan ko siya.
Humakbang ako papunta sa kanya. Nang makalapit ako, I gave him a small smile.
“Salamat.” I said. Hindi siya umimik pero tumango lamang siya. I saw that as an opportunity to talk more.
“Saka... Uhm…” Iniwas ko ang tingin ko at humugot ng hangin.
Kaya mo ‘to, Grae, I said to myself.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. “Did I…pissed you off this morning?” I asked.
He gulped. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin. It screams seriousness with a hint of hopefulness.
He nodded. “Yes.” Tipid niyang sagot.
Tumungo ako nang marinig ko ang sinabi niya. Para akong naghahanap ng lakas ng loob sa pagtingin ko sa baba. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya.
“I’m sorry. Hindi ko kasi alam kung paano ang dapat gawin sa mga ganoong sitwasyon. ‘yong pakikitungo ko kanina, base lang ‘yon sa mga naririnig ko sa mga kaibigan ko.” I explained.
“I understand.” Sagot niya.
I heaved a sigh at muling nagsalita. “If you…don’t notice, I… I was a… v-virgin.”
Tumaas ang kilay niya. “I know.”
Tumango ako. Atleast he knew. He acknowledge it.
“Hindi ko alam na…pwede palang iba-iba ang pakikitungo sa gano’n.” sabi ko.
“I am not a jerk, Grae. I can’t allow you to go home alone after what happened.” Paliwanag niya.
I bit my lip. “G-ganoon ka ba talaga palagi? I mean, hinahatid mo rin ‘yong mga babae mo after you…do that?” tanong ko.
I saw how his lips parted with my questions, ngunit mabilis siyang nakabawi. “Hindi.”
I scoffed. “So exemption pala ako. I feel special naman.” Hindi ko naiwasang makaramdam ng kaunting ligaya nang marinig kong ako lang pala ang hinatid niya sa lahat ng babaeng dumaan sa kanya pero agad iyong napalitan ko ng pait ng ma-realize kong isa lang din ako sa mga babaeng dumaan sa kama niya.
“I don’t bring women in my condo, too. Mostly, hotels.” Diretsahan niyang sinabi sa akin.
I faked my giggle. I nodded at him. “So what makes me different among others?” I asked.
Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Mali yatang itinanong ko pa iyon sa kanya.
I smiled sweetly at him. “Huwag mo nang sagutin ‘yon. By the way, thank you for bringing me home safely.”
He smiled. “It’s nothing. As long as your safe.” Aniya.
“Alfie, may ipapakiusap sana ako sa’yo.” I said seriously. Hindi siya umimik at hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
“Pwedeng sa susunod na magkita tayo, huwag na lang tayo magpansinan? Alam kong mayabang ang tingin mo sa akin dahil sinasabi ko ito sa’yo ngayon pero… I’m trying to move on sa nangyari.” I said.
Hindi siya nakapagsalita ngunit kalaunan ay tumango siya. “If that’s what you want. Aalis na ako.” paalam niya.
Mabilis siyang sumakay sa kanyang sasakyan bago umalis sa lugar namin. I sighed when finally, I was able to say what’s on my mind.
Pumasok na ako sa loob at isinara ang gate.
Weeks have passed after that incident, unti-unti ko nang nakakalimutan ang nangyari sa akin. After oath-taking, I busied myself by submitting applications to various hospitals and clinics in the city. Kahit minimum wage lang muna, ang importante ay makapasok agad ako sa trabaho. Nahihiya nga ako kay Cholo dahil siya muna ang sumagot sa contribution ko sa renta ng apartment ngayong buwan. Hindi kasi nakapagpadala si Papa dahil malaki ang nagastos niya sa review ko.
I was browsing in my laptop in an online employment website nang makita ko ang isang vacancy roon. SVN Corporation. Company Nurse. Licensed nurse, no experience required. Nang i-check ko ang expected salary, tumataginting na bente mil every month ang sahod! I immediately applied and submitted my resume online. I was hoping that the HR will call me anytime soon. Malaki ang maitutulong sa akin ng trabahong ito kung sakaling makuha ako rito.
Later that afternoon, I received a call from unregistered number. I immediately answered it sa pag-iisip na isa ito sa mga pinasahan ko ng application ko.
“Hello po?” I said.
“Hi, good afternoon! May I speak with Gracielle Marie Trinidad?” magiliw na sagot sa akin ng isang babae sa linya.
“Yes po, speaking.”
“Hi Gracielle! I’m Lucy from SVN Corporation. I saw your application online as a Company Nurse. I would like to invite you in an interview tomorrow. Would that be okay with you?” she asked.
Maluwang ang ngiti ko nang malaman kong galing sa SVN Corporation ang tawag. Parang may dagang nagsikulasan sa dibdib ko dahil sa kaba at excitement!
“Opo, Ma’am! Free po ako bukas!” I said merrily.
“That’s good! I’ll text you the details after this call, okay? See you tomorrow!” aniya.
“Yes Ma’am, good bye po!”
Nang maibaba ko ang tawag, para akong batang nagtatatalon sa sobrang saya! Hindi ko in-expect na matatawagan ako agad ng kumpanyang ‘yon. Umakyat ako sa taas and I readied my documents for tomorrow’s interview. Pati ang susuotin ko ay inayos ko na rin at maingat na ni-hanger.
Nang bumaba ulit ako para magluto ng hapunan ay siyang dating ni Lizette. She was holding a paper bag full of groceries. Agad ko siyang sinalubong sa pintuan para tulungan siyang bitbitin ‘yon. She thanked me at maingat na inilapag iyon sa mesa.
“Lizette! May interview ako bukas.” Balita ko sa kanya. Isa-isa kong inilabas ang laman ng paper bag.
“Wow! Congrats!” She said. Mabilis na nakuha si Lizette sa isang private hospital dahil kakilala ng pamilya niya ang may-ari noon. I tried to apply there too pero wala pa akong natatanggap na response.
“Oo, kaya wish me luck. Company nurse ang hinahanap nila.” Sabi ko. Nang mailabas ko ang lahat ng laman no’n, maingat ko ‘yong isinalansan sa cabinet. Ang mga frozen goods ay ipinasok ko sa freezer. Maingat kong tinupi ang makapal na paper bag at inilagay sa drawer. Nang simulan kong ilabas ang laman ng pangalawang bag, natigilan ako nang makita kong sanitary napkin iyon.
Bigla akong napaisip. Kailan ba ako huling dinalaw?
Nagsasalita si Lizette pero hindi ko iyon ma-absorb dahil sa lalim ng iniisip ko. And when I realize something, kumabog ng malakas ang dibdib ko. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang maliit na kalendaryo ko. Binilang ko ang araw at nang lumampas na ako sa usual cycle ko, parang gusto kong manlumo.
Delayed na ako ng dalawang linggo.