Grae “Okay ka lang ba ‘nak?” tanong sa akin ni Mama. Kasalukuyan kaming nagluluto ng pananghalian. Nagpresinta akong tumulong sa kusina para maiwaglit ko sa isipan ko ang napanood ko kanina. Ayaw na akong pakilusin ni Mama dahil nasabi ni Alfie sa kanya ang kundisyon ko noong nakaraan pero nagpumilit pa rin ako. Hindi naman ganoon kabigat ang maghiwa ng mga gulay. Nakaupo lang naman ako at ang mga kamay ko lang ang kumikilos. Napansin ni Mama ang pagiging tahimik ko. I got conscious and tried to act normally. Ayokong malaman niya na may bumabagabag sa akin tungkol Kay Alfie. Ayokong sirain ang magandang imahe ng asawa ko sa kanya. “Wala po. May naiisip lang.” ani ko at saka nagpatuloy sa paghihiwa ng kalabasang dala niya mula sa probinsya. “Hmmm. Nami-miss mo lang si

