Grae Ilang beses kong tinapik-tapik ang mikropono para i-test kung gumagana na iyon. Kasalukuyan nang tinitimpla ni Lizette ang alak habang nagluluto na ng pulutan si Cholo. Ako pa ang nagyaya na mag-videoke kami. Ewan ko ba. Bigla akong nasabik sa mga nakagawian kong gawin noon. Inilapag ko ang mikropono sa sofa nang masigurado kong gumagana iyon. Tinulungan ko sila sa pag-aasikaso sa mga ihahain sa inuman. Hindi na nagtawag pa si Lizette ng ibang mga kaibigan namin dahil maliban sa conflict ang schedule ng day-off, busy naman sila sa kani-kanilang buhay. Maya-maya’y nag-umpisa na rin kami. Nagkakahiyaan pa sa pagkanta noong una. Nagtuturuan kung sino ang mauunang bibirit. Ang siste, halos hindi rin kami nagkantahan sa umpisa. Hanggang sa pare-pareho na kaming tinamaan ng e

