CHAPTER 19

2431 Words
Grae   Mulat pa rin ang mga mata ko kahit malalim na ang gabi. Hindi na nakakain ng hapunan si Alfie dahil sa kalasingan. Mabuti na lang at nakuha pa niyang umakyat papunta sa kwarto namin dahil kung hindi, baka sa sofa ko na siya pinatulog.   Inasikaso ko siya kahit na medyo hirap din ako sa pagkilos. Bagsak ang katawan niya sa kama at tuluyan ng nakatulog ng hindi pa nagpapalit ng damit. I took care of him. Kumuha ako ng pambahay sa closet at inilapag iyon sa kama. Sinunod ko naman ang kumuha ng maligamgam na tubig at isinalin sa palangganita sa banyo ng kwarto namin.   Nilinis ko ang buong katawan niya habang tulog siya. Bakas ang pagod at matinding kalasingan sa mukha niya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpakalasing ngayong gabi pero nangako siya sa aking magsasabay kami ngayon sa hapunan. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib sa kaisipang hindi siya tumupad sa pangako pero kalaunan, hinayaan ko na lamang iyon.   Kahit nawalan na ako ng gana ay pinilit ko pa rin ang kumain para sa anak ko. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom. Sumubo lamang ako ng kaunti at saka iniligpit na rin ang nailuto ko. Malungkot ako habang kumakain. Isabay pa na medyo masama ang pakiramdam ko. Hindi na muna siguro ako papasok bukas sa trabaho.   Alfie is sleeping soundly beside me. Ramdam ko ang rahan ng kanyang paghinga. Yumakap ako sa kanyang mainit na katawan. Nakaramdam ako ng comfort sa init ng katawan niya. I was trying to get some sleep now. Ipinikit ko na ang aking mga mata at inirelax ang aking sarili nang marinig kong nag-vibrate ang cellphone ni Alfie sa bedside table katabi ng picture frame naming dalawa.   I opened my eyes. Normally, I don’t check his phone because I mattered the privacy between us. Saka hindi ko naman talaga ugali ang makialam sa hindi ko gamit.   Nagtatalo ang isip ko kung titingnan ko nga ba iyon hahayaan ko o hindi na. May bumubulong sa isip ko na gusto kong i-check kung sino ang nag-text sa kanya ng ganitong oras. Kung trabaho man iyon, hindi ba’t parang sobrang late na para roon?   I sighed. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at pinilit ko na ang sariling matulog na. Hindi na bale, baka sila Harold o Ate Garett lamang iyon. O kaya talagang sa trabaho lang, sobrang importante talaga. Siguro, nag-text lang kung sino man ‘yon ng ganitong oras para kapag nagising si Alfie kinabukasan ay iyon agad ang unang mababasa niya.   Muli akong nagmulat ng aking mga mata. Ilang minuto pa lang ang lumipas ay hindi ko pa rin makuha ang tulog ko. Dumagdag pa sa gumugulong isipan ko ang kung sino mang nag-text sa kanya ngayong hatinggabi. Dalawang beses akong humugot ng malalim na hangin bago ako tuluyang bumangon para abutin sa gilid ni Alfie ang cellphone niya.   Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang pinagpapawisan ako ng malapot kahit na malakas at malamig ang buga ng aircon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ganito ba ang pagdududa?   Nanginginig akong binuksan ang cellphone ni Alfie. Bumungad sa screen niya ang wedding picture namin. Pero halos manlamig ako ng makita ko ang text notification doon.   Venice Zarragosa sent you a message.   Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Nagsimulang uminit ang pakiramdam ko dahil sa nabasa. Parang kumukulo ang dugo ko sa matinding iritasyon. Ano ba ang kailangan ng babaeng ito? Nag-usap na kaming dalawa. Gaano man niya kaayaw sa akin dahil sa nangyari, kailangan niya pa ring respetuhin kung ano’ng naging desisyon ni Alfie!   He is already married to me. He is my husband!   Nagtatagis ang mga bagang kong binuksan ang mensaheng ipinadala niya sa asawa ko. Determinado akong sagutin iyon at magpakilala bilang ako. This woman needs to be put on her proper place!     Venice Zarragosa:     I had a great time with you, Alfie. Thank you for this wonderful night. :)     Aba’t…   Magkasama sila kanina?!   Nilingon ko ang asawa kong mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang herodes na ito! Bakit hindi niya sinabing nasa event din pala si Venice? Balak niya bang itago sa akin ito?   Ibinalik ko ang aking tingin sa screen sa cellphone niya. Should I text back?   Nagtipa ako ng reply. Ilang beses ko iyong binura dahil parang palengkera ang dating ng mga gusto kong i-reply. She is an educated woman but the hell is she doing? Is he flirting with my husband?   Mabuti sana kung hindi ko alam na may pagtingin siya sa asawa ko. I can give her the benefit of the doubt because in the first place, our marriage is still a secret to many people. Tanging ang pamilya ko at ilang malalapit na kaibigan lang namin ang nakakaalam no’n, maliban din sa kanya. Kaya dapat lang na malaman niya kung hanggang saan lang dapat siya!   Ilang beses akong huminga ng malalim para pag-isipan ang ire-reply ko sa kanya. Dapat ‘yong tipong relax lang pero may diin. Iyong hindi mukhang naghahamon ng away pero dapat matakot siya.   I sighed. Sa huli, binitawan ko ang cellphone niya at ibinalik iyon sa bedside table.   I trust my husband. Whatever this woman is telling him now, sigurado akong hindi naman sila napag-isa. Executives ang mga kasama niya kanina. She is the Vice President of their company. Natural lamang na naroon din siya para sa trabaho.   Alfie loves me. Ako ang asawa niya. Ako ang pinili niya kaya magtitiwala ako sa kanya.   Bumalik ako sa pagkakahiga ko. Lalong hindi ko na makuha ang tulog ko dahil sa mga naglalaro sa isip ko. Ayokong pag-isipan ng masama si Alfie lalo na’t hindi ko pa naman alam ang buong nangyari. Pwede ko sigurong itanong sa kanya iyon bukas? Para sa ikatatahimik ng isip ko.   Wala sa isip kong hinawakan ang aking puson. Dinama ko ang aking munting paslit na dahan-dahang lumalaki sa loob ng aking sinapupunan. Na-stress tuloy ako sa ginawa ko. Sana pala, hindi ko na pinakialaman ang cellphone niya para wala na akong nabasa.   Nalaman ko pa tuloy na magkasama sila kanina sa event na iyon.   “Sorry, baby. Nagpupuyat si Mama.” I whispered.   Kahit late akong nakatulog, maaga pa rin akong nagising. Hindi ko alam, simula nang magbuntis ako ay maaga na ako lagi kung gumising. Minsan ay nauunahan ko pa si Alfie. Hindi nga lang ako agad bumabangon. I just want cuddle my husband before our day starts.   Pero ngayong umaga, bumangon na ako para maghanda ng almusal namin. Nakahiga pa rin si Alfie sa tabi ko. I sighed. Lasing na lasing talaga siya.   After I finished my usual deeds in the bathroom, nagtungo na ako sa kusina. Ininit ko na lang ang ulam kahapon at isinangag ang kanin. Nagluto rin ako ng mga pagkaing pang almusal pangdagdag sa ihahain ko.   Patapos na ako sa paghahain ng pagkain. Tagaktak na ang pawis ko sa aking noo at leeg. Balak ko nang maligo mamaya dahil nanlalagkit na ako nang biglang may pumulupot na braso sa aking tiyan mula sa aking likuran.   “Why didn’t you wake me up, hon?” his voice is groggy.   Binitawan ko ang plato sa mesa at hinawakan ang kanyang mga braso sa aking tiyan.   “Ang sarap ng tulog mo, eh.” Pumihit ako para harapin siya. “Good morning.” Nakangiting bati ko sa kanya.   He scanned me. I pouted. Siguradong magulo na ang buhok ko. Idagdag pa na pawisan na ako at maputla ang itsura dahil nagsuka rin ako kanina sa banyo.   Umangat ang kamay niya para punasan ang pawisan kong noo. Nang hindi nakuntento ay nag-abot siya ng tissue sa counter. Pinunasan niya pati ang leeg ko. Ang mga buhok kong sumabog at nawala sa ayos ay inipit niya sa likod ng aking tainga.   “You’re pale. Are you alright?” nag-aalalang tanong niya.   Tumango ako. “Normal lang naman sa buntis ang mapagod agad at saka mangalay.”   “Magpa-check up tayo sa doktor?” suhestiyon niya.   Tumango ako. “Sa susunod na linggo ang schedule ko. Sasama ka ba?” I hopefully asked.   “Of course, hon.” Marahang sabi niya at saka ako kinintalan ng halik sa labi.   Naalala ko ‘yong text ni Venice sa kanya kaninang hatinggabi. Parang may tumutulak sa aking itanong iyon sa kanya dahil iyon ang huling naglaro sa isip ko bago ako nakatulog. I want to clear that to him. Pakiramdam ko kasi, hindi ako matatahimik kung hindi namin iyon paguusapan.   Pero at this hour? Hindi kaya wrong timing? Ang aga aga para sa tampuhan at komprontasyon.   Mamaya na lang siguro.   Sabay kaming bumalik sa kwarto namin pagkatapos mag-almusal. He is getting ready for work. Nasabi ko na sa kanyang hindi muna ako papasok. Gusto niya ring lumiban sa trabaho pero pinilit ko siyang pumasok dahil kailangan siya ngayon sa opisina.   “Pero wala kang kasama.” Aniya.   I smirked. “Sige na. Kaya ko naman ang sarili ko. Pwede naman siguro kitang tawagan kung sakali ‘di ba?”   Tumango siya. “Fine. Call me if you need anything, honey.”   Kasalukuyan siyang naliligo sa banyo habang inaayos ko ang kanyang susuotin. Inilapag ko ang coat sa kama. Nag-iisip ako kung anong kulay ng long sleeve polo ang babagay sa kanya nang mahagip ng tingin ko ang cellphone niya sa bedside table.   I gulped hard. Nilingon ko ang direksyon ng banyo. Nasa limang minuto na siya roon sa loob. Kung…sisilipin ko ang cellphone niya, baka mahuli niya ako.   Kumabog ulit ang dibdib ko. Parehong kaba sa naramdaman ko kaninang hatinggabi. Nabasa niya kaya ‘yong text ni Venice sa kanya?   My breath hitched as I hurriedly took his phone and went inside the walk-in closet! Kasabay ng mabilis ng t***k ng puso ko at paghinga ay ang panginginig ng mga kamay ko habang binubuksan ko ang cellphone niya. when I swiped it up, nangunot ang noo ko’t umawang ang aking mga labi.   May password?   Ipinilig ko ang aking ulo. Sa pagkakatanda ko, walang password ang cellphone niya nang pinakialaman ko iyon kaninang hatinggabi.   Kalalagay niya ba nito kanina?   Sinubukan kong buksan iyon. I tried typing a random number. Umiling ako ng minsan ng hindi iyon tanggapin.   Mabilis ako nag-isip. I tried his birthday.   Error pa rin.   What could it be?   “Hon?” tawag sa akin ni Alfie.   Sa gulat at taranta ko ay dumulas sa pagkakahawak ko ang cellphone niya. It slipped on my hands at bumagsak iyon sa sahig, causing a not-so loud thudding. Mabilis naman akong yumuko para damputin iyon. Pero nang yumuko ako, I felt a striking pain on my lower back, causing me to wince in pain.   “Aw!”   Kahit lumukob ang sandaling pananakit ng likod ko, narinig ko ang mabilis na yabag ni Alfie papasok sa loob ng walk-in closet. Naalala ko ang cellphone niya! Agad kong binuksan ang drawer sa paanan ko at mabilis kong nai-shoot iyon doon.   Saktong pagkasara ko sa drawer ay siyang dating ni Alfie sa harapan ko. He’s already wearing his boxers. Bahagya pa rin akong nakayuko dahil takot akong kumilos ulit. Parang kinidlatan ako ng sakit na kumalat mula sa ibabang bahagi ng likod ko papunta sa aking puson.   Shit. Normal pa ba ‘to?   “What happened?!” mariing tanong sa akin ni Alfie. His voice roared inside the room.   Unti-unti akong huminga ng malalim para makabawi ng lakas at makakilos ng maayos. Napakapit pa ako ng mahigpit sa braso niya para kumuha ng lakas pero sa tuwing gagalaw ako ay parang tinutusok sa sakit ang likod at puson ko.   I heard him curse and immediately, he scooped and carried me. Inilabas niya ako sa walk-in closet at maingat na inilapag niya ako sa kama.   “Ano’ng ginagawa mo ro’n?”   Nagpa-panic na rin siya dahil sa nakikitang hirap ako gumalaw.   “K-kukuha sana ako ng susuotin mo.”   Naalala ko ang cellphone niya. Hindi magtatagal ay hahanapin niya iyon.   “You don’t have to do that, Grae. I can manage myself.”   Umiling ako. “Gusto kitang a-asikasuhin. Masama ba ‘yon?” katwiran ko.   Umupo siya sa aking gilid. Napapikit ako dahil hindi pa nawawala ang sakit. Maybe if I’ll relax, mawawala rin ito.   Kailangan ko nang magpacheck-up. Baka kung ano na itong nararamdaman ko.   “Pero napapagod ka sa ginagawa mo! You already cooked for us. Tapos ngayon? Papagurin mo pa ang sarili mo sa pag-aasikaso sa akin?” his voice suddenly risen.   Dumilat ako at diretsong tumingin sa kanya. Salubong ang mga kilay niya’t mariin ding nakatingin sa akin. Galit ang rumehistro sa kanyang mukha. Suddenly, I pitied myself.   Naghalu-halo na ang mga emosyon na nararamdaman ko. Galit siya sa akin. Galit siya sa ginagawa ko.  Idagdag pa ang naunang pangamba ko kanina ng hindi ko mabuksan ang cellphone niya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko’t bumuhos ang masaganang luha sa pisngi ko.   Humikbi ako. Humikbi ng pagkalakas-lakas. I can’t control my bursting tears! It flowed continuously making my cheeks drenched. Naninikip ang dibdib ko’t parang gustong kumawala ang sakit na nararamdaman ko.   I saw how his face turned from being stoic to panicky. His lips parted and his eyes widened when he saw me how miserable I am. Bigla siyang natigilan sa naging reaksyon ko sa huling sinabi niya. Umaambang hahawakan niya ako pero dahil sa matinding sama ng loob na nararamdaman ko, I gathered all my remaining strength and pushed him away. “Get off me!” sigaw ko.   Nakita ko ang pangamba sa kanyang mukha. Napalunok siya. Then licked his lower lip.   “Honey, I’m sorry---”   Sinubukan niyang hawakan akong muli pero iwinaksi ko ang mga braso niya.   “I am trying to be your wife! Gusto kitang pagsilbihan! Gusto kong ako ang pupuno ng mga pangangailangan mo! Bakit ka nagagalit sa akin?! Isn’t this what you want?”   “Baby---”   “Get out! I don’t want to see you!” I said irritably. Then I cried again.   Tumuwid siya sa pagkakatayo. He sighed frustratedly and placed his hand on his nape. Tila naguguluhan dahil hindi niya maintindihan ang biglang pagiiyak ko.   Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa pag-iyak. Ako man, hindi ko rin alam kung saan ko nahugot ang mga salita ko. Did I really mean all my words I threw to him?   Maybe, it was half meant on my part. Baka nga...nangangamba ako dahil may ibang babaeng nagkakagusto sa kanya. Na may kayang magbigay at pumuno sa kanya…o mas higit pa.   I cried a lot. Na sa sobrang pagod ko, I drifted myself to sleep.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD